Part 28

152 8 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko na nasa center table, dahan-dahan ko itong inabot at pinatay. Four-thirty na, nakatulog na pala ako kagabi na nakayakap pa rin kay coach sa sofa. Hmmm bakit ang ganda naman nitong babae na 'to? I was tracing her eyebrows, nose, lips, her jawline at ang mga nakasara pa niyang mga mata. Ang hahaba at kapal ng kanyang mga pilik-mata. I missed seeing her wearing those thick glasses but I also loved getting lost in her brown eyes, may contact lens man o wala na walang nakaharang na salamin.

Her eyes started to twitch and her lips formed a smile.
"Good morning beautiful" nakangiti kong wika. Hay ang sarap lang sa pakiramdam na she's the first person I get to see when I open my eyes and the last one when I close it... sana ganito na lang araw-araw. I was caressing na her cheek with the back of my hand as I continued to stare at her beautiful face.
"Good morning Kat" nakasara pa rin ang kanyang mga matang sinabi ito at dahan-dahan niyang iminulat ito at pulupot ng kanyang mga kamay sa batok ko at hinatak ako para mahagkan niya.
"Hmmm can we skip school and just cuddle the whole day?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm sounds lovely, kung pwede lang sana kaya lang kailangan ninyong magpractice buong araw para sa laro ninyo bukas"
"What? Buong araw? Eh kahapon nga lang ako nakapagfocus sa klase tapos 'di na naman ako papasok? Tapos nagbabasa-basa pa ako sa pina-advance reading sa amin tapos 'di pala ako papasok at hindi mo sinabi kagabi? Ughhh coach!"
"Haha sorry nawala lang sa isip ko, nag enjoy akong pinagmamasdan kang seryoso sa pagbabasa"
"Hay naku!" naiinis ako pero 'di ko mapigilang hindi mahawa sa tawa niya kaya napangiti na lang ako. "Anyways coach I need to go home na, wala akong dalang extrang damit"
"Hmmm" at niyakap pa niya ako ng mahigpit "Okay Kat, ingat ka sa pagmamaneho okay? And call me agad kapag nakarating ka na sa inyo" hinalikan niya ako at tumayo na ako at nagmadaling nagbihis. "I'm going back to sleep Kat so please lock the door when you leave?"
"Okay coach. I love you... bye" at dinampian ko siya ng halik sa labi bago umalis but she hold my hand.
"I love you too Kat, bye" hinalikan muna niya ang kamay ko na hawak niya bago ito binitawan at umalis na ako na parang lumilipad sa sarap at gaan ng pakiramdam, nilock ko na ang pinto niya at isinara ito.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko na si mommy na naghahanda na ng almusal kaya nag text lang ako kay coach na nasa bahay na ako.
"Good morning mom" sabay yakap ko sa kanya at halik sa kanyang pisngi.
"Good morning din anak. Parang ang saya natin ngayon ah? Nag-overnight nga ba talaga sa kaklase for a school project?" panunukso niya sa akin. Hindi talaga ako makalusot sa kanya! She knows me too well!
"Si mommy naman lahat nalang talaga nilalagyan ng kahulugan, 'di ba pwedeng masaya lang?"
"I know, I know, O sha, school project nga. Sige na kumilos ka na at baka malate ka pa sa insayo ninyo"
"Sige mom" at nagmadali na akong pumasok sa kwarto para maligo.

After ko maligo ay saka na ako nakapag video call kay coach na sinagot naman niya agad.
"Hi Kat. Nasa bahay ka pa?" bungad niya habang nagmamaneho na.
"Yeah coach, kakatapos ko lang maligo" nakatapis pa ako ng tuwalya pati din buhok ko.
"I see" tumingin siya saglit sa phone niya to look at me at bumalik na sa daan ang kanyang paningin. "Hmmm pwedeng patanggal ng tuwalya? 'Yong nakabalot sa katawan mo?" pagbibiro niya.
"As if naman makakapanood ka! HAHA!" tumingin ulit siya sa phone niya kaya sinaway ko na siya "Ingat po sa pagmamaneho, eyes on the road!"
"Okay Kat. 'Di ba ako nakakaabala sa pag-aayos mo d'yan?"
"'Di naman po, nagmamadali na nga ako eh but I wanted to talk to you kasi wala na tayong time makapag-usap ng ganito kapag nasa school na tayo"
"Yeah tama ka BDO agent, kasi baka mamaya eh mapapagalitan na naman kita!" at tumawa siya.
"Nah 'di na mangyayari 'yon, inspired kaya ako! Haha"
"Tingnan lang natin mamaya!"
"Hey coach, done na akong magbihis at lalabas na ako para umalis, I won't end the call but I'll put my phone sa bag sandali okay?"
"Okay Kat" pagkasabi niya noon ay inilagay ko ito sa pocket ng bag ko at lumabas na ako ng kwarto.
"Mom alis na po ako" nagmamadali akong naglakad palabas.
"Halika muna dito" pagkalapit ko ay inabot niya sa akin ang starbucks cup ko at isang sandwich.
"Thanks mom! The best ka talaga" hinalikan ko siya sa pisngi at nagmadali ng umalis "Bye mom, I love you. Ingat kayo ni daddy mamaya" sigaw ko sa kanya at umiling-iling na lang siyang nakangiting sinusundan ako ng tingin.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay nilagay ko agad ang phone ko sa holder, pinaandar ang sasakyan at nagsimula na akong kumain at uminom ng kape at nagpatuloy ang kwentuhan namin saglit ni coach kasi nakarating na siya sa parking and she needs to end na the call at ididelete pa niya ang usapan namin.

Pagkapark ko ng sasakyan ay kinuha ko agad ang phone ko at delete din ng chat namin ni coach at nagmamadaling nagtungo sa gym.

At ako na naman ang huling dumating, but I was on time, I came in at exactly six! Pero 'yong tingin sa akin ni coach ay parang kakainin na ako ng buhay... 'pag nagkataon ay hindi ako tututol at magpapakain talaga ako! HAHA! At parang nainis pa yata lalo si coach na nakita akong ngumiti dahil sa naiisip ko.

"Good morning coach, hindi po ako late" nakangiti kong bati ulit sa kanya.
"Yeah pero team captain ka at tingnan mo ang mga kasama mo" tiningnan ko and yeah abala na sila sa pag-i-stretching at ako ay kakarating lang. Kaya yumuko at tumahimik nalang ako.
"Sorry coach" geez sungit naman! Parang kanina lang eh ang sweet-sweet niya sa akin! At syempre hindi ako makakarating ng maaga kasi nanggaling pa ako sa condo niya! Hmmp!
"Sige na, join your team na"
"Okay coach" nagjog na ako patungo sa mga kasama ko. NAKAKAINIS! Hmmm is this a test? Tinitingnan niya kung maaapektuhan ang laro ko sa pagtataray niya sa akin? Para mapagalitan niya ako kung hindi maganda ang laro ko? Ha! Never! Inspired kaya ako coach! At napangiti na naman akong nagsimula ng mag-stretching.

The day went well and I was on fire! Yeah! Inspired nga kasi coach! Ano ka ngayon? Walang effect pagtataray mo sa akin! Ha! Humanda ka mamaya!

Masaya si coach sa result ng game namin and she was hoping na we will show the same enthusiasm and gameplay sa laro namin bukas. At para daw mas lalo kaming ganahang maglaro bukas ay nagyaya siyang mag dinner sa Popeyes and her treat again! YAY!

My COACHWhere stories live. Discover now