Part 24

172 10 0
                                    

Pagkatapos naming magwork-out ay nagmadali na akong nagshower para makapagbreakfast sa canteen at paglabas ko sa gym ay nakaabang sa akin si Bethany... just great! She really knows how to ruin my beautiful day!
"Hi babe!" nakangiting nag-aalinlangan na bati niya sa akin.
"Will you please stop calling me babe Beth? Wala na tayo remember?" sobrang annoyed ko at hindi talaga ito maitago sa mukha at boses ko habang sinasabi ko ito sa kanya.
"Wala na tayo? Nag-agree ba ako sa gusto mo? You've said you needed time and space and I gave that to you so sana pwede na tayong mag-usap ng maayos?" alam kong nainis siya sa sinabi ko pero sinusubukan niyang pakalmahin ang boses niya.
"Wala naman na tayong dapat pang pag-usapan Beth, our relationship ended when you had sex with my best friend. I already made that clear before and nothing is ever going to change about it. Tapos na tayo so please, please respect my decision Beth"
"I can't babe... please give me another chance... one last chance" she was trying to hold my hand at kumakawala naman ako sa pagkakahawak niya ng nakita kong papalabas si coach na nakatingin sa amin na magkasalubong ang kilay na nilagpasan lang kami. Just F-ing great!
"Just let me go Beth!" pasigaw ko ng sabi sa kanya sabay hatak ng malakas ng kamay ko sa pagkakahawak niya "We're through" at tumalikod na ako sa kanya.
"Ayaw ko! We're not yet over! I'm not done with you yet!" sigaw niya sa akin habang lumalakad ako ng mabilis papalayo sa kanya.

Nawalan na ako ng gana pang kumain kaya dumiretso na ako sa classroom ko at doon na lang nagpalipas ng oras habang hinihintay magsimula ang klase. I was alone in the room pa kaya ichachat ko muna si coach.
'Sorry about what you saw earlier, ayaw kasi talaga akong tantanan eh!' and seen lang tapos ilang minuto pa siya bago nagreply.
'I know, haba ng hair!'
'Aughhh nang-aasar pa eh badtrip na nga ako eh'
'Oh so? What do you want me to do? Comfort you? Naiinis din ako'
'Sigh. I know, kita ko sa mukha mo kanina kaya sorry na po. God, I just wanna be wrap in your arms right now'
'Same. 09993335555. Later' grabe ang sweet ng girlfriend ko! Pero sabagay naiinis nga naman siya. Sigh.

Hindi na ako nagreply sa chat niya and I saved her number as Mom tapos pinalitan ko ang number ni mommy from Mom to Mommy para just in case may makabasa man na ibang tao ng message ni coach like "I love you" which is malabong mangyari dahil lagi kong hawak ang phone ko, at least hindi ito obvious, maliban nalang kong si mommy ang makabasa ng message niya sa malamang magtataka siya! Haha.

Nagsisimula ng magsidatingan ang aking mga kaklase kaya minadali kong i-delete ang conversation namin ni coach, nagtext ako sa number niya ng 'Your BDO agent loves you' sabay bura ko din nito pagkasend at naghanda na para sa klase.

Sa daming nangyari sa buhay ko for the past few days ay napabayaan ko na talaga ang pag-aaral ko, absences plus lutang moments sa klase kaya kailangan ko talagang bumawi. Nagfocus ako at nagparticipate sa klase just how I used to... bago ako niloko ni Beth at naloko kay coach.

Classes went smoothly... nakinig, nagquiz, nakaperfect sa isang subject, pinicturan at sinend kay coach sabay hingi ng reward at delete ng chat. I felt good today because I did well sa buong araw ng klase at excited pa sa training kasi makikita ko na naman si coach.

Nagmadali akong nagtungo sa gym hoping masolo ko na naman si coach pero nadismaya ako nang naabutan ko doon si coach at si Diane. Nakaupo si coach sa bench at nag-ha-hamstring stretch naman si Diane na nakaharap sa kanya habang nagkukwentuhan sila. Pagkalapit ko sa kanila ay tumayo agad si Diane at niyakap ako at nagsalubong na naman ang kilay ni coach.
"I miss you" nanggigigil na wika ni Diane.
"Uy bakit wala ka kaninang umaga ha?" sabay tulak ko palayo sa kanya na tumatawa, kunwari inaasar siya na siya namang ikinatampo nito dahil hindi ako nag I miss you too sa kanya at hindi ko rin siya niyakap. Mas okay na na siya ang magtampo kaysa mas lalong mainis ang girlfriend ko na magkasalubong pa rin ang kilay hanggang ngayon na nakatingin sa amin. At napangiti ako sa salitang girlfriend na mas lalo pa yatang ikinainis ni coach. Lumapit agad ako kay coach at lapag ng duffle bag ko sa tabi niya.
"Good afternoon coach" naiilang kong bati sa kanya na nakangiti dahil alam kong naiinis na naman siya.
"Good afternoon Kat" halata sa boses niya ang pinipigil na inis pero nginitian ko ulit siya. Iyon lang ang naging palitan namin kasi nagpunta na ako kay Diane at sinamahan siyang mag-stretching.

Umupo ako sa harap ni Diane na nakatalikod naman kay coach at ginaya ang ginagawa nito.
"Yan okay ka lang? Bakit wala ka kaninang umaga?" concerned kong tanong sa kanya pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niyang butterfly stretch. "Hoy!" at deadma pa rin niya ako kaya ang ginawa ko ay tumalikod sa kanya at humarap sa maganda kong girlfriend at ngumiti rito pero sinalubong lang ako ng seryosong mukha na halata pa rin ang inis dito at dumating na si Mai na seryoso rin ang mukha, tahimik, wala ang kakulitan at pagkamadaldal nito... nakakapanibago!
"Okay ka lang Mai?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Dahil ba ito sa biro ko sa kanya kaninang umaga about sa kanila ni Diane? Hay ano bang meron today? Bakit lahat yata ng tao eh galit sa akin? "Hoy Mai?" pero wala pa rin talaga, nagtuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niyang paghahanda para sa training namin.

Tumingin ako kay coach na may pagtataka rin sa kanyang mga matang nakatingin sa akin at nag shrug lang ako dahil wala akong alam anong nangyari at buti na lang nagsidatingan na lahat naming kasama para makakapagsisimula na talaga kami kasi pakiramdam ko ang awkward lang talaga ng atmosphere! Ako lang kaya ang nakakaramdam nito? Geez ayaw ko pa naman ng may naiinis o nagagalit or may sama ng loob sa akin!

My COACHWhere stories live. Discover now