Part 12

211 13 0
                                    

Every morning from six to seven ang workout time namin. May time pa kaming magshower at breakfast for our eight o'clock class. Then after our class at four in the afternoon ay ang stretching, warm-up at practice game. Minsan we played with the boys team pero madalas kateam lang namin. Ganito na ang magiging routine namin hanggang sa District Meet.

At sa araw-araw na lumilipas ay mas lalo pa akong nahuhulog kay coach kahit iniignore niya ako, kahit mas napupuna niya pa ang mga pagkakamali ko, kahit mas strict siya sa akin at kahit ganoon pa man ay nakikita ko rin naman ang pagiging mas concerned niya sa akin na hindi nakakalagpas sa mga mapagmasid na mata ni Mai.

"My ship is sailing" "My ship is sailing" ang paulit-ulit niyang sinasabi na kinikilig pa pero lagi ko siyang sinasaway at naging mantra ko na rin ang "Coach natin siya at teacher siya dito sa school" sa kanya at sa sarili ko. Kahit anong pilit niyang pagpapaamin sa akin ay wala siyang nakukuha dahil ayaw kong may makakaalam ng nararamdaman ko para kay coach lalo na sa nangyari sa amin dahil alam kong ikakapahamak niya ito. Kaya nga siguro dinideny niya ang nangyari dati pero masakit lang talagang tanggapin ang katotohanan gayong mahal ko na siya.

And just like that, dumating na ang pinaghahandaan namin for a month... ang District Meet. I was so confident and ang buong akala ko ay handang-handa na ako, na madali lang ito lalo na sa training na ginawa namin, lalo pa na sobrang inspired sa laro with the Creamline. Na kahit anong mangyari ay mai-straight namin ang panalo hanggang sa championship just like last year.

But I was wrong.

Natalo kami sa first game pa lang namin. I was so distracted, so annoyed, so pissed... and so jealous... parang dinudurog ang puso ko. Sino ba naman kasi 'yong gwapong assistant coach ni coach at ang sweet-sweet niya kay coach! He is an eye sore. Kaya 'di tuloy ako makapagconcentrate sa laro kasi lagi silang nahahagip ng mga mata ko na nagpapakulo ng dugo ko sa galit. My game play was really off. Nakailang beses na akong labas-pasok sa court pero wala talaga. Dagdagan pa ng dysmenorrhea ng libero at setter namin at magaling na kalaban kaya talo talaga. Bangko kaming tatlo ni Mai at Diane.

Nakauwi na lahat ng aking mga kasama at pinaiwan ako ni coach sa locker room ng gym sa school namin. Nag meeting pa kasi kami dito sa mga lapses namin at sa mga kailangan pang gawin dahil sa pagkatalo namin.

"Anong problema mo? Was it because of your ex? You being heartbroken? Nagseselos ka ba sa kasama niya kanina kaya hindi ka makapagfocus sa laro?" pasigaw niyang wika noong kaming dalawa na lang ang natira. Alam ko kanina pa siya nagtitimpi, she's not the type of person na magpapatalo kaya kahit bangko kami ay magkadikit ang laban kanina dahil sa kanya at parang ayaw niya ring tumanggap ng pagkatalo kaya inis na inis siya.
"No"
"Then what is it? You can't be like this or else ibabangko kita the whole game sa susunod ninyong laro"
"Ikaw"
"Anong ikaw?"
"Ikaw ang problema ko coach"
"Ako? Bakit ako?"
"Why are you pretending na hindi mo ako kilala?"
"What are you talking about?"
"See? Pretending again! That night sa bar, ikaw 'yon and I can't be wrong... ikaw ang naka-one-night stand ko so why do you keep on pretending not to know me gayong may nangyari sa atin!?"
"Anong pinagsasasabi mo Kat?"
"Yeah deny it coach... deny it all you want but I know ikaw iyon! Why? Why are you doing this?" 'di ko na mapigil ang sariling maiyak dahil sa frustration ko because deep down inside, kahit anong paalala ko na coach namin siya at isa siyang guro sa paaralan namin ay I really wanted her. I saw that she wanted to hold me but she held back and wrapped her arms around her instead and rubbed her arms.
"Sorry Kat pero hindi ko talaga alam ang pinagsasasabi mo" kita ko rin sa mga mata niya ang lungkot but she just can't admit it... that's all I need from her pero ayaw niya talagang ibigay sa akin!
"Bo-boyfriend mo ba 'yong assistant coach?"
"Either boyfriend ko siya or hindi it is none of your business Miss Jimenez... all you have to do is to focus on the game! On the ball! Hindi sa akin or kung kanino man 'pag nasa court ka!"
"It is my business coach kasi nagseselos ako! Fuck... mahal kita" at humagulgol na ako dahil sa sobrang daming emosyon na nararamdaman ko.

Tinalikuran lang ako ni coach pagkaconfess ko ng feelings ko sa kanya, iniwan akong mag-isa sa locker room pero bago siya makalabas at isara ang pinto ay parang echo sa aking mga tainga ang binitawan niyang salita...
"Yeah boyfriend ko siya" and it broke my heart at wala akong nagawa kundi ilabas ang sakit sa pag-iyak na mag-isa sa room ng kung ilang minuto or oras ay hindi ko alam.

Wala akong balak sumali sa practice kinabukasan dahil wala akong mukhang maiharap sa mga teammates ko at hindi pa ako handang harapin ang kauna-unahang babaeng nangbasted sa akin. I felt lost at that moment and I find myself na lang driving my car, tinatahak ang daan pauwi sa probinsya namin pagkalabas ko galing sa school and I was out drinking again sa bar na tinatambayan ko sa amin, disappointed sa sarili ko for our loss at sa puso kong kakahilom lang ay nadurog muli. Sobrang sakit lang at kahit ilang basong alak pa ang nainom ko ay hindi man lang naibsan ang sakit na nararamdaman ko kaya I just drowned my sorrow away hanggang sa nag passed out ako sa bar.

That's the last thing I remember but when I opened my eyes ay nasa kwarto ako nakahiga sa bed. Sa malamang nasa hotel ako kasi halos katulad ito sa room last time with coach but this time mag-isa lang ako sa kama at fully clothed. Masakit ang ulo ko at mas lalong sumakit trying to remember anything kung paano ako nakarating sa kwartong ito but wala talaga. Blackout! Ang tanging pumapasok lang sa utak ko ng paulit-ulit ay ang mga huling binitawang kataga ni coach "Yeah boyfriend ko siya" na pumipiga na naman sa aking puso at nagpatulo ng aking mga luha.

My COACHWhere stories live. Discover now