Part 50

354 10 5
                                    

Nagising ako sa mga katok sa aking pintuan. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak kagabi, inubos ko na kasi lahat-lahat dahil kailangan kong ipakita sa mga magulang ko na kaya ko and that I am strong.

I looked at my night stand and checked the time sa digital clock na nakapatong dito and it reads two o'clock in the morning. Why so early? Mamaya pang gabi ang flight namin.

Bumangon ako at nagtungo sa pinto na pupungas-pungas pa ang mga mata at binuksan ito.
"Mom?" wala pa sa katinuan kong wika.
"Let's go na" malungkot na nakangiti niyang sagot.
"Mom mamaya pa pong gabi ang flight namin, alas-dos pa lang po ng madaling araw"
"I know, I know Kat that's why you have to go na" then suddenly she dragged me out of my room at nasa sala na si daddy nakatayo hawak ang maleta ko. Was I reading the time wrong? Was it P.M at napahaba lang ang tulog ko? Or hindi gumagana ang orasan ko?

My mom and dad hugged me na pumutol sa mga katanungan sa aking isipan.
"We love you nak and we just want you to be happy, ayaw naming nakikita ka sa kalagayan mo ngayon, walang gana, wala ka ng drive at pumapayat ka na. Napapabayaan mo na ang sarili mo nak and we don't want that." saad ni mommy na kita kong punong-puno ng pagmamahal at pag-aalala ang kanyang mga mata pero 'di pa siguro gising ang aking diwa kasi hindi ko siya maintindihan.
"Please remember baby na kahit anong mangyari we're always here for you, we'll always have your back at mahal na mahal ka namin ni mommy okay?" nakangiting wika ni daddy at mas hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa amin ni mommy. "Let's go" dagdag pa niya at sabay silang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinila na ni daddy palabas ang maleta ko habang naka-side hug naman sa akin si mommy na ginigiya akong naglakad na sumusunod kay daddy. And I was in a dazed, hindi alam ang mga nangyayari.

Sa labas ng gate ay nandoon ang sasakyan ni coach, mabilis na ipinasok ni daddy ang maleta sa nakabukas ng trunk at sinara agad ito sabay yakap ulit sa akin.
"Everything's going to be alright baby" at hinalikan niya ako sa noo. "I love you" then he let go of me tapos si mommy naman ang yumakap sa akin.
"I love you Kat, my baby... enjoy your vacation and see you sa pasukan" nakangiti pero malungkot niya paring wika "I will miss you" then she let go of me na at binuksan ang pinto ng kotse at nandoon sa driver's seat si coach na matipid na nakangiti at doon na nagsink in sa akin lahat at napaiyak na lang akong napayakap kina mommy at daddy na labis na nagpapasalamat at nagmadaling pumasok sa sasakyan ni coach pagkatapos kong magbeso at mag I love you sa kanilang dalawa.

"You can stop crying na" saad ni coach na tumatawa habang nagmamaneho at hawak ang isa kong kamay. Mahaba-haba na rin kasi ang aming byenahe.
"Am I dreaming ba?" tanong ko sa sarili ko na sumisinghot-singhot pa.
"You're not love," at pinisil pa niya ang kamay ko at hinalikan ito. "You're not dreaming." God I miss her voice and I miss her so much kaya hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya at sumandal pa ako sa braso niya.

Kung panaginip man itong lahat ay ayaw ko ng gumising pa, I just wanna be with her kahit dito man lang ay makasama ko siya.

Tahimik lang ako, 'di pa rin alam kung panaginip ba o totoo ang mga pangyayaring ito pero ninanamnam ko ang init at lambot ng kanyang palad na nakahawak sa kamay ko.

Huminto siya sa departure area ng NAIA at naguluhan ulit ako. Bakit kami nandito? This can't be my flight with Beth kasi madaling araw pa at gabi pa ang flight namin or gabi na ba?

Bumaba si coach at pinagbuksan ako ng pinto, nasa baba na ang mga gamit namin.
"Good morning po ma'am" bati ng matandang lalaki kay coach.
"Good morning Tay, kanina pa po kayo?"
"Hindi po ma'am, kakarating ko lang din po, kasama anak ko" tinuro niya ang sasakyan sa harap namin na nakahazzard.
"Ah okay po Tay, maraming salamat po at pasabi na rin kay Lito na salamat, kayo na pong bahala kina mama at papa ha? Mauna na po kami at mag-ingat po kayo sa pagmamaneho pauwi" at nagmano pa siya sa matanda, kumaway sa direksyon ng sasakyan na nasa harapan ng sasakyan niya at itinulak na ang cart na pinaglagyan ng mga bagahe namin while she linked arms with me at pumasok na kami sa airport. Pinakita niya sa guard ang dalawang passport at screen ng phone niya at nagtuloy na kami sa check-in counter.
"To Vegas?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Yeah, papakasalan na kita" walang paligoy-ligoy niyang bulong sa akin sabay tawa. Is she serious or just kidding? Lutang pa rin ako for F's sake dahil sa bilis ng mga pangyayari ni hindi ko nga alam kung desperado lang talaga akong kumawala sa realidad kaya nandito ako ngayon with coach... sa panaginip ko dahil sa pagkakaalam ko nasa kwarto lang ako, umiiyak.

I felt a tap on my shoulder, waking me up.
"Mom five more minutes" wika kong nakapikit pa rin ang mga mata but the tapping continues.
"Kat, Kat gising na nandito na tayo" that's not how mom calls me when waking me up and it wasn't my mom's voice kaya napadilat ako ng mga mata at nakita ko ang mukha ni coach na nakangiti at nakaupo ako? When I looked around ay nakita kong nasa loob ako ng eroplano, so it wasn't a dream? And I am really with my coach?
"Am I dreaming?" wait parang naitanong ko na ito sa kanya before?
"You are not dreaming love" nakangiti pa rin siya, natutuwa siguro sa pagkalito ko "and you've already asked me that, gusto mo ng sampal to confirm?" pagbibiro niya na tumatawa "Let's go" wika niya as she held my hand and help me stand up pagka-unbuckle ko sa seatbelt.

Para akong asong ligaw na buntot ng buntot kay coach sa loob ng airport dahil sa takot na mawala siya sa paningin ko pero lagi naman niyang hawak ang kamay ko na parang takot din siyang mawala ako.

She hailed a cab pagkalabas namin sa airport at dumiretso na kami sa hotel, nag freshen up lang kami and had dinner sa Joe's Seafood at bumalik na agad sa hotel. I've been waiting and dreaming for this moment, ang masolo ulit si coach to make love to her but my body was exhausted kaya pagkahiga ko sa kama ay nakatulog agad ako.

I woke up sa tunog ng alarm and I was alone sa bed, I know it's no longer a dream dahil wala ako sa kama ko at phone ni coach and tumutunog then maya-maya ay lumabas siya ng banyo na naka white dress na kinakabit ang hikaw sa tainga niya.
"Good morning love, bangon na at maligo ka na kasi aalis tayo pagkatapos mo" aalis saan? 'Di ba pwedeng magpahinga muna at magpakasawa sa isa't-isa kasi ang tagal rin naming hindi nagsama? "Sige na please" I guess importante ang lakad namin kasi nagmakaawa pa siya kaya napilitan akong bumangon at nagtungo sa banyo pero humalik muna ako sa kanya and tried to go further pero tinapik niya ang kamay ko na lumalamas sa breast niya. "Later na love, sige na maligo ka na" at wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko ang favorite kong white v-neck sleeveless maxi dress na nakalatag sa bed... white dresses? importanteng lakad? Vegas? So she wasn't joking when she said pakakasalan niya ako?
"Magpapakasal tayo?" paninigurado ko kasi malay ko ba kung trip n'ya lang magputi kaming dalawa tapos mali pala 'yong iniisip ko.
"Yes love, ayaw na kitang pakawalan pa at baka maagaw ka na naman ng iba" seryoso niyang turan "kaya please get ready na kasi kukunin pa natin ang marriage license natin and our ride will be here na in a few minutes" REALLY? OMG! Nagmadali na akong nagbihis at nag-paganda at maya-maya pa ay may tumawag na sa telephone ng hotel at bumaba na kami.

May nag-aantay na limousine sa labas ng hotel,  linapitan niya ito at kinausap niya ang lalaki na nakatayo sa gilid ng sasakyan at maya-maya pa ay pinagbuksan na kami ng pinto.

We had our marriage license, went to the Chapel of the Flowers for our wedding ceremony and ta-dah Mrs. Katherine Jimenez Moreno na ako ng ganoon kabilis at sa wakas, my coach is now my wife. YES!

-The End-

-=-=-=-
-=-=-=-

Sa wakas natapos rin! The longest story na naisulat ko na sobrang tagal rin natapos kaya maraming-maraming salamat sa mga nagbasa nito hanggang dito sa dulo, lalong-lalo na sa mga nag vote nito at sana na enjoy nyo to. Thank you and hope to see you again on my next one ❤️

BTW how's the story? Feedbacks are highly appreciated para maimprove pa ang pagsusulat. Thank you 😊

My COACHWhere stories live. Discover now