"Kat can you please let me go, alam ko sobrang na miss mo ako pero hindi na ako makahinga" wika ni Diane na sinusubukang kumawala sa mahigpit kong pagkakayakap.
"Ah sorry yeah sobrang na miss nga kita" pagpapalusot ko.
"Katherine Jimenez glad that you've finally joined the training and I am happy to finally meet you. I'm your new coach Regine Moreno" masigla niyang wika sabay lahad ng kanyang palad para makipagkamay pero nakayakap pa rin ako kay Diane, hindi makapaniwala. Doesn't she recognize me? I can't be wrong, siya talaga 'yon, with her looks, voice and her scent... I can't forget that scent of her na gusto kong amuyin buong araw kasi noong nasa bar kami, noong niyakap niya ako ay nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at inaamoy-amoy ko talaga ang pabango niya sa leeg niya."Uhmm please join your teammate Kat" saad niya ulit at sabay bawi ng kanyang kamay maybe because hindi ko ito inabot dahil nag-ooverdrive na naman ang utak ko. Tumingin ako sa palibot at nakita kong nakatingin sa amin ang mga kasama ko at parang natauhan ako.
"Ah sorry coach" sabay alis ng pagkakayakap ko kay Diane at abot ng kamay niya at nakipagshakehand "I'm glad to meet you too coach... again" pabulong kong sabi sa huling salita. I can't be wrong siya talaga iyon because I am feeling that giddy feeling na naman no'ng hinawakan ko ang kamay niya.
"What is it Kat?"
"Ah nothing po coach, please take care of us and sana with your help ay masungkit na natin this time ang championship" seryuso kong turan.
"I will do my best and sana ikaw din. Sige na sali ka na sa kanila at makapag warm-up na mamaya"
"Ahm coach..."
"Yes Kat? What is it?" God 'di ba niya talaga ako matandaan? Mamukhaan? Ako 'yong lasing pero siya itong nakalimot?
"Ah wala coach... sige po excuse me po" at sumama na ako sa mga teammates ko.Habang nag i-streatching ako ay sa kanya lang nakatingin ang mga mata ko. Nakapusod ang kanyang buhok, she was wearing our varsity jacket, skinny jeans na nagpapakita ng maganda niyang hubog at nag-init ako bigla dahil naalala ko na naman ang kanyang hubad na katawan.
"Kat okay ka lang?" tanong ni Diane sa akin.
"Yeah okay lang" lumapit siya sa akin at nilapat ang likod ng kamay niya sa noo ko. "bakit?" pagtataka ko sa ginawa niya.
"Namumula ka kasi, akala ko may lagnat ka or you are not feeling well kaya parang lutang ka since kanina pa" at mas lalo pa 'ata akong namula sa sinabi niya dahil sa hiya.
"Focus girls!" sigaw ni coach na sa amin nakatingin. "Okay mag warm-up na kayo para maglaro na mamaya""Time out!" sigaw ni coach pagkatapos mag out na naman ang bola na hinampas ko.
"Do you want me to pull you out from your practice game?" wika niya na nakatingin sa akin "Team captain ka ba talaga? If you can't focus in this practice game do you think kaya mong dalhin sa championship ang team n'yo?" naiinis at pagalit niyang wika. I know kasalanan ko dahil hindi ako makafocus dahil sa kanya pero nasaktan ako sa mga sinabi niya na totoo lang naman. I've heard worst but her words hit differently at namumula na pala ang mga mata ko trying not to cry in front of everyone at hinawakan ni Diane ang kamay ko at piniga-piga ito to support and comfort me.
"N...n...no coach" 'yon na lang ang tangi kong nasabi.
"Okay, one more error and you are out" medyo kalmado na niyang sabi at pinabalik na kami sa laro.Napag-iwanan kami ng puntos dahil sa mga errors ko kanina, 'di maganda ang receive ko ng bola, service errors, 'di makablock, 'di nakakadig kahit nasa malapit lang sa akin ang bola at sa mga palo ko na masyadong mababa kaya net or mataas kaya out. I was so distracted sa presence niya and I can't blame her for what she said because of how I played earlier but this time kailangan kong iprove sa kanya kung bakit ako ang naging captain sa team namin, na kaya kong dalhin ang team namin sa championship.
Kinausap ko muna ang team ko, humingi ng sorry sa kanila at humingi din ng tulong at supporta nila to win the game at niyakap lang nila akong nakangiti.
Kami sa team ko ang first six kaya mas malakas kami kaysa sa kabilang team pero dahil sa wala sa laro ang isip ko ay napag-iwanan kami.
Game face on! No room for mistakes! FOCUS!
At iyon na nga, unti-unti na naming nahabol ang puntos ng kabilang team. Sa akin talaga madalas i-set ni Diane ang bola kahit nasa backrow pa ako at kahit papaano ay nakakapuntos naman. Luckily hindi na ako nakapagcommit ng error hanggang sa matapos ang game at syempre panalo kami with 3-0 sets na halos magkadikit lang ang laban.
"Good job girls!" nakangiting wika ni coach sabay pumalakpak pa ito. "Dahil d'yan dinner tayo and libre ko!"
"WOOO" "YEHEY!" hiyawan ng mga kasama ko sa tuwa kahit mga pagod na.
YOU ARE READING
My COACH
RomansaOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...