Part 43

120 3 0
                                    

I gritted my teeth as I said "Okay"
"Madali ka pa ring kausap babe, just like before" oo before na mahal na mahal pa kita but right now puot lang ang nararamdaman ko para sa iyo and you leave me no choice kaya napapayag mo ako! "Now that we are back together let's celebrate" pagtutuloy niya kasi hindi na ako sumagot sa kanya at doon ko na lang napansin ang nakahanda sa mesa... may wine, cake at flower.

Tumayo siya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko itong binawi at nagtungo sa mesa at umupo sa upuan. Lagi ko na itong ginawa dito but this feels different... I felt nauseous.
"Smile ka babe, let's take a picture para i-post ko sa facebook" nakataas na ang kamay niyang hawak ang phone ready to take a picture.
"Please don't, don't take a photo of us or post anything about us" wika ko as I covered my face with my hand and took her phone sa kamay niya. "Alam mo naman na I am in a relationship diba? I don't want to hurt her 'coz I know how it feels to be cheated and I don't want her to think na I am cheating on her. So please, please Beth, give me some time para makipaghiwalay sa kanya" and just the thought of breaking up with coach broke my heart din... sobrang sakit.
"Okay, madali rin naman akong kausap diba?" then she hold my hand na nasa ibabaw ng mesa and it was sickening, I wanted to throw up pero hinayaan ko pa rin siyang hawakan ako at tiniis ang nararamdaman ko. "But you have to sleep her tonight and make love to me"
"You know I can't do that, making love to you while I am in a relationship is cheating Beth! Please huwag mo akong itulad sa iyo"
"Okay fine!" naiirita na niyang saad. "But please have some cake and wine then have dinner here, lagi kang hinahanap sa akin nila mom and dad"
"You could have just told them the reason" sarkastiko kong tugon sa kanya.
"Babe, let's try to forget it okay? Promise babawi ako" she placed a slice of cake sa platito ko na may nakalagay pa na '41s' then she poured a red wine on the glass. 41st BS! It was supposed to be our forty-first monthsary kung hindi lang siya nagloko! "Cheers babe, cheers for more months and years to us" then she clink her glass to mine na nasa mesa lang. Geez she's the only one celebrating, can't she read the atmosphere? Para akong namatayan kasi namatay ang puso ko! I remained quiet as she talked about our plans in the future. Great, just great! Buti na lang may kumatok sa pinto, katulong nila, pinapatawag na kami para magdinner. Thank goodness 'coz I might go nuts if it continues!

During dinner ay ang daming tanong ng magulang niya sa akin at siya naman ang tagasagot with an excuse na I wasn't feeling well kaya tahimik lang ako. Nagnanod lang ako 'pag nag-aagree ako sa mga sinasabi nila at paghindi naman tungkol sa amin ang tanong ay sumasagot din ako. I can't be rude to her parents just because of what she did to me, walang kinalaman ang parents niyang mabait sa akin sa ginawa niya.

After dinner ay nagpaalam na ako sa kanila, bumeso ako kina tita at tito at tinanguan ko lang si Beth na sumama pa sa akin sa kotse ko sa labas ng gate.
"Ingat ka babe" gusto niyang humalik pero iniwas ko ang mukha ko.
"Not now please, not until I settle everything with coach" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Okay babe" malungkot niyang wika.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay pinaandar ko agad ito at mabilis na umalis at pagkalabas ko sa subdivision nila ay huminto agad ako sa gilid ng kalsada at 'di napigilang mapaiyak sa lahat-lahat ng nararamdaman ko at that moment.

Biglang nag vibrate ang naiwan kong phone dito sa sasakyan, coach is calling and I don't have the heart to answer her call kasi maririnig niya sa boses ko na umiiyak and I am sure na mag-aalala lang siya kaya hinayaan ko na lang. After the call ended ay nakita ko ang nine missed calls and five text messages.
'Sorry kanina Kat, I really lost it, nakalimutan tuloy nating maglunch'
'Hmmm no reply... Busy? Eating? Nakatulog?'
'Dinner na Kat?'
'Hey, you can't be sleeping till now right?'
'Okay, I am starting to get worried Kat, please answer my call'
Tumawag na naman siya at hindi ko na naman sinagot. Shit! Fuck! Hinahampas ko na ang manibela ng kotse kasi hindi ko alam ang gagawin ko at wala pa ring tigil sa pagluha ang aking mga mata.

I found myself na lang driving papunta sa condo ni coach when I received a call from Beth at naiinis kong sinagot ito.
"I don't want you din to be cheating on me since tayo na kaya huwag mo ng ituloy ang binabalak mong pagpunta sa kanya kasi hindi ko makikita ang pwede ninyong gawing dalawa"
"Beth are you stalking me?!" pasigaw kong sabi sa kanya.
"Please go home safely babe" and she ended the call at wala na naman akong choice but to head home. She's really out of her mind!

Another call came and it was from coach again at hindi ko na naman sinagot and this time I felt guilty na kasi alam kong alalang-alala na siya kaya tumabi ulit ako sa kalsada to text her pero nakatanggap pa ako ng text niya.
'Busy lang ang line mo kanina but you can't answer my call?' God, gusto kong sabunutan ang sarili ko! I know she's worried and hurt na pero wala akong magawa, now that I received that text ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano ang itetext ko sa kanya?

May tumawag na naman and it was mom and I suddenly felt relieved pagkasagot ko sa tawag niya.
"Okay ka lang?" tanong niya agad sa akin na para bang alam niya ang nararamdaman ko at 'di ko na mapigil na humagulgol. "Okay Kat, kung saan ka man ngayon you have to stay there okay? Don't drive na, mom and dad will fetch you okay? Just share your location" then naputol na ang linya at sinunod ko ang sinabi niya, I shared my location na malapit sa condo ni coach.

My COACHWhere stories live. Discover now