The school year is about to end na at busy na kaming mga graduating students complaying sa mga requirements and meeting deadlines. And kung gaano ko kagustong matapos kaagad ang pasukan dati, I am dreading it na. I wanna extend it as long as possible pero ang bilis lumipas ng mga araw. I already had my student visa, ayaw nila ni mommy at daddy na fiance visa ang kukunin nila tito at tita for me at ayaw din nila na sagutin ng parents ni Beth ang gastos ko kahit nag-iinsist pa sila kasi suggestion daw nila kung bakit ako mag-aaral abroad pero ginastusan talaga nila mommy at daddy ang visa, school at ticket ko kahit ayaw pa nila na doon ako mag-aral, but just like me, wala rin silang choice kasi they wanted to protect coach din.
After that call with coach ay hindi ko na ulit siya nakausap at mababaliw na 'ata ako thinking of the future without her. Wala na akong ganang magpatuloy pa sa buhay knowing na malalayo ako sa parents ko at lalo na kay coach. Wala akong ganang kumain o kumilos, parang naka-auto pilot na lang ako, laging lutang at nakakalungkot pa lalo dahil wala ng training, wala ng laro, wala ng masyadong ginagawa kaya I spent most of my time with Beth. Sobrang depressing ng mga pangyayari at dahil sa pinagdadaanan ko ay ilang beses na ring sumagi sa isip ko ang magpatiwakal but everytime naiisip ko ito ay lagi ko ring naiisip sila ni mommy at daddy na mahal na mahal ako, I know sila ang labis-labis na masasaktan 'pag nawala ako and I can't hurt them... I can't leave them, mahal na mahal ko sila. Ang lungkot lang talaga na mabuhay... ang lungkot mabuhay. Dito pa lang ay ganito na ang nararamdaman ko how much more na kaya 'pag nandoon na talaga ako sa ibang bansa.
Everything is set na, tanging hinihintay na lang namin ay ang pumaso sa entablado for our graduation tapos aalis na kami papuntang States the following day... the day that I am dreading to come.
Instead na masaya ako sa oras na ito as my name was being called and as I marched on the stage to get my diploma ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Habang nasa gitna ako ng entablado ay nagbabakasakali akong makita ko si coach for the last time at hindi nga ako nabigo, I saw her sa bandang likod na malungkot na nakangiting pumapalakpak na nakatingin sa akin at hindi ko na napigil ang pagtulo ng aking mga luha. Ganito na lang lagi ang aming mga tagpo... she's near yet so far that I can't even be with her kahit nakikita ko pa siya and I just wanna run to her, hugged her to ease the loneliness and pain I am feeling every fucking day and then just run away with her, leave everything behind and forget the world... just the two of us, me and her. The rest may see me as wiping my tears of joy as I received my diploma but it is exactly the opposite of what I really felt... I just wanna break down from the heartbreak I am suffering but instead I continued my stride and went down the stage.
Sabay naming pinagdiwang ang graduation namin ni Beth sa isang hotel. It's just her parents and mine, pareho kasi kaming nag-iisang anak and wala naman talaga kaming problema sa parents niya na sa tingin ko ay walang idea sa pinaggagagawa ng anak nila. Mababait sila and they've treated me like their own... siya lang talaga ang problema kaya kami nagkaganito.
Our parents had talked about the arrangement pagdating sa U.S and sa plano bukas for our flight na masaya namang nakikisabay sa usapan si Beth while ako naman ay walang gana na pinipilit lang ubusin ang steak na nasa harapan ko.
After our celebration dinner, my parents asked Beth na sa amin na ako matutulog kasi that would be their last night with me at matagal daw akong malalayo sa kanila na nagpapayag naman kay Beth kahit pa before that ay may agreement na kami na sa kanila na ako matutulog at dadaanan na lang namin ang mga gamit ko kinabukasan pagpunta sa airport.
"Mom, dad ayaw ko talagang umalis" sabi ko sa kanila na umiiyak habang nasa sasakyan on our way home.
"Alam namin baby... alam namin" malungkot na sagot ni daddy sa akin na seryoso sa pagmamaneho.
"Paano na lang ang mga plano ko na mag aral sa Ateneo, maglaro sa Blue Egles at Creamline at maging isang magaling na abogado katulad ninyo?"
"You can do that din doon Kat" sabat naman ni mommy encouraging me.
"But it's not the same mom, wala kayo doon ni daddy"
"Kami lang ba?" mapang-udyok niyang tanong sa akin na siya namang nagpatahimik sa akin.At si coach... ang bilis lang naman ng mga pangyayari, we had a one-night stand before the school year started, naging coach siya namin, naging kami at na engaged pa nga pero naghiwalay lang din at ngayon ay iiiwan ko na siya... everything happened in the period of a school year, that's less than a year but I can't seem to live my life without her na. Kaya it breaks my heart na malalayo sa kanya ng hindi ko alam kung gaano katagal... na baka wala na akong babalikan kahit pa sinabi niya sa akin na maghihintay siya. Maganda si coach, matalino, mabait at sexy pa kaya sigurado akong maraming magkakagusto sa kanya at sabi nga nila na absence makes the heart go wander and out of sight, out of mind. Dito pa nga lang hirap na akong makausap siya kahit tawag lang, paano na 'pag nandoon na ako? With Beth always around me tapos dadagdagan pa ng time difference... baka hindi ko na siya makausap at tuluyan na niya akong makalimutan lalo na siguro kapag may makakuha ng atensyon niya sa mga magkakagusto sa kanya. Papaano na lang ako?
"Mommy, daddy please help me, I don't wanna be away and I don't wanna be with Beth... hindi ko na siya mahal at hindi na ako masaya" pagmamakaawa ko sa kanila "Mom can you please call coach? I wanna talk to her... please... please mom" pero parang wala silang narinig bagkus ay nagpakawala lang sila ng malalim na hininga. Alam ko na nahihirapan at nasasaktan din sila sa sitwasyon ko pero siguro wala na rin silang magagawa dahil malaki na rin ang nagastos nila para sa pag-alis at pag-aaral ko, sayang din naman iyon kaya tumahimik na lang ako at pinipigilan ang pag-iyak pa. They've been through a lot na din ng dahil sa akin at ayaw ko na itong dagdagan pa. I guess the only thing that's left for me to do is be strong and face the future head-on, kung kami ni coach, kami, malalagpasan namin ang mga pagsubok na darating sa amin pero kung sakali man na hindi then i'll just cross the bridge when I get there. Iiiwan ko sila ni mommy at daddy bukas na may ngiti sa aking mga labi, assuring them that they don't have to worry and that I'll be alright.
-=-=-=-
Merry Christmas! 🧑🏻🎄
Wishing you joy, love and peace this holiday season. God bless and keep safe always readers ❤️🎄
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...