"Can I go home?" my voice was quavering and my tears about to fall pero ayaw kong umiyak sa harap niya kaya kinuyom ko nalang ang aking mga palad ng mahigpit.
"I'll go with you"
"I need to think Beth! I need to be alone! Fuck!" tumataas na ulit ang boses ko, I need to let it out or I'll break.
"Alone? Or pupunta ka sa kabit mo?"
"God Beth, 'di pa ba tayo tapos dito? Wala na nga kami! What is wrong with you? And do you really think I'll be able to do that gayong bantay-sarado mo ako? At ang tagal na naming walang contact and... and I don't even know kung may bago na siya" the thought crushed my heart paano nga kaya kung may bago na nga siya? Hindi ko na kasi siya nakikita sa mga huling laro ko. Sana busy lang siya. Sana.
"Okay, ihahatid na lang kita" wala na akong ibang nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya, ganito naman talaga lagi... wala akong choice!Pagkarating sa bahay ay tuluyan ng kumawala ang aking mga luha at mabuti naman na nandoon sila ni mommy at daddy to comfort me.
"What's wrong baby?" nag-aalalang tanong ni daddy sa akin.
"Gusto ni Beth na sa U.S na kami mag-aral"
"Ah that, tumawag nga sa akin ang daddy niya kanina pinagpapaalam ka at hindi ako pumayag, so what's the problem?"
"Tinakot na naman po ako ni Beth dad, sasama ako sa kanila or iiexpose niya ang relasyon namin ni coach sa graduation"
"Oh God" 'yon lang ang tanging nasambit ni mommy, bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo at kinuha ang phone niya at pagbalik ay may kavideo call na siya... si coach. Pumasok na sila ni daddy sa kwarto nila pagkabigay niya ng phone sa akin.
"Kat? Anong problema? Bakit ka umiiyak?" pag-aalalang tanong ni coach sa akin.
"May iba ka na ba?" biglang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil I badly needed to know kung may iba na siya o wala.
"Wala, why? Bakit mo natanong?"
"Kasi hindi na tayo nakakapag-usap at hindi ka na pumupunta sa games ko.
"I was just busy Kat and okay na rin iyon dahil baka kuhanan na naman ako ng picture ng girlfriend mo na nanonood sa game mo pandagdag issue niya sa atin. Hindi na kasi kayong buong team ang naglalaro kaya minabuti ko ng hindi na pumunta at dahil na rin sa tambak ang trabaho" nakahinga ako ng kaunti sa sinabi niya.
"Mahal mo pa ba ako coach?"
"Ako dapat ang magtanong n'yan Kat, ikaw itong may girlfriend"
"Ikaw lang po ang mahal ko coach, ikaw lang ang nasa puso ko"
"Glad to hear that Kat and I still love you, konting tiis na lang okay?" at nadurog na talaga ang puso ko sa sinabi niya at humagulgol na.
"Hi...hindi pa coach..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi tumatawag sa akin si Beth at tumango lang si coach para sagutin ko ang tawag. Pinahid ko muna ang aking mga luha at inayos ang sarili bago siya sagutin.
"Yes?"
"Bahay na babe. Pumayag na ba sila ni tito at tita?" nakita ko na lang na bumalik sa sala sila mommy at daddy.
"We are still talking Beth and do you really think we have a choice? I will call you na lang later pagkatapos"
"Pakita mo muna sila ni tito at tita, I wanna say hi to them" hay buti na lang bumalik sila mom and dad kaya pinakita ko sila and kita sa mga mukha nila na hindi sila masaya ni hindi nga sila ngumiti pagkabati ni Beth sa kanila, tanging pagtango lang ang tugon nila dito.
"Okay na po?" tanong ko kay Beth.
"Yeah, hintayin ko ang tawag mo mamaya"
"Okay. Bye" at inend ko na ang call at umalis ulit sila ni mommy at daddy na ipinakita muna sa akin ang chat ni coach kay dad na tumawag daw si Beth. They really knew her na rin... pretty well.
"Sorry about that coach"
"It's okay Kat, so bakit hindi muna?" pagbabalik niya sa aming usapan.
"Beth wants me to study abroad with her"
"What?!"
"I don't know what to do coach" at umiyak na naman ako "Ayaw kong sumama 'coz I already made plans and I wanna be with you na rin po pero Beth keeps blackmailing me. She will expose us daw during graduation if hindi ako sasama sa kanila and that leaves me no choice coach dahil ayaw kong mapahamak ka at madawit ang iyong pamilya"
"God what's wrong with that girl? Kasalan naman niya in the first place and her she is going psycho, going to this extent para lang hindi ka mawala sa kanya eh hindi mo na nga siya mahal. Can't she just accept the fact that you don't love her na? Or iniisip niyang mahal mo pa rin siya?"
"Coach, malinaw sa mga ipinapakita ko sa kanya na hindi ko na siya mahal and she's still trying to win me over kahit ayaw ko na talaga"Then there's a long pause, I was waiting sa isasagot niya sa sinabi ko but I think nag-iisip siya kaya hinayaan ko lang.
"I can wait" sabi niya na 'di ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya.
"Ayaw ko coach"
"Let's consider this as another trial Kat, malalagpasan din natin ito"
"Baka wala na akong balikan coach dahil hindi ko alam kung gaano ako katagal mawawala kung sakaling aalis ako"
"Remember this?" pinakita niya sa akin ang engagement ring na bigay ko sa kanya na suot-suot niya pa rin. "I am still holding on to you, I am still holding on to us and I wanna spend the rest of my life with you love, what's another four or five years away from you compared to a lifetime being with you? I will wait at sana may hihintayin pa ako by then" 'di ko alam ang nararamdaman ko that time, can she just tell me na let her expose us para matapos na ang lahat so that we can be together na but instead she's willing to wait for me... with the uncertainty kung may babalikan pa ba o hihintayin ang isa't-isa? Ganoon ba kahalaga ang pangalan nila? At naalala ko ang sinabi ng mama niya with a disdain look on her face na sinabing ipapahiya niya ang pamilya nila. Hay!
"Sige po coach, kakausapin ko na sila ni mommy at daddy at tatawag na rin ako kay Beth pagkatapos" walang gana kung wika.
"I love you very much Kat, please know na ikaw lang ang laman nitong puso ko and rest assured na sa pagbalik mo ay nandito pa rin ako, nagmamahal sa iyo. I don't know when I'll be able to talk with you again kaya mag-ingat ka na lang lagi ha? Huwag papabayaan ang sarili at tandaan mo palagi na mahal na mahal kita at hihintayin kita" sabay pahid niya sa nangilid niyang luha "I love you Kat and sobrang miss na kita. Bye" she ended na the call na hindi man lang ako nakapag I love you sa kanya.

YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...