OMG! I'm with my idols! Hindi pa rin ako makapaniwala kaya sinampal-sampal ko pa ang sarili ko. Panaginip lang ba ito? Pero nagising ako sa napakagandang realidad ng nakipag kamay sa akin si Phenom na may malapad pa na ngiti! Sh!t! Pwede mo na akong kunin Lord! Para na rin akong nanalo sa luto sa swerte ko sa araw na ito! Oh My God, Oh My God Oh My God, paulit-ulit kong sabi sa isip ko. Matagal kong hawak ang kanyang palad sa dalawa kong kamay na nakikipag shakehand sa kanya na hinahayaan lang din niyang tuwang-tuwang nakangiti sa aking pagka starstruck.
"Ahm pwedeng isantabi mo muna ang pagiging fangirl at may laro pa?" naiinis na pukaw sa akin ni coach. "Aly siya nga pala..."
"Pasado ate" sagot ni ate Aly sa kanya na may nakakalokang ngiti at nag thumbs up pa.
"Aly!" pasigaw niyang saway kay ate Aly at pinandilatan n'ya pa ito kaya na pa-peace sign na lang na tumatawa si ate Aly... nagawa niyang pandilatan ng mata at sigawan si Alyssa Valdez? Ang nag-iisang PHENOM!? Shocked! "siya ang team captain and outside hitter din siya just like you. So you will be partnering with her sa stretching and warm-up, and please give her tips and advices as you go through it" pagtutuloy at ma-awtoridad niyang wika kay Phenom! WOW ka coach! Ikaw na!
"Sure ate, walang problema at akong bahala sa kanya" kinindatan n'ya pa si coach sabay akbay sa akin pagkatapos ay dinilaan si coach at pinandilatan na naman niya si ate Aly ng mga mata. Goodness para akong lumulutang sa langit! Ang sarap sa pakiramdam ng inakbayan ka ng idol mo habang naglalakad kayo, ang bango niya! Matalino na, ang ganda pa at higit sa lahat ang bait pa kaya swerte talaga ng makakatuluyan nito!Hindi mawala-wala ang lapad ng ngiti ko habang ginagaya ang ginagawa ni ate Aly. Nakikinig lang akong mabuti sa mga sinasabi niya dahil starstruck pa rin ako, speechless at hindi pa ata ako nakakapagsalita since kanina. Tumatango lang akong nakangiti sa mga sinasabi niya at pag tinatanong ako o nag-aagree sa mga sinasabi niya.
"Ang cute-cute mo talaga" natutuwa niyang sabi sabay kurot ng magkabila kong pisngi. Ay shit mas lumaki pa lalo ang ngiti ko sa tuwa, para akong baliw sa totoo lang. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang matagal ko ng pangarap ay magkatotoo and it is all thanks to our new coach. Napalingon ako sa direksyon ni coach at kita kong magkasalubong na naman ang mga kilay nitong nakatingin sa amin habang katabi niya si ate Ella na tumatawa na binabangga-bangga pa ang braso niya sa braso nito. Napatingin din si ate Aly sa tinitingnan ko at ngumiti ito at tumayo. She offered her hand sa akin at hinawakan ko naman at hinila niya ako patayo na may kalakasan kaya napayakap ako sa kanya. Tumatawa siyang humihingi ng sorry sa akin na hinahaplos pa ang aking likod. Heaven!Palitan kami ng spike at dig ni ate Aly tapos nag blocking na kami sa may net then pinagsiset niya ako na pinapalo ko naman ng malakas sa kabilang court ang bola. A dream come true talaga ito sa akin lalo na siguro 'pag si ate Jiamazing pa ang nag set sa akin. At parang panaginip nga, after kong hatawin ang bolang sinet sa akin ni ate Aly ay si ate Jia na ang naka handang magset sa akin. I was taken aback, nakatayo lang ako doon na nakatingin sa kanya kaya nakangiti niya akong nilapitan at inakbayan din at ginulo-gulo pa ang buhok ko.
"Na-starstruck ka ba sa ganda ko?" Pagbibiro niyang sabi.
"Ah hindi po ate Jia, I mean ang ganda n'yo po pero nabigla lang talaga ako, hindi makapaniwalang ipagsiset ako ng isang Jiamazing"
"Kaya galingan mo" kinindatan pa niya ako at bumalik sa pwesto niya at naghanda na rin ako. Pagkaset niya ay tumakbo at tumalon ako sabay hinampas ko ang bola at down the line ang tama nito just as what I have aimed for at nilapitan niya ako at nag high five kami.
"Good job kiddo!" hindi na niya binitawan ang kamay ko at hinila ako papunta kina coach, Ate Aly at ate Ella na parang inaasar si coach.
"Approve ba?" tanong agad ni ate Ella kay ate Jia ng makalapit na kami.
"Approve ba coach?" nilipat lang ni ate Jia ang tanong sa kanya ni ate Ella kay coach.
"Syempre approve na approve diba ate Reg?" si ate Aly ang sumagot na tuwang-tuwa pa. Tahimik lang akong pinagmamasdan sila kasi wala akong alam sa pinag-uusapan nila.Namumula ata sa inis ang mukha ni coach na biglang tumayo at iniwan kami at nag punta sa court. Tinawag niya kaming lahat na lumapit sa kanya at iyon nga ang ginawa namin.
"I guess handa na kayo para sa game? Girls galingan n'yo ha? Just give your all, at huwag kayong magpapasindak sa mga ito" sabay turo niya sa mga players ng CCS. "At kayo naman" naiinis niyang sabi at tinuro niya ulit ang CCS "alam n'yo na ang gagawin" nag group hug ang CCS at nagbulungan.
"Approved!" at nag thumbs up at lahat sila ay tumatawang nakatingin kay coach.
"Ella huwag kang umupo-upo lang d'yan halika dito at mag referee ka! Bawal bias at huwag na huwag kang kumampi d'yan sa girlfriend mo!" ay ang angas lang ni couch parang balewala lang na sinisigawan ang dream team ko pero dinilaan lang siya ni ate Jema. Awww ang cute! Parang lumabas ang puso ko sa mga mata ko gaya ng emoji. Gusto ko tuloy siyang lapitan at yakapin pero ako na siguro ang pinakaswerte sa lahat kasi siya ang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit sabay bulong ng "Good luck captain" at kinindatan pa ako pagkalas niya sa aming yakap at dinilaan ulit si coach na nang-aasar na nakangiti. Oh my! Feeling ko nahulog ang puso ko. Shit kilig to the bones! Sarap lang yakapin at kindatan ng crush mo at i-wish ka pa ng good luck before the game. I'm on cloud nine! Ahhh kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising pa!
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...