Part 16

208 12 0
                                    

Nagising na naman akong masakit ang ulo at nasa hotel na naman? At hubo't hubad? Pagtataka ko at kahit gusto ko mang isipin ang nangyari kagabi ay hinayaan ko na muna kasi siguradong mas lalong sasakit lang ang ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon at nagpa-room service ng lugaw gamot ko sa hangover at kahit wala daw ito sa menu ay ipagluluto nila ako na lubos ko namang pinagpapasalamat.

Pagkatapos kong kumain ay nagcheck-out na ako sa hotel at nagtanong sa reception kung papaano ako nakapagcheck-in. Walang idea ang nasa reception kasi morning shift daw siya at pangalan ko naman daw ang nakacheck-in. Useless information!

Dumiretso na ako sa bar para daanan ang kotse ko na parang doon nal ang iyon nakapark simula pagkarating ko hanggang aalis na lang ako. Naabutan ko si kuya na magbubukas pa lang ng restobar nila kaya pinuntahan ko siya para malinawan naman ang utak ko.
"Kuya magandang hapon po"
"Oh ikaw na naman?" naaaliw niyang wika. "Paaga ka ng paaga ma'am ah at 'di ka pa yata nakauwi sa inyo 'yan pa rin ang suot mo hehe. Shot or lunch?" seryuso na niyang tanong sa akin, ready to serve talaga si kuya.
"Ah hindi po kuya, actually I am here to get my car lang kasi babalik na ako sa Manila and gusto ko ring malaman kung paano ako nakaalis dito kagabi"
"Ay naku ma'am kinabahan ako sa iyo kagabi buti na lang sa counter ka po sumubsob at nasalo ko ang ulo mo kung hindi, hindi ko po alam kung anong mangyayari sa iyo kung sa ibang direksyon ka natumba. Kaya ma'am huwag na magpasobra ng inom at alamin mo po ang limit mo sa alak. Tandaan mo ma'am hindi lahat ng tao mababait... kaya huwag magpabaya sa sarili 'pag umiinom lalo na't mag-isa ka lang at walang kasama, buti nal ang din at dumating na naman ang kaibigan mo ma'am siya po ang kasama mong lumabas kasama ng staff namin dito kasi knockout ka na naman"
"Pwedeng padescribe po ng sinasabi mong kaibigan ko?"
"Hmmm mas maliit po yata siya sa iyo ng kaunti? Maputi, sexy, hanggang balikat ang straight na buhok at maganda po"
"Sino kaya sa mga kaibigan ko 'yon gayong wala namang nakakaalam na nandito ako. Kuya may CCTV po ba kayo?"
"Meron po ma'am pero naglalabas lang po kami ng footage pag may warrant"
"Kuya please, I really need your help... kailangan kong malaman kung sino ang laging tumutulong sa akin"
"Sige po ma'am subukan ko pong gawan ng paraan pahingi na lang po ng facebook mo para kung sakaling may makuha ako ay ipapadala ko sa iyo"
"Naku maraming-maraming salamat po talaga kuya, hulog ka po talaga ng langit sa akin" hiniram ko ang phone niya at sinearch ang pangalan ko sa messenger at nag type ako doon ng 'tatlong gabing lasengga na kailangan ng tulong ko' at sinend ko ito at binalik sa kanya ang phone niya at natawa na lang siya sa message ko.
"Sige po ma'am at ingat po sa byahe"
"Sige po kuya, maraming salamat po talaga" at nagtungo na ako sa kotse at umalis.

Pagkauwi sa bahay ay naligo lang ako, nagbihis at bumyahe na pabalik sa Manila.

Habang bumabyahe ay sinubukan ko na namang alalahanin ang nangyari kagabi. God ito na lang 'ata ang ginagawa ko araw-araw kaya dapat talaga 'atang umiwas na ako sa alak. I had dinner tapos shot na ulit at ang huli kong natandaan ay 'yong pauwi na ako... noong tumayo ako tapos blanko na. My friend came daw, so for sure siya ang nagdala sa akin sa hotel pero bakit wala akong saplot na natulog? 'Di ko naman nasukahan ang damit ko. At bigla kong natapakan ang break nang biglang pumasok sa isip ko si coach. Was it a dream? Sobrang vivid ng panaginip kung sakali at hindi naman ako nananaginip. Did I really made love to her? Was that the reason why I woke up naked? Dahil hindi panaginip ang nangyari kun'di totoo talaga? Naputol ang pag iisip ko dahil may bumusina sa likuran ko, buti na lang mahina lang ang takbo ko kanina sa slow lane na walang masyadong dumadaan.

Nakarating ako sa bahay just on time for dinner at naabutan ko sila mom and dad na nasa mesa na about to start.
"Good evening mom" beso ko kay mommy "Good evening dad" at beso ko naman kay daddy at pumwesto na sa upuan ko.
"How are you feeling na baby?" Pag-aalalang tanong ni daddy.
"Okay na po ako dad"
"Sure ka? Do you need anything? Help?"
"Okay lang po talaga ako dad, I will always ask naman po if may kailangan po ako diba?"
"Yes you always do, glad to know na okay ka na"
"Sorry anak ha if we can't always be there for you but please know that if you will need us we'll always be here for you dahil mahal na mahal ka namin ng daddy mo"
"I know mom and thank you and I love you din po mom and dad"
"Let's eat na, I'm sure gutom at pagod ka sa byahe"
"Yes dad"

"So what's your plan now? Papasok ka na ba or do you still need time?" concerned na tanong ni mommy.
"Papasok na po ako mom, marami na po akong na miss na practice at klase, kailangan kong bumawi baka mapabayaan ko na talaga ang pag-aaral ko at maalis pa sa varsity"
"That's good to hear nak. Alam ko kaya mo lahat 'yan and we trust you and your decisions kaya hinahayaan ka lang din namin"
"Thanks mom" at nginitian ko siya. What I like about my parents is hinahayaan lang talaga nila ako, hindi sila nag-iinsist to know what's going on sa buhay ko, naghihintay lang sila kung kailan ako mag-oopen-up sa problema ko sa kanila, 'pag hindi ko na talaga kaya. "Kumusta po pala kayo while I was away?" at biglang namula si mom... ah honeymoon stage kaya gusto rin nilang wala ako eh kasi they can all be lovey-dovey na walang sumasaway sa kanila. "Sana all!" 'yon na lang ang nasabi ko kasi walang sumagot sa kanila at totoo naman kasi na sana all kasi I want to have a love like theirs din dahil at their age kung umasta ay parang mga teenagers pa sa kasweetan. You can really see their love in their actions towards each other, 'yong pasimpleng halik sa noo ni dad kay mom, 'yong sobrang pag-aalaga at alala ni mommy kay daddy, and HHWW pa sila lagi 'pag sabay na naglalakad and they would always go on a date pa rin even with their busy schedules kaya Sana All nalang talaga!

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kina mom and dad na mauna ng magpahinga dahil pagod ako at hinayaan na nila ako at humalik na ako sa pisngi nila at nag goodnight na at pumasok sa kwarto ko.

My COACHWhere stories live. Discover now