Part 10

254 15 0
                                    

Marami pang pictorials na nangyari, kanya-kanya kaming papicture sa mga idols namin, isa-isa sa kanila tapos ng buong team nila at nanghingi pa kami ng autograph sa kanila. Ang swerte namin! Daig pa namin ang mga sumali sa meet and greet ng Team Goodvibes pero sana lahat nalang talaga sinama ni coach kasi gusto ko ring makita ang ibang players gaya ni Sato-san at MG. Pero magrereklamo pa ba ako? Ang swerte-swerte na nga namin! Feeling blessed and bliss talaga!

Shinare ni coach ang mga kuha namin from her phone sa group chat at kinilig ako! 'Yong sa table namin na pic ay nakapatong ang braso niya sa sandalan ng chair ko at 'yong hinila naman ako ni ate Ella ay halos magkadikit na ang mukha namin ni coach na nakayakap siya sa akin to support me upang hindi ako matumba kaya ang ginawa ko ay dinownload ang dalawang pictures and cropped the pic na kami lang dalawa na parang kinikiliti pa ako sa kilig at hinahalikan-halikan ko pa ang mukha ni coach sa phone ko. Hay nahulog na yata talaga ako sa coach namin!
"Hoy para kang baliw d'yan!" Saway sa akin ni Mai. Ako ang pinakaunang dumating sa gym dahil excited ako na makita si coach. "Sino iyang hinahalik-halikan mo dyan sa phone mo ha?"
"Wala noh! Sobrang saya lang kasi may nag send sa akin ng GCash" pagpapalusot ko.
"Uy nga pala, nakita mo na pics natin sa group chat? 'Yong galing kay coach?" buti kinagat niya palusot ko!
"Hindi pa bakit?" pagmamaang-maangan ko.
"Weee deny ka pa eh nakaseen ka doon"
"Kasi naopen ko ang group chat pero wala pa akong time para tingnan ang mga pictures kasi may kachat pa ako" pagdideny ko ulit "bakit anong meron?"
"Kinikilig kasi ako sa inyo ni coach! Bagay kayo!"
"Anong pinagsasasabi mo Mai?" at kinilig din ako pero tinatago ko lang at nakakunot pa ang noo ko para convincing.
"Ito oh" at pinakita niya ang pictures namin ni coach na nakita ko na kanina. "Kita mo oh parang gusto kang akbayan ni coach" sabi niya doon sa nakapatong ang kamay ni coach sa sandalan ng chair ko "at ito pa oh, sa lips mo ata siya nakatingin" puna naman niya doon sa magkalapit ang mukha namin. "Ay shippers n'yo na ako Cap... ano bang magandang tawag sa inyo? Hmmm" at kinamot-kamot n'ya pa ang baba niya na nag-iisip.
"Hoy tigilan mo na yan Mai ano ka ba coach natin 'yan at teacher pa sa school natin" at iyon ang mapait na katotohanan na nagpawala sa kilig ko.
"Ah! KatReg! Or KatGine? Hmmm JimMor? Ano bang gusto mo Cap?" parang wala siyang narinig sa sinabi ko!
"Tigil..." 'di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi dumating si Diane.
"Uy nandito na pala kayo, nabasa n'yo ba ang message ni coach? Wala daw tayong practice ngayon at pinagpapahinga lang tayo dahil bukas ay start na daw ng workout day natin" aw bigla akong nadismaya sa balita ni Diane, excited pa naman akong makita si crush este coach. "So ano snack tayo Kat?" pagyaya niya sa akin.
"Ay si Cap lang talaga? Hindi mo ako dito nakikita?"
"Ah... eh..." nag-iisip pa siya ng isasagot kay Mai.
"Syempre sasama ako! Ayaw kong lumubog ang barko ko!" 'di na nakasagot si Diane at napakamot na lang ito sa kanyang batok.
"Tara guys, saan ba tayo?" tanong ko sa kanila pagkatayo ko nang may lumapit sa amin.

Ah great! Kung gaano kaganda ang umaga ko ay ganoon naman kasama ang hapon ko! 'Di ko na nga nakita si coach may sakit pa sa mata akong nakikita.
"Hi babe" bati ni Beth sa akin na nakangiti at tinapunan naman ng masamang tingin si Diane.
"Tara na!" akbay sa akin ni Mai at hinatak ako palayo kay Beth "ayaw kong lumubog ang aking barko gayong lumalayag na ito!" sabi niya na nakataas pa ang isang kamay at sumunod naman sa amin si Diane.

"Ano bang barko-barko ang sinasabi mo Mai?" tanong ni Diane sa kanya habang nagmamaniho.
"Ewan ko ba sa babaeng yan" pagkukunwari ko wishing na sakyan din ni Mai ang sinabi ko.
"Ah wala iyon, nanood ulit kasi ako ng Titanic kaya laging sumasagi sa isip ko ang paglubog ng barko" hay buti naman dahil walang ibang pwedeng makaalam lalo na si Diane.

Everyone sa team namin ay alam na may gusto sa akin si Diane kaya tudo ang bantay ni Mai sa kanya na 'di kami mawala sa paningin niya kasi nga daw ayaw niyang lumubog ang kanyang barko!

In fairness bilib lang din talaga ako kay Diane kasi hindi siya nagpapahiwatig sa akin noong kami pa ni Beth at ngayong wala na kami ay nagpaparamdam na naman ulit siya but I only see her as a friend lang talaga kahit noon pa mang hindi pa kami ni Beth at mas lalo na ngayong may iba na yatang nagugustuhan ang puso ko.

Nag Jollibee lang kami dahil iyon ang suggestion ni Mai kasi nagtitipid daw siya at pagkatapos naming kumain ay nagyaya na siyang umuwi na. Nagpadrop lang siya kay Diane sa sakayan papunta sa kanila na malapit lang din sa school namin.
"Uy Yan idiretso mo na si Cap sa school ha at huwag mo ng dalhin kung saan-saan pa" bilin niya kay Diane bago ito bumaba sa sasakyan.
"Yes boss" naiirita niyang sagot kay Mai dahil mukha talaga siyang badtrip sa pagsama nito sa amin.
"Okay, thanks sa ride at ingat kayo" bumaba na siya at bumaba na rin ako para lumipat sa harapan. Nagwave pa siya pagkasara ng pinto at nag wave back din kami sa kanya at dumiretso na sa parking ng school kung saan nakapark ang sasakyan ko.
"Thanks sa ride at sa libreng snack"
"No probs Kat" matipid niyang wika na nakangiti.
"Sige Yan mauna na ako at may pupuntahan pa kaming dinner mamaya. Thanks again" at nagmadali na akong lumabas sa sasakyan niya. Binaba niya ang window at nagpaalam sa akin.
"Ingat ka sa pagmamaneho" sabi niyang nakangiti na nag wave sa akin at nakangiti din akong nag wave sa kanya at nagtungo na sa sasakyan ko ng mahagip ng mga mata ko si coach, nakatayo malapit sa sasakyang nakamasid sa amin. Mabilis nitong binuksan ang sasakyan nang magtama ang aming paningin at umalis agad siya. Sumakay na ako sa aking kotse at umalis na rin at sumunod din sa akin si Diane.

My COACHWhere stories live. Discover now