Pagkarating sa bahay ay ikwenento ko sa kanila ang lahat ng nangyari, na naikwento ni coach sa akin na parang may sumusunod sa kanya at hindi nga siya nagkamali dahil sinusundan talaga siya o ako ni Beth, kaya pala tahimik siya at hindi nagpaparamdam and now she's blackmailing me para lang bumalik sa kanya and I have no choice but to get back with her.
"Is she out of her mind?" galit na tanong ni daddy na tanging paghikbi lang ang sagot ko.
"Okay but before anything else, let me call coach Reg first kasi kanina pa nagbavibrate 'yang phone mo sa tawag niya" sabi ni mommy na tumango lang akong humihingos, trying to stop myself na from crying.
"Hi coach, good evening" at niloud speaker ni mommy ang tawag.
"Good evening din po ma'am, napatawag po kayo?"
"Ah I just called to inform you po coach na hindi makakasali sa training si Kat bukas"
"Ah bakit naman po ma'am?" halata sa boses niya ang pagkabahala.
"She's not feeling well, I don't think she can make it to school tomorrow"
"I see, sige po, I hope she'll get better agad and if there's anything I can do, please let me know lang po ma'am"
"Okay coach, I will. Salamat po and pasensya sa abala. Goodbye"
"Walang-anuman po ma'am. Sige po, bye" at pinutol na ni mommy ang tawag.
"Thanks mom" at niyakap ko siya at niyakap din ako ni daddy. "Thanks dad"
"Welcome baby. We love you okay? And we'll always be here for you. So now let's get down to business... how are we going to deal with that cheater? And the audacity of that kid to stalk and blackmail you after what she's done to you?"
"Kaya nga dad, I never suspect that she's capable of doing it kasi ang bait n'ya namang bata"
"Ganyan nga siguro ang nagagawa ng pag-ibig sa mga kabataan ngayon mom" sagot naman ni daddy kay mommy. "Now na okay na si coach... for now, may plano ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Dad let her rest first okay? Let's talk about it tomorrow para makapag-isip at pahinga muna siya"
"Okay mom" pagsang-ayon ni daddy kay mommy. "Sige na baby, you've been through a lot today, bukas nalang ulit. Goodnight" at hinalikan niya ako sa noo.
"Goodnight mom and dad, thank you" at nagbeso muna ako kay mommy bago pumasok sa room ko at binasa ang text ni coach.'Get well Kat' 'I love you' 'Goodnight and have a good night rest' at nakonsensya ako sa mga text messages niya. Ano ang gagawin ko coach? At naiyak na lang ulit ako.
Hindi ako makatulog, nag-iisip kung papaano makipaghiwalay kay coach, tapos iiyak na naman tapos mag-iisip na naman hanggang sa lumiwanag na lang ang paligid at nakarinig na ako ng katok sa pinto.
"Alam kong gising ka pa, magbreakfast ka muna bago matulog" wika ni mommy sa labas ng pinto.Bumangon na ako at nagtungo sa dining at naabutan sila ni mommy at daddy na hindi pa nakabihis pangtrabaho.
"Wala kayong pasok?" pagtataka kong tanong sa kanila.
"We won't be going to work baby" sabi ni daddy as he took a sip of his coffee while reading the newspaper.
"And that's because of me? Dad, mom, you don't have to do that, matutulog lang ako and besides I needed an alone time din para makapag-isip, we can talk pagkabalik n'yo from work"
"Okay" at nagmadali ng umalis si daddy at nagtungo sa room nila para magbihis.
"Sigurado ka Kat?"
"Yes mom, don't worry, okay?"
"Okay" ngumiti siya at yumakap sa akin "if you need anything just call us okay? And about your lunch magpapadeliver na lang ako kasi hindi pa ako nakapagluto"
"Okay mom, thanks. Sige na po at baka malate pa kayo"
"Okay" at nagtungo na rin siya sa kwarto at kumain na ako.After kung kumain ay hinugasan ko muna ang pinagkainan namin, normally ay hinuhugasan na ito ni mommy bago sila umalis pero since they are running late kanina kasi wala silang balak pumasok just to accompany me kaya hindi na siya nakapaghugas at nagmadali ng umalis.
Sa sofa na ako dumiretso ng higa, should I call coach? Should I go to school later para personal na makipaghiwalay? I needed to do this ASAP kasi hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak ng ex ko... and speaking of ex ay tumawag nga. Sinagot ko ang video call niya.
"Hi babe bakit wala ka sa workout n'yo kanina? Nagpunta pa naman ako doon to support you"
"Beth do you think may mukha akong maihaharap kay coach ngayon? After making her worried for not answering her calls and texts? My mom made an excuse na I was sick at dahil iyon sa iyo"
"Madali lang naman 'yang problema mo babe, just end things with her na agad para hindi ka na mahirapan"
"Grrrr may kailangan ka pa ba? Kasi kung wala na ay matutulog na ako kasi hindi ako nakatulog kagabi"
"Awww do you want me to come over and take care of you?"
"No thank you Beth, and please don't ever show your face kina mommy at daddy! I really need to go masakit na ang ulo ko" at inend ko na ang call.
'Get well babe, I love you and see you soon' Grrrr how am I going to deal with this person! So annoying!After that call ay nakatulog na nga ako at nagising ako sa vibration ng phone ko na naka-on na ang mga ilaw sa bahay at nagluluto na si mommy ng hapunan.
"Hello" sagot ko na wala pa sa huwestyo dahil naalimpungatan ako.
"God buti na lang sumagot ka na or else pupunta na talaga ako sa inyo" halata ang pag-aalala sa boses ni coach at napabangon ako ng marealized ko kung sino ang tumawag. "Did I wake you up ba?" halata siguro sa boses ko na bagong gising. Buti na lang!
"Yes coach but it's okay and I'm not okay" tumayo na ako at nagtungo sa kwarto. Balak ko sanang iwasan pa siya but since nandito na 'to ay kailangan na naming harapin... together.
"Bakit? Ano bang nangyari? Are you sick? Are you hurt?"
Nagrequest ako ng video call sa kanya na inaccept naman niya.
"I... am hurt coach"
"God you look like a mess Kat, what happened?" pag-aalala niya.
"Coach sorry kahapon, I went to Beth's house ng hindi nakapagpaalam sa iyo" and she was silent 'di ko alam kung ano ang iniisip niya. "She blackmailed me coach, she had a picture of us, sa bar drinking and I am sure hindi lang iyon ang larawan niya noong nasa bar tayo kasi she even had a picture of us kissing sa parking mo kahapon."
"Oh God" tanging lumabas lang sa bunganga niya.
"Yeah and I was forced na makipagbalikan sa kanya"
"So kayo na ulit while tayo pa" at nagsimula ng tumulo ang luha ko kasi nakita kong nasaktan siya at wala na akong ibang choice kundi ang makipaghiwalay sa kanya.
"Coach sorry, I don't want to cheat on you pero wala akong choice, you are a good coach and a teacher and I don't want to ruin it ng dahil lang sa akin kaya pumayag ako. Coach please know na mahal na mahal kita" 'di ko na mapigil ang pag-iyak "pero kailangan ko munang makipaghiwalay sa iyo... God bakit sobrang sakit?" pinapahid ko na ang walang tigil na pagtulo ng aking mga luha. "I love you, I love you sobra, naiintindihan mo naman ako coach diba?"
"It's okay Kat, I understand kaya please stop crying na okay. Alam mo we don't have to break up, let's just pretend that we broke up"
"Naisip ko na rin po iyan coach, but... but it would be unfair sa iyo and I don't want to cheat on you. We won't have time to see each other na and... and I would be forced to do things to be unfaithful sa iyo... kahit ayaw ko pa at hindi ko gusto but I won't have a choice coach. At ayaw kong may mangyari sa amin na girlfriend pa kita"
"Pero ayaw kong mawala ka sa akin Kat"
"Me too coach kaya will you please wait for me? Hanggang makagraduate ako?"
"Aughh" I can see the anger, hurt and frustration sa mukha niya kasi pareho kaming walang magawa sa sitwasyon.
"I just want you to know coach that you'll always have my heart, mind and soul 'coz you're the only one for me"
"And your body?"
"Sa iyo lang din, she can touch it but she won't ever gonna have it dahil sa iyo ko lang ibibigay ang katawan ko willingly coach... so please wait for me?"
"Okay"
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...