Part 45

118 5 0
                                    

After that night ay nag-iba na ang lahat, naging parang bangungot na ang aking buhay. When you want to be with the person you love, be intimate with them pero wala kang ibang magawa kundi ang tingnan lang siya from a distance. Ang sakit... ang sakit-sakit.

"Babe here" sabay abot niya ng water bottle ko at punas ng pawis ko.
"Ako na Beth, kaya ko naman"
"But I want to"
"Bakit ka ba nandito? Ang aga-aga pa ah"
"I wanna support and take care of you and I am sure that you'll going to get used to it babe" what does she mean by that?

Taas-kilay na nakamasid sa amin si Diane at nang nagtama ang aming mga mata ay nakita ko ang mga tanong sa kanyang mga mata sabay tingin niya kay coach na nakadungaw sa isang folder na may mga documents.

After workout ay nagmadali na naman kaming nagshower at bihis and I asked Diane to stay with me habang hinihintay si coach.

"Anong nangyari? Nagkabalikan kayo?" tanong sa akin ni Diane noong kami na lang dalawa ang nasa locker room at tumango lang ako.
"And how about coach?"
"Wala na kami" malungkot kong turan.
"Goodness Kat, hindi ko ipagpapalit si coach sa pangit na 'yon. Kaya nga I gave way kasi wala akong panama kay coach tapos babalik ka lang kay Beth? Nasisiraan ka na ba ng bait?" then I showed her the pic na sinend sa akin ni Beth at dumating na si coach. Tumayo agad ako at yumakap sa kanya.
"Sorry coach, sorry" 'di ko napigilang umiyak habang yakap siya ng mahigpit. She held my shoulders at inilayo ako at tiningnang mabuti sa mga mata.
"It's okay Kat" pinapahid niya ang mga tumutulong luha sa aking mga mata. "I understand at wala tayong magagawa. We have to hold it in hanggang graduation okay?" at tumango lang ako at yumakap ulit sa kanya ng sobrang higpit na ayaw ko na siyang pakawalan pa at ginantihan niya rin ang yakap ko.
"I love you very much coach"
"I know Kat and I love you very much din. Mauna na kayo Yan, naghihintay ang girlfriend niya sa labas" bumitaw ako and I saw a tear sa mata niya and it broke my heart into pieces. "Sige na" at ngumiti siya, wala na akong ibang nagawa but to wipe my tears away as Diane ushered me palabas sa locker room.

"Babe ang tagal mo" reklamo ni Beth noong nakalapit na ako sa kanya, hindi na ako sinabayan ni Diane kasi kumukulo talaga ang dugo niya kay Beth dati pa, baka hindi n'ya daw mapigil ang sarili niya at maaway n'ya pa ito.
"Nag-usap lang kami saglit ni Diane"
"Okay, tara breakfast na tayo"

Pagkarating sa canteen ay nandoon na si Alfred, nakangiting nagwave sa amin. Oh great! Lumapit kami sa kanya at may mga pagkain na sa mesa.
"Just like the old times" nakangiting sabi ni Beth.
"Yeah glad that we're back together" pag-agree naman ni Alfred sa kanya while ako naman ay walang kagana-ganang kinain ang pagkain ko habang masaya silang magkukwentuhan na parang walang nangyari. The nerve of these two!

Parang team member na rin si Beth, lagi siyang nasa training, bantay sarado talaga ako and madalas na rin ako sa kanilang matulog and dahil gusto niyang lagi kaming magkasama para siguro wala akong time makipagkita kay coach ay wala ring nagawa sila mommy at daddy kundi pakitunguhan siya kung sumasama siya sa amin.

We won the District Meet and hanggang doon lang kami kayang ipapanalo ni coach. She resigned as our coach and as a teacher sa school namin. Gusto ko mang pigilan siya but I guess it's for the best na rin kasi I can see the hurt in her face pagnakikita niya kami ni Beth lalo pa na parang sinasadya talaga ni Beth maging sobrang sweet sa akin in front of coach. Pero kahit ganoon pa man ay mas okay pa rin na coach pa rin siya namin, I can still see her every day kahit nasasaktan pa ako, kami pareho, kasi after niyang magresign ay mas lalo lang akong nasaktan kasi hindi ko na talaga siya nakikita, 'di ko na naririnig ang boses niya kahit sa pagbibigay na lang ng instructions sa amin ko ito marinig. I missed her... sobra.

"Hi" mahina kong bati kay coach na kavideo call ko. It's three in the morning and nasa banyo ako while mahimbing na natutulog si Beth sa bed niya.
"Hi Kat" nagising ko 'ata siya kasi she was rubbing her eyes pa, I think 'di na niya kailangang gumising pa ng maaga when she takes over their company unlike noong coach pa namin siya.
"I miss you coach"
"I miss you too Kat, okay ka lang?"
"I've never been okay since we broke up at alam mo iyon"
"I know, I know. Napatawag ka?"
"Sobrang miss na kita coach, I just wanna see you and hear your voice"
"I'm glad na tumawag ka but how about Beth?"
"She's sleeping"
"You're cheating on her Kat"
"Alam ko but I'd rather cheat on her than to cheat on you coach, I love you"
"I love you too Kat" then I heard a knock sa pinto kaya I ended the call immediately and wiped my tears.
"Saglit babe" at flinush ko ang inidoro at naghilamos sa sink. "Ang aga mong nagising?" Tanong ko sa kanya when I opened the door pero hindi ako lumabas kasi excuse ko na ito na magpreprepare na para pupunta sa school.
"At ang aga mo yatang magpreprepare for school?" tanong din ang sinagot niya sa tanong ko.
"Kailangan kasi Division Meet na" pagpapalusot ko.
"Lahat ba kayo?" pagdududa niya baka iniisip niya na makikipagkita lang ako kay coach.
"Nope, kami lang nila Mai at Yan"
"Ah okay, then sasabay na rin ako"
"This early in the morning?"
"Oo, may problema ba?"
"Wala naman, sige mauna na akong magprepare" sabi ko kaya lumabas na siya pagkatapos gumamit ng banyo kaya nagmadali akong timawagan sila Mailyn at Diane at buti na lang sinagot nila ang tawag ko.

Pagkarating doon at five ay nandoon na sila Diane at Mailyn kaya laking pasasalamat ko.

"Thanks Mai, thanks Yan" wika ko habang nagjajogging kami sa oval.
"Goodness nangdadamay ka pa" reklamo ni Mai. "Ilibre mo ang meal ko the whole day today!"
"Okay Mai" matipid kong sagot okay na rin 'to para may barrier ako kay Beth.
"Ikaw talaga Mai ang takaw at ang gulang mo. At ikaw naman kailan mo ba hihiwalayan 'yang pangit na 'yan? Wala na si coach ah" at pinangdilatan ko siya ng mata kasi as much as possible ay ayaw kong may iba pang makaalam sa amin ni coach at hindi nga ito nakalampas sa tainga ni Mai.
"At anong kinalaman ni coach sa pagbabalikan nila? OMG!" at napahinto talaga siya sa pagjog when she realized it. "My ship had really sailed!" at nagtatatalon pa siya habang kami naman ay patuloy pa rin sa pagjajogging.
"So she's the reason why biglang huminto si coach?" tanong niya noong nakahabol na siya sa amin.
"Yeah" "Partly" sabay na sagot namin ni Diane. Partly kasi kahit naman wala pa sa picture si Beth ay hihinto pa rin talaga si coach 'yon nga lang napaaga lang dahil kay Beth.

My COACHWhere stories live. Discover now