Nakasunod lang sa coaster namin sila mommy at daddy at nagtungo kami sa BGC at dumiretso sa The Alley at sinend ko kay mommy ang location namin.
Nagpareserve pala ang magaling kong girlfriend, so win of lose ay dito talaga kami maglalunch. Hmmm sagot kaya ng school ang mga pakain ni coach sa amin? Or galing ito sa kanyang sariling pocket? Hmmm feeling ko galante lang talaga ang girlfriend ko. Ilan din kaming lahat tapos buffet pa ito magkano din ang per head dito. Ikaw na talaga coach!
Habang naghihintay kami na i-cater ng staff nila ay nilapitan ko si coach at sinabihan ko siya na baka pwedeng sumabay na sa amin sila mom and dad pumasok dahil mahaba na ang pila na nag agree naman siya kaya hinintay nalang din muna namin sila mommy at yong driver din namin.
Mas naunang dumating sila ni mommy at daddy kaysa sa driver at naghihintay pa rin kaming papasukin sa loob. Nakangiting lumapit sa amin nila ni mommy at daddy si coach. At bakit lumapit itong babaeng to sa amin?
"Hi ma'am, hi sir, I'm glad that you can join us para i-celebrate ang pagkapanalo ng team nila Kat"
"Ah mom, dad, si coach Regine po pala our new coach, nakita n'yo na siya last time and coach, mommy and daddy ko po" at nakipag-kamay pa talaga ang mokang! OMG ano to meeting the parents' lang? 'Yong parang ililegal mo na kaya pinakilala? Haha this is crazy! At kinakabahan din ako!
"Nice meeting you po Mr. and Mrs. Jimenez" sabi ni coach sa mommy at daddy ko.
"Nice meeting you din coach Regine. We won't be joining you pero makikicelebrate lang kami sa inyo" saad ni daddy while nginitian lang siya ni mommy at tumingin ito sa akin at nag-sa-side-eye ng paulit-ulit kay kuya Taylor. Ahhh ito na 'yong sinasabi ko, the reason bakit sila sumama! Hinatak ko si kuya Taylor na nakatalikod sa bandang gilid ko na kausap sila ate Aly, ate Jema at ate Ella.
"Mom, dad si kuya Taylor po assistant coach namin, kuya, mom and dad ko po"
"Ah nice meeting you po" at nag bow-bow pa ito sa kanila.
Ang awkward buti na lang tinawag na ang pangalan ni coach para pumasok na kami and she instructed na pasamahan na lang mamaya sa table namin ang isa pa naming hinihintay na kasama.Napilit ni coach na sumama na sa table namin sila ni mommy and daddy, so ang sitting arrangement eh sila mom and dad sa pinakadulo. Katabi ni daddy si kuya Taylor tapos ako then si ate Aly then si Diane at ang lima pa naming teammates tapos katabi naman ni mommy si coach then si ate Ella then si ate Jema at katabi naman niya si Mai at ang apat pa naming teammates at si manong driver naman sa kabilang dulo.
ANG AWKWARD LANG TALAGA! Habang lahat sila ay nag-i-enjoy sa daming pagkain, ako naman ay hindi mapakali at hindi ko na-enjoy ang pagkain kasi iniinterrogate nila mom and dad si kuya Taylor habang ang girlfriend ko naman ay nakikinig lang at sumasabat-sabat sa mga usapan ng grupo. Nabrief na siguro ni coach si kuya dahil ang mga sagot ni kuya sa mga tanong nila mommy at daddy ay ang mga nagaganap sa amin ni coach, like on how we meet maliban sa one-night stand details... or sobrang close nila na alam ni kuya Taylor ang mga nangyayari sa buhay ni coach? I think it is the latter base sa nasaksihan kong pag-uusap nila sa video call noong nakaraan.
Ang galing talaga ni kuya Taylor magpanggap, hindi talaga mahahalata na bakla siya, he is very manly, ang gwapo, maputi, matangkad, malinis manamit at ang bango pa at para talaga siyang nanliligaw sa akin gaya ng kwento niya sa parents ko. He would ask kung may gusto ba akong kainin everytime tatayo siya to get a food tapos dinadala niya ito sa akin at 'pag paubos na ang drinks ko ay tatanungin niya ako if same drinks ba at kukuhanan niya ako. Maiinggit talaga ang mga hindi nakakaalam sa totoo.
Plano namin ito, pero hindi maipinta ang mukha ng girlfriend ko, nagseselos ba siya sa pinsan niya? Haha naku naman coach! Kawawa naman ang girlfriend ko buti na lang nandyan ang mga kaibigan niya who've been trying to appease her... through teasing, lalo na si ate Ella! Alam ko naman they just want to distract coach sa pag-iinterrogate ng parents ko kay kuya. Bakit naman kasi pinilit mo pa silang sumama sa atin coach! Nag-insist na nga si daddy na they'll get their own table lang pero makulit ka rin eh! Ayan tuloy! 'Di ko tuloy alam kung maaawa o matatawa ako sa sitwasyon niya kasalanan naman niya kasi.
God gusto ko ng matapos itong lunch na 'to!!!
At natapos na nga, nakahinga na rin ako ng maluwag pagkatapos magpaalam ni mommy at daddy sa amin after nilang magtalo ni coach kung sino ang magbabayad. Si coach talaga hinayaan na lang sana niya na si daddy ang magbayad, gusto niya 'ata talagang mabadshot kay daddy eh! Isang strike ka na lang talaga kay daddy coach, ayaw pa naman niyan na pinipilit siya sa gusto ng iba at naka strike two ka na. Huhu.
Sobrang badtrip talaga siguro ni coach sa nangyari kanina at nagyaya pa sa barkada niya na maghangout muna pagkababa namin sa coaster at tinataboy naman niya ang kanyang pinsan na tinatawanan lang siya. Idea mo po ito coach panindigan mo! Wala namang dapat ikaselos sus! Umiling-iling na lang akong natatawa sa kanya.
Nag bail out sila ate Aly, ate Ella at ate Jema sa kanya dahil may aattendan pa daw sila mamayang gabi kaya mas lalong nainis ang kawawa kong girlfriend.
Bago magpaalam sila ate ay nagpapicture muna kaming lahat sa kanila, group pic, remembrance sa support nila on our first win sa journey namin para sa championship. Tapos kanya-kanyang ng papicture na sa kanila na game na game naman nila kaming pinagbigyan. Sobrang bait lang talaga ng mga ate ko... ang cool lang. Pumayag sana sila sa gusto ni coach para mas matagal ko pa silang makasama at mas makilala. Sayang, pero maybe some other time... bestfriends naman sila ni coach eh kaya sigurado akong mangyayari at mangyayari iyon in the future. I am so looking forward to it! Kaya nalungkot ako ng nagpaalam na sila kasi 'di ako masyadong nakapag-interact sa kanila dahil kina mommy at daddy pero napawi naman when they hugged me and congratulated me. I am so lucky! Sobrang saya lang! Sobrang lapad ng ngiti kong nagpasalamat sa kanila, sa pagbati at sa suporta tapos nasira ang moment kasi lumapit naman si kuya sa akin para magpaalam at niyakap pa ako pang-asar lalo sa pinsan niya. Pinagkakaisahan talaga nila si coach today. Kawawa naman.
Kinuha ko na ang bag at flower ko at pinuntahan si coach para magpaalam, kinonggratulate niya akong nakangiti pero hindi abot sa kanyang mga mata, inis pa rin siya. Sinabihan niya rin akong good job at mag-ingat ako pag-uwi at ganon din ang mga sinabi niya sa mga kasama ko na nagpaalam sa kanya at nagpaalam na ako sa teammates ko at nagmamadaling umalis.
Feeling ko naubos lahat ng energy ko sa lunch at hindi dahil sa laro kaya sumalampak ako sa upuan pagkapasok ko sa kotse. I feel so tired! Pero nang binalikan ko ang mga ganap kanina bakit sobrang pagod ko ay naisip ko si coach. Hay ang kawawa kong coach.
'See you in a bit' text ko sa girlfriend ko.

YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...