Pagkarating ko sa unit niya ay nakaabang na siya sa may pinto, halata ang pag-aalala sa mukha niya. She let me in at pagkasara ng pinto ay niyakap niya agad ako at humagulgol na ako.
"Shhhh" pagpapakalma niya sa akin habang hinahapuhap ang likod ko. "It's okay Kat, you did the right thing"
"I... I hu-hurt her"
"I know, I know" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin and dried my tears with her thumb at hinawakan niya ang kamay ko "Hey halika dito" hinila niya ako, dinala sa sala at pinaupo. "I'll be right back love, ikukuha lang kita ng tubig"
Ahhh ang sarap pakinggan ng salitang love... but it did not lessen the pain I am feeling right now at alam ko sinabi niya lang iyon to comfort me. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang baso ng tubig at inabot ito sa akin na ininom ko naman. Umupo siya beside me, her hand was rubbing the back of my hand na nasa lap ko and the other hand naman was rubbing my back.
"Kat, alam kong alam mo na sooner or later ay magtatapat din siya sa iyo diba? It was so obvious kanina, God! Kung hindi lang bawal malaman ang relasyon natin baka nasapak ko na siya. Sobrang inis ko na talaga kanina pero wala akong magawa kaya nagtitimpi na lang talaga ako"
"A-alam mo, hi-hindi ko na sa-sana sa-sabihin sa-sakanya ka-kasi ga-game bu-bukas hic pe-pero kinu-kinulit ni-niya ako"
"Shhhh, calm down first okay? And let it all out Kat. Let's talk later" at sumubsob na naman ako sa chest niya at humagulgol na naman. She was just holding me, rubbing my back hanggang sa napagod na ako sa kakaiyak."Ah yes ma'am... ah hindi po, si coach Reg po ito" narinig ko ang boses ni coach sa bandang dining, nakahiga na ako sa sofa na nakakumot at madilim na ang sala, nakatulog ako kakaiyak? "Ah ganon po ba ma'am? May problema po yata, sumama sa akin at nakatulugan na kakaiyak kaya siguro hindi nakapagpaalam" tumayo ako at lumapit sa kanya, niyakap ko siya at niyakap niya rin ako "sige po ma'am... bukas po, nine ng umaga... ah walang anuman po... goodnight din po" at binigay niya sa akin ang phone ko at hinalikan ako sa labi. "It's your mom, nag-aalala, 'di ka pa nakauwi at this hour eh hindi ka daw nakapagpaalam" sabay point niya sa ilong ko. "Did I wake you up? Maingay ba ako?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman po, siguro dahil wala ka na sa tabi ko?"
"Okay, let's go to bed? Para makatulog ka ulit"
"Okay po coach" at hinila niya ako papasok sa isang kwarto, so this is her room, simple, walang kaarte-arte at higit sa lahat tidy, unlike mine na messy.
"Do you need a change of clothes Kat?" tanong niya sa akin pagkaupo ko sa bed niya.
"Okay lang po ba na hindi na coach?"
"Sure, sure" She turned off the light at bedside lamp nalang ang nakasendi at umupo na siya sa kabilang side ng bed, nakasandal sa headboard. "Come here Kat" sabay tapik niya sa pillow beside her. I lay my head sa unan na tinapik niya at yumakap sa kanya, she clasp our fingers together at hinaplos-haplos naman niya ang buhok ko.
"Goodnight Kat"
"Coach, papaano 'pag natalo na naman kami bukas dahil sa nangyari?"
"It's okay Kat, wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari. Alam kong alam ni Diane how much you wanted to win this game para makasama pa kayo sa championship, and sa short time na nakilala ko siya, I think she will set aside her feelings para maibigay sa iyo ang gusto mo. Just talk to her again tomorrow, sabihin mo na you needed her help para manalo kayo and just give your all tomorrow okay?"
"I never thought na masasaktan ako coach, but when she turned her back on me, pakiramdam ko mawawalan ako ng matalik na kaibigan. She's the closest friend I have, ang dami ko ng napagdaanan with her, through all my ups and downs, whenever I need her, kahit anong oras pa, she would never hesitate and she would be there for me no matter what... tapos sinaktan ko lang siya" at umiyak na naman pala ako.
"Shhhh" humiga na siya sa tabi ko at pinasandal ako sa chrst niya, still holding my hand and caressing my hair. "Let it all out tonight Kat, iiyak mo lang, nandito lang ako" her scent, her warmth, her hands that's holding mine and caressing my hair and with her humming calmed and comforted me at nakatulog agad ako.Maliwanag na akong nagising at wala na sa tabi ko si coach. Bumangon ako at lumabas ng kwarto at naabutan ko si coach na nagbrebrew ng coffee at nakaset na ang lamesa at may pagkain na dito.
"Good morning coach" and I back hugged her.
"Good morning Kat" sabay lingon niya sa akin para halikan ako and sinalubong ko ang labi niya ng labi ko "How are you feeling?"
"Medyo okay na po coach, thank you... uhmm may request po sana ako coach"
"Welcome Kat and what's your request?"
"Can you call me love again?"
"Okay love" at lumingon ulit siya sa akin to kiss me kaya hinalikan ko siya. Ang daling kausap eh. Dapat pala lagi akong ganito para madali ko siyang mapasunod sa gusto ko haha.
"Thanks coach, ang sarap pakinggan" nakangiti kong wika.
"No problem love, ngayon lang ito at last na ito love" at sabay kaming tumawa.
"Go sit na, tapos na itong kape" umupo na ako sa inupuan ko no'ng nakaraan at sumunod naman si coach sa akin. "Kain ka na at umuwi na pagkatapos para makapagprepare ka na for the game"
"Okay coach and thanks for the food" nagtoast lang siya ng bread, pritong itlog at hotdog then may butter at ketchup na sa table.
"You're welcome Kat, let's eat" at nagmadali na kaming kumain at pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Ingat sa byahe and please let me know when you're home okay? I love you Kat" tumayo na ako at hinalikan siya sa labi.
"I love you too coach, ingat ka din mamaya and see you later" hinalikan ko ulit siya at umalis na ako.
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...