Pagod at puyat akong pumasok sa school ng maaga. I can't go on like this kaya kailangan ko siyang makausap na kami lang dalawa but I don't know her schedule, if nasa school na ba siya o wala pa. Dumaan ako sa faculty room pero wala siya doon, nagpunta din ako sa gym pero ang mga basketball players lang ang nandoon kaya pumunta na lang ako sa canteen para mag almusal.
"Babe" sigh ano na naman kaya ang kailangan nito gayong tapos na kami.
"Yes Beth? Hindi mo yata kasama si Alfred?"
"Babe wala nga lang kasi iyon at pinagsisisihan na namin iyon pareho. Can you please let it go? Ngayon lang naman ako nagkamali diba?"
"Hindi na magbabago ang isip ko Beth, mag move on ka na lang okay?"
"Move on? Three years 'yon Kat! How can I move on gayong mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal mo ako? Pero nagawa mo akong lokohin?"
"It was a drunken mistake for christ's sake Kat! Napasobra ang inom at wala na kami sa tamang pag-iisip that time at sobrang pinagsisisihan ko ang nangyari. Can you please forgive me and give me another chance please? I promise hinding-hindi na iyon mauulit at hinding-hindi na kita sasaktan pa. I don't want to hurt you and I have no intention of hurting you. Sa mahigit three years ba nating pagsasama, nasaktan ba kita aside sa nangyari sa amin ni Alfred?" napaisip ako, and yeah wala pa siyang nagawa na ikinasama ng loob ko. She was very supportive sa akin and ginagawa niya naman lahat ng magpapasaya sa akin. But she made a mistake! Pero lahat naman tayo ay nakakagawa ng mga pagkakamali diba?
"Babe sorry na, please forgive me" she was holding my hands sa ibabaw ng mesa at nakita kong napadaan si coach na nakatingin sa amin.
"Can you give me some time to think about it? I needed some space" at binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at niligpit na ang kinainan ko, tumayo na ako at umalis at nagtungo kay coach na kumakain na mag-isa... just what I needed.
"Good morning coach" masaya kong bati sa kanya na may mapang-akit pa na ngiti na umupo sa tapat niya.
"Good morning" cold at walang gana niyang tugon sa akin "May kailangan ka?"
"Ummm I wanna talk with you po sana"
"About?"
"Us?" at napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Us? Anong sinasabi mo?" tumingin-tingin muna ako sa paligid bago siya sinagot ng mahina.
"'Yong nangyari sa atin this vacation?"
"Vacation? Anong nangyari sa atin?" pagmamaang-maangan niya at pasimpleng lumingon uli ako sa paligid making sure na walang makakarinig sa sasabihin ko.
"You... me... one-night stand" mahina ko ulit na sabi na nahihiya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo Kat, I was here with your teammates the whole vacation, training them na dapat kasama ka rin"
"That's not possible coach, ikaw 'yon at hindi ako maaaring magkamali"
"I really don't know what you are talking about Kat and can you please let me finish my meal?" she's denying it and dismissing me... way to go Kat! I have no choice kun'di ang tumayo at magtungo nalang sa classroom ko feeling dejected.
"Okay coach, thanks for your time and sorry sa abala" at nagmadali na akong umalis baka hindi ko macontrol ang sarili sa inis.Buong araw na naman akong hindi makapag-concentrate sa klase. Si Bethany ayaw talagang makipaghiwalay, gustong makipagbalikan sa akin pero hindi ko na maramdaman sa puso ko ang pagmamahal na kailan lang ay sobra-sobra ko pang nararamdaman para sa kanya. 'Yong isip ko ngayon ay puno ng imahe ng maganda naming coach at parati akong ibinabalik ng aking mga ala-ala sa bar at sa pag gising kong hubo't-hubad na kasama siya. Pero ayaw niyang aminin... I know ayaw n'ya lang aminin kasi hindi ako maaaring magkamali na siya talaga iyong nakasama ko sa gabing iyon.
Training na naman, God she was just wearing a sports bra at hindi nakasarado ang kanyang jacket, kitang-kita ang kanyang abs na nag-aanyaya sa aking mga mata. Napakagat nalang ako sa aking labi, ang sexy-sexy naman talaga, hapit na hapi pa ang kanyang leggings.
"Hoy matunaw si coach!" saway sa akin ni Mai "may pa dila-dila ka pa!"
"Ang ganda naman kasi at ang sexy Mai"
"Kaya nga, crush mo?"
"Crush? Hindi noh! Coach kaya natin 'yan at teacher pa sa school natin"
"So kung hindi siya coach at teacher bet mo?" ay Mai kung alam mo lang!
"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya Mai, tingnan mo naman 'yang katawan na 'yan"
"Kaya nga, ako nga na straight baka mabaliko sa kanya... sarap ng abs oh"
"Ka..."
"Uy anong pinag-uusapan n'yo?" putol ni Diane sa pag-uusap namin nang lumapit siya sa amin.
"Si Coach" nakangisi pang wika ni Mai.
"Girls!" saway sa amin ni coach... parang ang init ng dugo niya sa amin.Natapos ang training at pagkatapos naming magshower ay nagyaya si Diane na mag dinner kaming dalawa.
"Uwi na diretso girls at maaga pa tayo bukas" magkasalubong na kilay niyang sabi na mukhang galit. Oh late announcement? 'Di naman sinabi kanina after the game! At nagkatinginan na lang kami ni Diane. "See you at six. Goodbye girls ingat sa pag-uwi and please update me 'pag nakauwi na kayo" wika niyang nakatingin sa akin at nauna na siyang umalis sa locker room.
YOU ARE READING
My COACH
RomantizmOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...