"Hey baby" sinalubong ako ni daddy na tumigil muna sa pag-aalmusal at niyakap ako. "Okay ka lang?"
"Yes dad, I'm fine na po. Good morning po" sabay halik ko sa pisngi niya, kumawala ako sa pagkakayakap niya at nagtungo kay mommy na kumakain at nagbeso rin ako sa kanya. "Good morning mom"
"Good morning anak, upo ka na at kumain at ikwento mo sa amin ang nangyari, that is, if okay lang sa iyo"
"Nakapag-almusal na po ako mom and wala po akong time ngayon, kailangan ko na pong magprepare for the game. Are you going to watch po ba?"
"Ay oo naman anak! We are your number 1 fan kaya how can we ever miss your game?" sagot ni papa na proud na proud.
"Kagabi pa nakahanda 'yong isusuot niyang t-shirt na may jersey number mo at nagpagawa pa ng banner yan"
"Dad naman! You're overdoing it, nakakahiya"
"Sige na, sige na" pagtataboy niya sa akin "maghanda ka na doon at baka mahuli ka na naman"
"Okay po" at nagmadali na akong nagtungo sa room ko.Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil kay mommy and daddy, they just simply know what to do and how to make me feel better.
'Hi coach, sorry late na ako nakapagtext, ginisa kasi agad ako nina mommy at daddy. No need to reply na po, just want to let you know that I arrived home safe. Later. I love you coach' pagkasend ng message ay dinelete ko na agad ito at naghanda na.
Pagkarating ko sa gym ay nandoon na sila... lahat... kinakausap ni coach although hindi naman ako late. Tahimik lang akong nakinig sa sinasabi ni coach at lumapit naman agad sa akin si kuya Taylor na nakangiti kaya nginitian ko din siya. So did they agree sa plano? It seems so, with how kuya acted just now.
"Okay girls, for the win!" sabi ni coach na nilagay sa gitna ang nakataob niyang palad at isa-isang pumatong ang mga kamay namin sa kamay niya.
"For the win" sigaw naman namin at sabay itinaas namin ang mga kamay namin "yeah" at nagtungo na kami sa coaster namin and to our surprise ay nandoon sa loob si ate Ella, ate Jema at ate Aly wishing everyone na pumasok ng good luck. Manonood nga sila sa game namin! WOW! Just WOW! Just with their presence puts our spirits high, parang lahat 'ata eh kaya kong gawin with them being around! Excited na akong maglaro at magpakitang-gilas sa mga idols ko.Pagkarating namin sa coliseum ay hinatak ko si Diane papalayo sa grupo para makapag-usap kami.
"Yan, sorry about last night. I know this isn't the right time to be talking about it but I want you to know that mahal kita pero bilang kaibigan and ayaw kong mawala ka sa akin Yan. Can we just pretend that last night didn't happen? And let's stay just like how we are? Alam ko mahirap, I will give you time or space or kung ano man ang kailangan mo but please stay as my friend. Please?"
"Don't worry Kat okay?" ngumiti siya pero hindi abot sa kanyang mga mata "gaya nga ng sabi ni coach, iiwan sa labas ng court kung ano man ang problema, pinagdadaanan o iniinda at mag focus na lang sa bola at wala ng iba kapag nasa loob na ng court. I know how much this game means to you kaya let's do our best Cap okay?"
"Okay" sabay yakap ko sa kanya sa sobrang tuwa. Kilalang-kilala niya talaga ako, she knows what I really want kahit 'di ko pa nasabi. "Thank you Yan"
"Welcome Kat" at ngumiti na siya at magkahawak-kamay kaming nagtungo sa mga kasama namin.After namin mag stretching at warmup ay ginather kami ni coach at ang binilin lang niya sa amin ay gawin ang best namin, kalimutan ang lahat at mag focus lang sa laro, at higit sa lahat ay ang i-enjoy ang game.
Kaunti lang ang mga nanonood dahil maaga pa ang laro namin at madali kong nakita sila mommy at daddy na nakasuot ng white shirt na may print na kulay blue na number 9 at may hawak-hawak na puting banner na may nakalagay din na kulay blue na GO na hawak ni daddy at KAT naman ang hawak ni mommy. Napangiti na lang akong umiiling-iling na nakatingin sa kanila na kinawayan sila at kumaway din sila pabalik sa akin na nakangiti rin and they both worded 'Good luck'. Nakita ko rin ang mga cool ate's ko na kinawayan ko rin at kumaway din sila sa akin at ang huli kong tiningnan ay ang maganda kong girlfriend na nakangiti sa akin. I'm in high spirits. All their support made me want to give my all in this game at iyon nga ang ginawa ko... at ang ginawa rin ng teammates ko.
Diane had great connections sa aming hitters and middle blockers at grabe naman ang floor defense na ibinibigay ni Mai. Ang ganda lang ng flow ng game namin, from receptions, digs, sets, attacks and blocks, wala talagang nasasayang na bola at halos kill lahat ang mga spikes namin.
Feeling ko ang dali lang ng laro namin ngayon, na para bang hindi marunong ang katunggali naming team dahil napag-iwanan agad namin sila at hindi sila nakahabol kaya madali naming nakuha ang first set at madaling natapos ang game with 3-0 sets. Either hindi sila kagalingan or minalas lang sila at sinwerte kami at ginalingan talaga namin dahil sa support that we had at lalo na ako na inspired pa.
After the game ay lumapit agad sa akin si kuya Taylor na may dalang bouquet ng red roses at inabot ito sa akin na nagpakilig naman sa mga kasama ko maliban kay Mai at Diane. Hindi talaga nila napigil na magtititili dahil sa kilig sa nakita nila. If I know galing ito sa girlfriend ko at pinaabot lang kay kuya sa akin kaya ang laki ng ngiti kong nakatingin kay coach. Niyakap ako ni kuya Taylor at bumulong sa tainga ko ng "Just a delivery guy" at sumagot naman ako ng "Thanks" na nakatingin ulit kay coach. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at nagsabing congrats at nagpasalamat naman ako sa kanya.
Lumapit na sa amin si coach, kinonggratulate kami at nagyaya ng lunch to celebrate our first victory.
Nagmadali akong pumunta kina mommy at daddy para magpaalam, sobrang saya nila for our win. They both hugged me and congratulated me sabay interrogate nila kung sino 'yong lalaki na nag-abot ng bulaklak sa akin at sinabi ko lang na si kuya Taylor, wala ng further explanation at nagpaalam na ako sa kanila at pumayag sila pero sasama daw sila makikicelebrate daw but will just stay in a different table na nag-agree naman ako. Alam ko may iba pa silang balak sa pagsama nila sa amin!
YOU ARE READING
My COACH
RomansaOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...