Pagkapasok ko sa kotse ay excited at kinakabahan akong nagvideo call agad sa kanya, sinagot naman niya agad na siya namang ikinaluwag ng pakiramdam ko. Natatakot kasi ako na baka hindi niya sagutin, na nagbago na ang isip niya.
"Hi coach" bati ko sa kanya na nakangiti na nagwave pa.
"Naka jersey ka pa? 'Di ka nagshower after the game? Basa 'yang likod mo tapos naka-aircon agad? Buks..." at may tumakip sa bibig niya na walang tigil sa pagsasalita at nag-appear si ate Ella sa screen na nakangiti. Sa totoo lang first time that I was disappointed seeing ate Ella kasi akala ko maitutuloy ko ang nangyari kanina sa locker room pero mukhang malabo. At ang galing ni coach hindi pumunta sa training dahil gumala!
"Ang ingay niya noh? Kaya mo kayang ihandle ang bunganga nito?" sabay bitaw niya sa pagkacover sa bunganga ni coach kasi tinapik-tapik ito ni coach at sinusubukang kagatin. "Congrats nga pala! For sure inspired ka na n'yang maglaro sa Sabado!" ah gets ko na ang pinagsasasabi ni ate Ella, alam na niya ang tungkol sa amin ni coach anong nangyari sa "atin-atin lang" na sinabi niya kanina? Nabasa nila siguro ang tumatakbo sa isip ko kasi magkasalubong na ang kilay ko kaya nag peace sign si ate Ella at umalis na ito sa harap ng camera.
"Ahm they knew everything"
"They?" pagtataka ko. So hindi lang pala si ate Ella ang nakakaalam? Inikot niya ang phone niya at nakita ko si ate Ella na sweet sa katabi nitong si ate Jema sa isang loveseat at nag wave sila sa akin at sabay na nagsabi ng "congrats" na tudo ngiti at naka thumbs up pa, tapos sa tapat ni coach ay si ate Jia na nag wave din at bumati din at last ay si ate Aly na kumaway din at nagsabi din ng "Congrats Kat" pagkatapat ng phone sa kanya at nakita ko rin ang ilang bote ng inumin at pulutan sa table na napapagitnaan nila. Ang aga naman ng session nila for sure pasimuno ito ni coach dahil sa nangyari sa amin kanina.
"Uhm later na lang po coach? Chat-chat na lang and enjoy with your friends"
"Okay, later... punasan mo muna likod mo, buksan mo lang ang window pag byahe mo at magpahinga ka muna huwag maligo agad pagkauwi..."
"See what I mean?" sabi ni ate Ella na inagaw ang phone from coach "mahaba pa 'yang bilin niya hindi pa siya tapos" tumatawa siyang binalik kay coach ang phone.
"Sorry about that" tiningnan niya ng masama si ate Ella at nagtawanan ang mga kasama niya "basta ingat sa pagmamaneho ang please update me 'pag nasa bahay ka na?"
"Okay po coach, bye" at inend ko na ang call at sinunod ang bilin ni coach.Gaano ba ka-close si coach sa mga idols ko at ka-hang out niya ang mga ito at alam pa talaga nila ang tungkol sa amin? Iyon ba ang dahilan bakit mas close sila sa akin noong araw with the CCS at lagi nilang inaasar si coach? At 'yong message pala ni ate Aly at ate Ella ay tungkol sa amin ni coach? Unbelievable! At napangiti na lang ako sa thought na since kami na ni coach ay baka maka-hang out ko rin mga idols ko ng madalas weeee. Ikaw na talaga my coach!
Pagkarating ko sa bahay ay naghahanda na si mom ng dinner sa mesa at lumapit ako sa kanya na nakangiting nagbeso sa kanya at busy na ako sa phone kong chinat si coach 'Bahay na My Coach'.
"Hmmm, someone looks happy. Something good happened at school anak? At amoy pawis ka pa, hindi ka ba naligo bago umuwi? Magshower ka na at tayo ay kakain na."
"Ah yes mom and maya na po after dinner" matipid kong sagot sa kanya na sinunod ang payo ni coach.
"That's good to hear anak, care to share it?" at namula ako, hindi ko pa handang ibahagi ito sa kanila.
"Nagkabalikan ba ulit kayo ni Bethany?"
"Awww no mom!"
"So someone new?" hindi na ako sumagot at mas lalo pa ata akong namula.
"Si Diane ba ito?"
"No mom and please stop interrogating me na dahil wala kang makukuha sa akin"
"Interrogating about what?" pag-interrupt ni dad sa amin ni mom. Oh great!
"'Yang baby natin may bagong nagpapatibok ng puso" masayang ibinahagi ni mom kay dad ang nalaman niya na ikinatuwa naman ni dad.
"That's great news! When can we meet her? Bring her over for dinner"
"Dad!" geez itong dalawang ito! Nakita n'yo na po siya at nakilala sa game day namin pero hindi ko muna pwedeng sabihin... saka na. "Sobra kayong excited wala pa po! Mom 'di ba pwedeng masaya lang? May bago na agad 'pag masaya?"
"Naku Kat kilalang-kilala kita ako ang nagluwal sa iyo baka nakakalimutan mo! Pamumula mo pa lang kanina alam ko na kaya huwag ka ng magkaila. Just introduce her to us when you are ready. I know you knew what you are doing" at hindi na ako nakakibo.Bago kami nag dinner ay nag update muna ako kay coach na kakain na kami, that I may not be able to respond agad sa chat niya. During dinner ay kumustahan lang kami about our day, I told them about the practice and mom and dad shared their day naman at work at mga cases nila. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako na magliligo na dahil amoy pawis na ako at sobrang lagkit na ng katawan ko at nag goodnight na rin sa kanila dahil magkukulong ako sa kwarto to talk with coach.
"'Yong ngiti pwedeng pakipigil? Magpapalusot ka pa alam ko namang gusto mo lang siyang makausap agad kaysa sa amin. Oh sha baka makakaisturbo pa kami sa inyo" pang-aasar ni dad sa akin at nagmadali na akong tumayo nag beso sa kanila at pumasok sa kwarto ko.'Room na po, saan ka na? Bahay na ba?' na seen agad niya at nag video call siya.
"Hi coach good evening" 'di ko mapigil ang ngiti ko when I saw her sa screen ko.
"Hi Kat, hmmm 'di ka pa nakapagshower?"
"Hindi pa, sabi mo kasi na magpahinga muna ako bago maligo kaya noong pinaligo na ako ni mom bago mag dinner ay sinabihan ko siya na after dinner na lang"
"Good girl! How was training?"
"Coach! Can we talk about something else other than that? Pwede po natin iyang pag-usapan sa school"
"Okay Kat, so what now?"
"Nagdinner ka na ba?"
"Yeah kanina, I have an early dinner with the gang"
"How close are you po pala sa mga idols ko coach?"
"I've known Ly and El since elementary pa sa volleyball team and we've been best friends na since then. Nahiwalay lang ako sa kanila when I graduated high school and moved abroad to study tapos si Jia naman 'pag umuuwi ako dito at napapasama sa grupo nila hanggang naging close na rin and si Jema dahil kay El"
"Ah... so alam nga nila lahat tungkol sa atin?"
"Yeah lahat, everything that happened even on our first night... ah but not the intimate details, hindi ako kiss and tell"
"Ah 'yon pala coach, I've been meaning to ask you about that night since nakita kita muli pero lagi mo naman itong itinatanggi" pagtatampo ko kunwari "so anong nangyari sa ating one-night stand?"
"Huh? So wala ka talagang matandaan sa special na gabing iyon? And sorry if itinatanggi ko iyon dati kasi dahil sa work ko. You have no idea how shocked I was to see your profile sa iku-coach ko kaya hinanda ko talaga ang sarili ko sa pagkikita natin"
"Naiintindihan ko naman coach, iyon talaga ang nasa isip ko na dahilan pero masakit lang talagang tanggapin gayong nahulog na ako sa iyo. So anong nangyari that night my coach?"
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...