I am not a morning person kaya I hate it when I have to wake up at around four in the fucking morning para mag prepare and be on time at six!
Nakakunot ang aking noo at salubong ang mga kilay na nakarating sa gym ng eksaktong alas-sais ng umaga. Andoon na si coach at iba kong mga kasama na nagsisimula ng mag stretching.
"Kape ka muna para magising ka at mawala 'yang inis sa iyong mukha" tumatawa si Diane ng inabot niya sa akin ang kape from McDo.
"Thanks Diane, you're the best talaga!" sabay yakap ko sa kanya na hawak na ang kape ko.
"I know how much you hate morning trainings" sabay hiwalay niya sa yakap ko at pat ng ulo ko.
"Stretching na Kat at Diane, ano pa ang hinihintay ninyo? Past six na!" inis na wika coach.
"Coach tapusin ko muna po itong kape ko" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Then you should have come early para may time ka pang magkape"
"Tara na Kat hayaan mo na lang" nakahawak ang kamay ni Diane sa akin na hinila ako patungo sa mga kasama namin. Sa inis ko ay nilagok ko ang kape na nakatingin kay coach kahit sobrang init pa nito.
"Baliw ka ba?" pag-aalalang wika ni Diane sa akin no'ng nakita niyang tinungga ko ang bigay niyang kape. Maluha-luha ang aking mga matang ininda ang init kahit alam kong napaso ang dila ko. God why does she hate me so much? Hindi naman aabutin ng isang oras ang pag inom ng kape!
"Okay lang ako Yan" hindi ko na tinapon sa basurahan ang cup para makapag stretching na agad, naiinis kong nilapag lang ito sa aking tabi.Hawak kamay kami ni Diane, magkatapat ang aming mga sapatos na nakaspread ang aming mga legs at palitan kami sa paghila sa isa't-isa.
"Hoy ngiti na, nawawala ang ganda mo 'pag nakabusangot ka"
"Nakakainis naman kasi"
"Ngiti na, hayaan mo ililibre uli kita ng kape pagkatapos nitong training natin, mai-enjoy mo na that time kaya hayaan mo nalang si coach... ngiti na please" at 'di ko mapigilang mapangiti dahil kinikiliti niya ako sa t'yan.
"No talking and fooling around! Focus kayo sa ginagawa ninyo!" pasigaw na sabi ni coach na nakatingin sa amin ni Diane. Bakit ba ang init ng ulo ni coach, may period ba siya?"Labas lahat and do a five laps jog sa oval" what the! Seryuso? Sa oval pa talaga at hindi dito sa court?
"Coach!" sabay naming reklamo lahat.
"Okay then, we'll make it ten laps!" COACH! Tahimik kaming lumabas sa gym na lupaypay, wala ng nagreklamo dahil baka dagdagan pa ulit ito ni coach gayong mukha pa naman siyang bad mood. 'Di sana niya dinadala ang personal niyang problema sa training! Nakakainis lang!She was leading the jog, at nakasunod ako sa kanya. She was just wearing a balck running shorts and a sports bra, hinubad niya kanina ang kanyang jacket. Aughhh sarap talaga sa mata, kaya kung saan-saan na naman tinatangay ang imagination ko habang nagjajog. Sayang talaga at 'di ko maalala ang lahat ng nangyari that night. I wonder how strong those legs are kapag nakakapit sa baywang ko habang kinarga ko siya at kin...
"Ganda ng view Kap" naputol ang imahinasyon ko nang binangga ako ni Mai na nakasabay na sa akin "kaya pala hindi lumalayo ang pace mo kay coach haha"
"Baliw!" sabay hampas ko sa kanyang braso na tumatawa.
"Mababaliko na talaga ako kay coach, sobrang ganda na at ang sarap pa ng katawan... kita mo oh dumarami na ang mga lalaking nanonood sa atin" at napatingin ako sa palibot at marami na nga ang nanonood sa amin na biglang nagpainit ng dugo ko. Iniwan ko si Mai at binilisan ko ang pagtakbo, dinaanan ang jacket ni coach sa bleachers at hinabol si coach.
"Coach can you please wear your jacket" sabay inabot ko ito sa kanya at napalunok na lang ako ng laway, ang hot naman niya, tagaktak ang pawis sa kanyang katawan na gusto kong dilaan.
"At bakit naman Miss Kat? Kailangan ko ng vitamin D kaya ganito ang suot ko" hindi niya ito kinuha sa kamay ko.
"Eh kasi ang dami ng lalaking nanonood sa iyo"
"At anong pakialam mo Miss Kat? Dahil ako wala akong pakialam sa kanila" at ano nga ba ang iniisip ko? Eh hindi naman niya ako girlfriend (at kumirot ang puso ko sa thought na iyon) para maging concern sa kanya na pinagnanasaan siya ng ibang tao, she is my coach at alam na niya ang ginagawa niya. I slowed down my pace at nakasunod na lang ulit ako sa kanya na hawak pa rin ang kanyang jacket... naiinis!Pagkatapos ng ten laps ay nasa bleachers si Beth nakaupo, nakahanda ang towel at tubig ko. Pagkalapit ko sa kanya ay inabot niya sa akin ang tubig ko at pinunasan ako.
"Beth ako na, akin na ang towel dahil 'di mo na 'to kailangang gawin" pinupunasan niya ang likod ko sa loob ng aking varsity jacket.
"Hayaan mo lang ako please, I used to do this naman sa iyo eh"
"Dati 'yon Beth, noong girlfriend pa kita t'saka I asked for a space, anong ginagawa mo dito?" mas nadagdagan pa ang pagkainis ko dahil sa kanya, alin ba sa I needed some time and space ang hindi niya maintindihan?
"Kat tara" nakangiting pagyayaya ni Diane sa akin na hinawakan ang kamay ko at hinila ako trying to pull me away from Beth dahil kita niya siguro ang annoyance sa mukha ko "kape na tayo"
"At sinong may sabi sa inyo na tapos na ang training?" naiiritang sabi sa amin ni coach habang nagpupunas sa namumula niyang mukha at katawan na nagpabagsak sa balikat naming lahat.
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...