Part 26

154 6 0
                                    

I entered her address sa Maps and placed my phone sa holder and followed the directions.

Pagkarating ko sa location ay tinawagan ko agad siya.
"Nasa labas na po ako ng building coach"
"Pasok ka lang sa may entrance ng parking, I already informed the guard that I am expecting a guest sabihin mo lang ang pangalan ko at diretso ka nalang sa room ko sa A1610, pasok ka lang diretso 'di ko na nilock ang pinto"
"Okay coach" at sinunod ko ang sinabi niya.

Pagkapasok ko sa unit niya ay nalanghap ko agad ang masarap na aroma ng niluluto niya kaya nilock ko agad ang pinto at hinanap siya, nasa kusina siya nagluluto at niyakap ko agad siya na nakatalikod, busy sa ginagawa niya. This is just what I needed, her body next to mine.
"What's for dinner coach?" I was nuzzling her neck.
"Carbonara Kat, okay lang ba?"
"Yeah, I'll eat anything you will cook coach"
"That's good" and she patted my head at nagpatuloy sa pagluluto. "Ang bilis mo 'ata? Nakapag-usap na ba kayo ni Diane?"
"Nope" nasa leeg n'ya pa rin ang ilong ko, enjoying the mild scent of her perfume.
"But she waited for you"
"Yeah buti na lang nag text ka, akala niya I will be meeting with my mom somewhere kaya I made it as an excuse para makasama ka kaagad"
"She thought you'll be meeting with your mom pero nandito ka? How's that?" Naguguluhan niyang tanong.
"I stored your number as Mom just in case mag text ka at may ibang makakita just like what happened earlier, nakita niya ang text mo so she thought si mommy 'yon at kahit mag I love you ka pa it's not a big deal if makita nila they wouldn't suspect anything pero dinidelete ko naman agad mga chat natin everytime matapos tayong mag-usap"
"Hmmm you're really good at finding ways Miss BDO agent." at hinalikan niya ang ulo ko. "Uhm pwedeng umupo ka muna somewhere while nagluluto ako?"
"No, I just wanna be this close to you, feeling ko na drain lahat ng energy ko kaya kailangan kong mag recharge"
"Yeah what a day right?"
"Yeah and sorry sa mga nagawa ko sa iyo today coach"
"Sigh ang hirap ng may magandang girlfriend, ang daming umaaligid"
"Girlfriend, ang sarap lang talagang pakinggan, isa pa nga Coach?" hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako "Hayaan mo coach kakausapin ko ulit si Beth para tantanan na niya ako and I hope na matanggap na niya talaga 'coz her last words were unsettling"
"And si Diane?"
"And her too, I guess I should just be clear to her na friendship lang talaga ang maibibigay ko at hindi ito magbabago. If only I could tell them na may bago na ako para mas madali na lang magpaliwanag"
"Hey I'm done na can you please set the table na?"
"Nope, dito lang ako" and she sighed again hinanda ang mesa habang ako naman ay sumusunod sa kanya na nakayakap pa rin.
"You are making this hard for me Kat"
"'Di pa po ako fully charged coach"
"Hay ewan ko sa iyo"

Nakaupo na ako sa tapat niya at kumakain na kami sa masarap niyang luto.
"Alam mong hindi nila pwedeng malaman na may bago ka na diba?"
"Kaya nga po sabi ko if only kasi 'di naman pwede"
"Sorry Kat that you have to go through this because of me"
"Okay lang coach, gusto at ginusto ko naman ito and it's all worth it, anything just to be your girlfriend"
"Hmmm what if magpanggap kayong lovers ng pinsan ko?"
"What?" halos maibuga ko ang nginunguya kong fettuccine sa tanong niya.
"It will make our lives easy. Gaya nga ng sabi mo mas madaling magpaliwanag at mas madali siguro nilang matanggap 'pag may bago ka na. It will take some time, you can start the act this Saturday sa laro ninyo he will be may assistant ulit"
"Coach alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Hindi lang po tayo ang involve nito kundi kasama ang pinsan mo. Do you think he'll be okay with it?"
"Oo naman, ikakatuwa noon pag sinuggest ko ito sa kanya"
"At bakit?"
"He is gay, with a boyfriend, closeted, with strict and religious parents that's been pestering him na to get married... so yeah, who wouldn't diba? And I could pretend to date his boyfriend too, in that way we can always go on a double date with them"
"Hmmm sounds good. So how should we go about it?"
"We'll call them later and tell them about our plans and we can start the mission this Saturday but you have to make sure that your team will win"
"Haha ang bigat naman po n'yan but sure" tumayo ako at hinalikan siya at nagtuloy na sa pagkain.

Niligpit na niya ang aming pinagkainan at nilagay ito sa dishwasher habang nakapulupot na naman ako sa likuran niya at pagkatapos ay umupo na siya sa sofa at ako naman ay nahiga at nasa lap niya ang ulo ko at tumawag na siya sa pinsan niya.
"Hi babe!" masiglang bati ng pinsan niya pagkasagot nito.
"Hi Swifty, kumusta?"
"Okay lang naman, and ikaw? Hey I'm free again this Sat para pagselosin ulit si Cap" at natigil ako sa pagbabasa ng libro at napatingala sa kanya with a questioning look. At hinarap niya sa akin ang phone niya at nakita ko si assistant coach with another handsome guy beside him.
"Ah. Ah hi Kat nandyan ka pala" 'di na ako nakasagot kasi binalik na ni coach ang phone paharap sa mukha niya.
"As you can see, no need na Tay" and they both laugh.
"Yeah kita ko nga and I am so happy for you babe!" halata sa boses nito ang kilig.
"Congrats babe" wika ng isang lalaki na sobrang deep ng boses.
"Thank you Tim" tinatapik ako ni coach pinapaupo sa tabi niya na ginawa ko naman at kaming dalawa na ang kuha sa camera.
"Guys I want you to meet my girlfriend, Kat"
"Hi" bati ko sa kanila na nakangiti na nagwiwave.
"And Kat you already met my cousin Taylor and beside him is his boyfriend Timothy"
"Hi Kat, nice meeting you" nakangiting bati sa akin ni Tim na nag wave din.
"So guys, as you can see, sobrang ganda ng katabi ko at maraming naghahabol sa kanya sa school nila, she already turned them down pero grabe talaga ang haba ng hair ng katabi ko, ayaw talaga siyang tantanan kaya para matapos na ang lahat naisipan namin na magpapanggap kang boyfriend niya Tay"
"Ha?" Nagulat si Taylor sa sinabi ng pinsan niya.
"Yeah you heard it right Tay, you will pretend to be her boyfriend para masabi na niya sa mga nagkakagusto sa kanya na may bago na siya at para hindi rin kami ma-issue at para lubayan ka na rin nila aunty at uncle 'pag nalaman nila na may girlfriend ka na. You can bring her to your parents house with me, pwede ko ring isama si Tim as my date. And the fun part is, we can always go on a double date" nagkatinginan si kuya Tay at kuya Tim pagkatapos magsalita ni coach.
"We'll talk about it babe and will let you know okay?"
"Yeah sure Tay, we still have tomorrow pa naman and if you will agree we'll execute the plan on Sat, anyways we gotta go at nag-aaral pa itong kasama ko dito. I love you both and hope to see the two of you this Saturday. Bye" at nag wave lang ako ng bye sa kanila.
"I love you too babe, again I am so happy for you. Sige na bye" nag end na ang call at nagbalik na ako sa pwesto ko kanina at nagpatuloy sa pagbabasa habang hinahaplos ni coach ang buhok ko.

My COACHWhere stories live. Discover now