Nagyaya na siyang umuwi pagkatapos ng breakfast namin, nawalan talaga siya ng gana pagkatapos naming makausap ang parents niya at ako na rin kasi I was hoping to spend the whole day on the bed with her.
"Okay ka lang coach?" tanong ko as she was driving seriously and quietly.
"I really don't want to run our business but I guess I have no choice"
"Sorry coach"
"No Kat hindi mo naman kasalanan na na-in love ako sa iyo at siguro nga I have to take responsibility na rin as my parents are getting older na. Dapat sa kanila nagpapahinga na, travel-travel, which is hindi pa nila nagagawa kasi sobrang busy pa nila sa negosyo namin"
"So you'll gonna quit coaching"
"Yeah gano'n na nga but after Provincial Meet na kung makapasok tayo"
"Yeah sana nga makapasok at maipanalo ko ang Division Meet at magchampion tayo coach, iwan ko sa school as a captain"
"Kaya n'yo 'yan may potential naman kayo"
"Sana nga coach" then I held her right hand and lean sa kanyang shoulder at i-nenjoy namin ang drive with small talks and singing along sa mga songs na nagpiplay sa FM."Are you staying over?" tanong niya sa akin pagkarating sa parking niya.
"Do you want me to?" balik kong tanong sa kanya dahil feeling ko she wanted to be alone.
"Maybe some other time?" ngumiti at tumango na lang ako sa kanya, I guess what happened earlier had really affected her and made her down.Sabay kaming bumaba sa sasakyan niya at hinatid naman niya ako sa sasakyan ko. Pagkastart ko ng kotse ay kumatok siya sa bintana and I rolled down the window.
"Sorry" wika niya.
"It's okay coach" at ngumiti ulit ako assuring her that it's really okay and that I understand.
"Thanks love, I love you" ngumiti na rin siya at hinalikan ako sa labi. "Ingat sa pagmamaneho"
"I love you too coach, alis na po ako, bye"
"Bye" nagwave siya at itinaas ko na ang bintana at nagdrive pauwi.Sobrang gutom na ng nakarating ako sa bahay, hindi pa nagyaya si coach ng lunch siguro she was really occupied with her thoughts kaya nawala sa isip niya ang gutom. Hayz, I really like what we have right now with coach, araw-araw magkasama, if hindi na siya mag coach sa amin at magtatrabaho na siya sa company nila siguradong madalang na lang kami noon magkita. Sigh.
"Hi mom, hi dad" bati ko sa kanila na nasa living room nanonood ng The Notebook, nakasandal si mommy sa balikat ni daddy na magkaholding hands pa. Ay SANA ALL! SANA ALL na lang talaga!
"Hi baby, kailan ang kasal?" mapang-asar na tanong sa akin ni daddy.
"A... a.. ano pong kasal?" pagmamaang-maangan ko.
"Engaged na kayo ni coach Reg diba? Nakita ko sa facebook niya" sabat naman ni mommy. So kaibigan na sila sa facebook? 'Di ko man lang alam?
"Ah... eh..."
"Kumain ka na ba?" tanong ulit ni mommy sa pagkatameme ko, mag-aalas-dos na kasi ng hapon at kita niya siguro sa mukha ko kaya niya natanong or nararamdaman niyang nagugutom ako?
"'Di pa po, sobrang gutom na nga eh"
"Ay ano ba 'yang fiancee mo, 'di ka man lang pinakain?"
"Paused mo muna dad, ipaghahanda ko lang si Kat" at tumayo na siya para ipaghanda ako ng pagkain.How on earth did they even know about coach and I without me telling them? Ganoon ba talaga nila ako kakilala? That's why hinahayaan lang talaga nila ako as long as hindi ito makakasama sa akin?
Naputol ang pag-iisip ko habang kumakain dahil sa tawag sa akin from my ex. I just ignored it at nagpatuloy sa pagkain at tumawag ulit ito ng ilang beses pero 'di ko pa rin sinagot.
'Can we talk?' chat niya sa akin pero hindi ko pa rin pinansin at tumawag ulit siya.
'Please answer my call babe' followed by another call pero dineadma ko pa rin but her last message made me answer her next call.
"So, 'yon lang pala ang magpapasagot sa iyo sa tawag ko" sabi niya matter-of-factly.
"What do you want Beth?" walang kagana-gana kong sagot sa kanya.
"I want to see you"
"Okay, let's meet sa school bukas"
"No gusto ko ngayon na"
"Beth I'm tired, kakarating ko lang sa bahay"
"I know, of course I know" makahulugan niyang sagot. "But I want to see you now babe, don't you remember? It's our monthsary" the F is wrong with this person, ang tagal ko ng nakipaghiwalay sa kanya!
"Beth baka nakalimutan mong matagal na tayong wala?"
"Says who? Pumayag ba ako? So meet me now or you know what I'll do"
"Aughhh fine! Saan?"
"Sa bahay namin"Nawalan na ako ng gana pang kumain kaya niligpit ko na lang ang pinagkainan ko at nagpaalam kina mommy na may pagtataka sa kanilang mga mukha pero hindi na sila nagtanong at pinag-ingat na lang ako.
Nagdoorbell ako sa labas ng gate nila at pinagbuksan agad ako ng katulong nila.
"Ay ma'am kayo po pala, good afternoon po. Nasa kwarto n'ya po si ma'am Beth"
"Okay po manang, salamat po" at nagtuloy-tuloy na ako, didiretso na sana ako sa kwarto ni Beth kaya lang nasa sala ang mama at papa niya, nagmimerienda.
"Uy Kat it's been a while" nakangiting bati sa akin ni tita pagkakita niya sa akin na pumasok sa pinto at tumayo pa ito para yakapin ako.
"Hi tita, good afternoon po. Kaya nga po, matagal-tagal na rin po noong huli akong nakapunta dito. Good afternoon po tito"
"Good afternoon Kat, kamusta na? Halika dito at magmerienda tayo" hindi na ako nakatanggi kasi dinala ako ni tita doon kaya kumain na rin ako ng isang slice ng pizza at uminom ng coke at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila para puntahan sa kwarto si Beth.Diretso akong pumasok sa kwarto niya at naabutan ko siya in her sexy lingerie na nakasexy pose pa sa bed.
"Please get dress, I just wanna talk to you and get this done and over with"
"Really? Ikaw pa ang may ganang magdemand while I have the upper hand?" napabuntong-hininga na lang ako in exasperation.
"Come here babe" mapang-akit niyang wika as she pat the empty bed beside her.
"I don't have time to play with you Beth, just tell the fuck you want from me" nagsisimula ng maubos ang pasensya ko at tumataas na ang boses ko.
"Okay babe, relax okay?" bullshit paano ako magrerelax sa sitwasyon na ito. Nakakuyom na ang palad ko sa inis and she knows I've reached my limit. "If para sa iyo ay hiwalay na tayo, then I want us to get back together"
"Are you fucking out of your mind? Nakalimutan mo ba ang ginawa mo sa akin? Do you think makikipagbalikan pa ako sa isang cheater na kagaya mo?"
"Oh well wala kang choice" at pinakita niya sa akin ang larawan na nasa phone niya, iba pa ito sa sinend niya kanina. I sighed in defeat at halos mangiyak-ngiyak na mas lalong humigpit pa ang nakakuyom kong mga palad, but I won't let her see me cry... never again!
YOU ARE READING
My COACH
RomanceOne-night stand... it is suppose and should be a one night thing, isang pangyayari na hindi na mauulit muli. An encounter with a stranger na hindi mo na makikitang muli kaya nagkakaroon ka ng lakas ng loob to do things na hindi mo naman gawain kasi...