Alam mo, nanggigigil ako kay Mama. Pa'no ba naman kasi, masiyadong pala-desisyon sa buhay!
Iyong anak daw kasi ng friend niya—well, hindi pala anak, stepson—nangangailangan daw ng katulong. Kahit tagaluto lang ng pagkain, tagalinis, tagalaba, ganern! E aba'y inalay agad ako? Jusko. Makaasta, kala mo wala akong trabaho eh? Sabi ba naman, "Ay, iyang si Emer, pwedeng-pwede riyan!" Luh. Anong pwedeng-pwede? Dami ko pang naka-line up na commission, eh?
Mga nanay naman kasi talaga, feeling sa mga anak na sa art napadpad ang landas, walang ginagawa sa buhay. I love my Mom. Love you, Ma. Pero swear, feeling talaga niya hindi ako aasenso sa mga pinaggagagawa ko, kaya heto, kung saan-saang mga trabaho na lang ako vino-volunteer.
Pero sabi ko sa isip ko, sige, tutal gawaing-bahay lang naman gagawin ko roon, parang the usual lang naman. Masipag din naman kasi ako sa bahay namin, so pumayag ako. Para naman ma-feel ko na napasaya ko si Mama. Na sa wakas, may pakinabang naman ang feeling Disney Princess niyang anak.
Heto pa, kung makaasta si Mama nung paalis na ako ng bahay, akala mo mangingibang-bansa na ako! May pag-iyak iyak pang nalalaman? E Tanza lang naman kami, tapos iyong pagtatrabahuan ko ay sa QC. Mga tatlong oras na biyahe lang eh? Kung masipag lang ako, pwedeng uwian itong bago kong trabaho eh. Pero wait, hello? Katulong? Uwian?
Pero, heto na nga iyong pinaka-chika. Jusko, hanggang ngayon talaga, nanggigigil ako kay Mama. Wala man lang kasing pasabi na ang gwapo pala nung guy! Nung may-ari nung bahay!
Shutanginamerz!
Nalaman ko na lang talaga nung pinagbuksan ako ng gate. Naka-grey sando pa siya noon saka blue na maiksing shorts, tapos bakat ang mga maskels sa katawan! Naku, sinasabi ko talaga sa iyo. Nalusaw ako sa unang pagkikita namin ni boss. Ack! Boss? Eme!
May pagka-messy pa ang hair. Saka may aura siya na ang cool ng dating, alam mo iyon? Na kahit wala pa siyang gaanong ginagawa, kahit pa ba pinapatuloy lang niya ako noon nung time na iyon, alam mo na agad na he's the one. Choz!
May pagka-malalim pa nga ang boses. Tinanong pa nga niya ako noon kung kumain na raw ba ako. Enebe! Nakiliti agad ang tainga ng beshekels mo! Pero siyempre, sabi ko lang, "Opo." Ganoon lang. Simple. Tipid. Malandi lang ako sa pag-iisip ko, oo, pero matinong tao naman ako kung kumilos. Parang back to introvert phase nga ulit eh. Lagi na lang. Kada may nakikilala akong bagong tao, gwapo man o hindi, nagiging shy and awkward ako.
So pagkapasok ko sa bahay niya—which, by the way, looks enormous—parang introduction agad ang nangyari. Kakaupo ko pa lang nun sa sofa ha? Ngalay-ngalay pa ang paa ko no'n. Iyong pagkabigat-bigat kong bag, tumama pa sa binti ko. Aba'y diskusyon agad sa line of work ko ang nangyari! Teh, I hate to tell you this, pero parang doon ako nasampal sa katotohanan na hindi ako pumunta roon para lumandi. Na work work work talaga siya.
Nagpakilala siya muna, syempre. Siya si John Axel Castronuevo. 29 years old, which is anim na taon ang tanda sa akin. Game developer na work from home. Walang singsing. Of course, I checked! Pero dahil pogi, feeling ko may girlfriend na. Need ko lang i-stalk to confirm. Mamaya, i-stalk ko. Balitaan kita.
Kaya naman daw talaga niyang asikasuhin ang sarili niya noon. Pero nang dumami raw ang followers niya sa ig at tiktok, parang napilitan daw siyang ialay ang ilan sa free time niya sa paggawa ng content. @axellerate daw ang handle. Uy in fairness ha? Ang witty niya roon. For sure, about fitness ang mga laman no'n kahit hindi ko pa nache-check. Hunky eh. Halatang tambay din sa gym. Outline pa nga lang ng pecs niya, distracted na ako.
Dami niyang tanong sa akin. Kala mo immigration officer eh. Tinanong niya ako kung may kamag-anak daw ba ako sa Manila, sabi ko meron, pero nilinaw ko rin na hindi ko alam exactly kung saan sa Manila, basta Manila. Ano raw inabot ko? Sabi ko, college graduate ako. Oh, pak! Taray ko roon! Mag-a-apply as katulong pero graduate ng college! Nagulat siya. Wala siguro sa hitsura kong edukada ako. Nilinaw ko na ano ako, graphic artist. More on art commissions. Kaya okay lang kahit nasaan ako, basta dala ko pentab ko.
"Kaya mo bang pagsabayin iyang work mo sa work mo rito?" tanong niya sa akin.
"Opo naman. Kahit linisin ko pa buong bahay kada araw, keri lang po, sa akin. Parang libangan ko nga pong mag-ayos-ayos ng gamit sa tuwing na-i-stress na ako sa client sa sandamakmak na revisions."
Natawa siya nun. Mukha siyang suplado ha? Pero napatawa ko? Galing ko roon. Malamang naka-relate sa part tungkol sa client, ba naman, game dev eh. For sure, ang dami rin nilang problema tungkol sa revisions.
"Kahit hindi mo na linisin bawat sulok dito. Ayos lang. Ang mahalaga lang talaga sa akin, makakain ako on time, hindi tambak ang labahan at hugasin, at walang kalat sa sala kapag may bisita. Ah! Need mo rin palang mag-grocery isang beses isang linggo. Heto," nag-abot siya ng limang libong piso, "paubos na rin iyong stock sa ref, so either mamaya o bukas, mag-grocery ka na. Sabihin mo lang sa akin kung kulang pa iyan."
Gurl, napatitig talaga ako nang matagal sa perang hawak ko. Kaming dalawa lang ang laman ng bahay niya ha? Pero iyong budget for one-week na food supplies, singko mil? Milyonaryo ata itong boss ko eh?
Nanliit tuloy ako bigla sa sarili ko. Nagkaroon ako ng realization na wala talagang chance for us. Tipong kahit dalawa lang kami rito, na madalas kaming magkakakitaan sa apat na sulok ng kaniyang bahay, dahil katulong niya ako, for sure hindi niya ako pag-iinteresan. Kasi for him, low-level lang ako. Ano na nga ulit ang tawag doon? Aliping sagigilid. Ganern.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung anong bilis kong ma-fall, ganoon din kabilis ma-heartbroken. Tingnan mo, parang mga fifteen minutes pa lang kaming magkakilala ha, pero nasa moving-on stage na agad ako. Kaloka.
Pero huwag ka! Itong sissy mo, feeling ko, na-notice na rin ang haba ng hair, kasi, heto, paakyat na kami sa room na pag-i-stay-han ko. Hindi man niya ako tinulungan sa pagbitbit nung pagkabigat-bigat kong bag, bumawi naman siya sa tanong niya. Can you guess kung anong tinanong niya? Naku, hindi mo mahuhulaan! Sabi niya, "May boyfriend ka na ba?"
Aack! Sinasabi ko na, malakas talaga ang appeal ko eh. Sabi ko naman, "Wala po. Bakit po?" Siyempre, poker-face tayo, para kunwari innocente de ti.
"Wala lang," sagot niya. Tapos ilang sandali, may pahabol, "How about friends, here, in QC?"
"Wala rin po."
"Ahh. I was just worried that you might get bored here. Heads-up lang. Wala kang gaanong makakausap dito dahil ako, lagi lang akong nasa kwarto ko. Saka wala nang ibang tao rito. Pwede ka namang makipag-kaibigan sa mga kapitbahay. Pwede ka ring mag-Netflix kapag bored na bored ka na."
"Okay po."
"Huwag ka lang magpapapasok ng kung sino-sino."
"Okay po."
Actually, ang dami pa niyang habilin no'n, pero nag-malfunction na lang bigla ang utak ko sa naitanong niyang May boyfriend ka na? Kasi una, in-acknowledge niya na bakla ako. Aba'y sa mala-cotton candy kong outfit-an with matching rainbow bracelet, ewan na lang talaga kung hindi pa niya mahalata. Pangalawa, kung concerned lang pala siya sa akin na wala akong makakausap, kahit tanungin lang niya ako kung may friends ba ako—which is marami, oo—okay na. Eh may pagtanong pa talaga about relationship status ko ha? Sus! Mga galawan talaga ng mga lalaki e, no? Masiyadong obvious. Kala mo naman hindi ko sasagutin, chour!
Pero seryoso, I'm so excited for us. Hindi na about sa work, o kahit sa laki ng sasahurin ko rito bilang maid niya, kundi about sa kaniya na. Feeling ko kasi talaga this is God's work. Na-realize siguro ni Lord na, "Ay, bente-tres anyos na itong si Emer, pero wala pa ring jowa? This isn't right." Ganern. Kaya ako napadpad dito.
Humanda ka Axel. Magpapakipot muna ako sa umpisa, pero magiging tayo rin. Emsz!
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...