Chika #9

240 7 0
                                    

One time, tinanong niya ako, "Hindi mo ba nami-miss family mo?"

Natawa agad ako. Sabi ko, "Jusko naman Sir, para bang nangibang-bansa ako?" Tapos para hindi naman niya isiping ang bastos ko, sabi ko na lang, "Hindi ko naman po sila nami-miss."

"Ahh. Wala lang. Hindi ko pa kasi kita nakitang umuwi muna sa inyo eh."

Ganito kasi, day off ko every Sunday. Pero choice ko naman daw kung uuwi ako o hindi. Now since may ganoon palang option, mas gusto ko na lang mag-stay. Hello? Ang ganda-ganda kaya ng bahay niya. Ang lawak, ang linis, presko, wala pang gaanong distractions—except for him, whenever he's shirtless o naka-short shorts. Bakit pa ako uuwi sa amin? E kung alam ko namang uutos-utusan lang naman ako ni Mama roon.

Sunday afternoon iyon. Nasa kusina kaming pareho. Ako, busy sa pagbe-bake ng mac and cheese; siya, nakatambay lang sa mesa, naglalaro sa phone.

Ayos nga eh. Para kaming... mag-asawa. Ehe!

"Ikaw pala, Sir, bakit parang hindi rin kita gaanong nakikitang lumalabas?"

"Nagja-jogging ako tuwing umaga, 'di ba?"

"Iyon lang. Pero iyong gala with friends, parang hindi masiyado. Wala ba kayong friends?"

Oh, ha? Ang tapang ko roon! Pero charot lang, may lakas lang ako ng loob na sabihin iyon ngayon kasi medyo nagkaka-vibes na kami niyan ni Axel. Tingnan mo, ni hindi nga siya naasar sa nasabi ko eh.

"May friends ako. College friends, work friends. Mas nangingibabaw lang talaga iyong pagiging taong-bahay ko."

Bagay talaga kami.

"Well, paano kayo magkakajowa niyan, Sir, kung hindi niyo io-offer ang sarili niyo to the world?" Chos!

"Jowa? Tch," matawa-tawa niyang sabi. "Aksaya lang iyon ng panahon."

Oh!

Natahimik ako roon, beh!

Kasi hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sagot na iyon, kasi hindi pwede iyong ganoon! Paano kami magkakatuluyan niyan kung ganoon?!

"Bitter lang, Sir? May nanakit ba ng puso mo?"

Hindi siya sumagot, pero nakikita ko siyang napapangiti na natatawa.

"Bakit ba parang sa akin mo lagi dina-direct iyang mga tanong mo?"

"Jusko, Sir, kanino ko pa po ba pwedeng i-direct iyong tanong? Kay... Shopee delivery guy?" Na kaya ko biglang nabanggit kasi saktong may nag-doorbell. Naputol tuloy ang usapan.

Punyemas naman talaga kasi itong si manong rider, bad timing lagi! Nagkakatuwaan na kami ni Axel eh?

Ayun, umalis lang ako saglit para kunin iyong parcel ko, tapos pagbalik ko sa kusina, wala na siya. Nakatakas na. Kaloka! Parang may tinatagong sikreto eh. Pa-mysterious pa ang peg? Jusko!

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon