I know, I know.
That wasn't a rejection. Our feelings were mutual. It's just that we can't be officially together pa because of some circumstances.
But despite the assurance na mahal niya rin ako, hindi ko maiwasang madismaya sa naging resulta ng love confession ko.
Siguro kasi ay umasa ako no? Ba naman, sabihan ka ng I love you too? Malamang, sinong hindi mag-iisip na maging kayo na, 'di ba?
Saka iyong isa pang nakakasakit ay iyong way kasi ng pagtrato niya sa akin lately ay parang kami na eh. Tapos bigla niyang sasabihing hindi pa kami ready? Parang ewan lang.
Hindi man siya outright rejection, pero kung iisipin mong mabuti, parang ganoon na rin ang nangyari 'di ba? Kasi, magko-confess ba naman ako sa kanya kung wala akong intention na maging kami?
Nakakaasar naman iyong ganoong reply, iyong hintayin ko muna siya. Parang pa-play safe kasi ang dating. Parang, Oops, hindi kita ni-reject. Pero hindi pa rin tayo.
Parang, retain lang iyong landian at chukchukan, pero wala pa kaming label.
Pwede ba iyon?
Medyo scary din iyong ganoong setup, kasi kung bigla man siyang ma-bored sa akin, he could just hop on to another guy kasi nga wala naman talagang kami.
Alam ko, ang unfair ko rin sa ganitong pag-iisip, kasi I agreed with him eh. I agreed na hihintayin ko siya hanggang sa maging ready kaming dalawa into a committed relationship. I should respect that.
Pero syempre, hindi pa rin maaalis iyong complaining part. So nagsumbong ako sa best friend ko. Sa girl best friend pala. Kinwento ko kay Marjori. Una muna ay iyong pagrereklamo ko sa pagsunod ko sa kalokohan niyang mag-confess ako, tapos alam mo ang sabi niya?
"Hoy! Hindi kita pinagko-confess! Ang sabi ko, ipalinaw mo lang sa kanya kung anong motibo niya, kung bakit siya sweet sa iyo. Ganoon!" Which is, naalala ko rin na, ganoon nga pala ang pagkakasabi niya. But I hate her still. Kung hindi kasi siya nagsabi ng ganoon, hindi ako magko-confess, edi sana hindi kami awkward ngayon ni Axel sa bahay!
"Pero ayos ka rin ah?" sabi bigla ni Marjori. "You look okay naman. Saka, I'm hoping na hindi ka naman lumapit kay Bryan no? Kutusan kita riyan kung magkaganoon."
"Uy! Hindi ah? Grabe ka naman sa akin. Saka 'di ba, may babae na siya?"
Noong Otaku Expo kasi—sorry, hindi ko nasabi—bumisita si Bryan sa booth namin. May kasamang girl. Silang dalawa lang talaga ang magkasama. Tinukso siya ni Marjori about doon sa girl. Pero sabi ba naman ni Bryan, friends lang sila? Utot. E noong papaalis na sila at sinundan ko sila ng tingin, halata naman from the way na makaakbay si Bryan sa baywang ni gurl, na sila. May pahirit pa nga si Marjori na malamang dumaan lang iyon para pagselosin daw ako. Kaloka!
"Alam mo naman iyong lalaking iyon 'di ba? Mapa-may jowa man o wala, laging to the rescue sa iyo? Kaya nga kapag broken ka, huwag na huwag mo siyang tatawagan, kasi uulit at uulit lang talaga ang issue sa pagitan ninyo."
"Oo na, ito naman. Bakit, nilapitan ko ba siya now?"
"Aba, malay ko? Baka kasi nagkukunwari ka lang? Alam mo naman kayong dalawa ni Bryan, parehas kayong may topak."
"Ay, wow ha? Grabe, pumunta lang pala ako rito sa inyo para ma-hurt ang feelings?"
Na siyang binawian niya naman ng pagkapit sa braso ko at paglalambing.
"Sorry na. Ganiyan lang talaga ako mag-worry sa iyo. Bobita ka eh."
"Oo, alam ko," asar kong sabi. Pero kalaunan ay nangiti na rin. Bwisit kasi itong babaitang ito eh.
I felt much better after I had vented out to Marjori. Naisip ko, may silbi rin pala talaga iyong paghingi ko ng rescue sa kaniya paminsan-minsan.
"Uy, basta ha? Chill ka lang. Kapag sinabi niyang wait, wait."
"Oo na! Wala naman akong ibang lalaki. Siya lang."
"Ay sows! So wala na kayo ni Henry Cavill?"
Natigil ako saglit bago mapahampas sa balikat niya. "Enebe! Huwag mo ngang idamay ang asawa ko rito!"
"Tsk. Tsk. Sabi na eh."

BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...