Chika #35

149 4 0
                                    

Noong sunod kong day off, kay Marjori naman ako nakipagkita. Sa coffee shop pa rin naman. Sa iba nga lang, hindi kina Bryan, dahil ayoko muna siyang makita, at alam kong may chance ding mapag-usapan namin siya so he better not be around.

So ayun na nga, kinwento ko kay Marjori iyong na-discover kong gaylalu pala itong si Axel. Tapos alam mo kung anong naging reaction niya? Sabi niya, "Ah, oo. Alam ko na iyan."

I was like, Woah. Paanong mas alam mo pa iyong bagay na iyon e hindi naman kayo magkakilala?

"Noong nabanggit mo kasi siya noon, na-realize kong parang familiar iyong name niya sa akin. Hindi ko lang maalala exactly kung saan. Tapos alam mo naman na kinukwento ko lagi sa ate ko iyong mga drama mo sa buhay 'di ba?"—actually hindi ko alam iyong part na iyon—"Nabanggit ko iyong name na Axel. Sinabi ko rin na may hitsura, may sariling bahay at game dev at taga-QC. Aba, kaklase pala niya iyon noong college! Tapos ayun na, saka ko lang naalala kung sino siya, kasi hot topic siya, Em, noong mga ten years ago. The only reason na hindi siya agad nag-register sa akin noong pinakitaan mo ako ng picture ay dahil ito, ganito hitsura niya noong graduation nila..."

Pagkatingin ko sa pinakita niyang picture, aba teh, kinailangan ko siyang sungitan ng tingin kasi akala ko nagjo-joke lang siya!

"I swear. Siya iyan. Titigan mong mabuti."

Tapos ayun nga, ginawa ko ulit. Sa mata ako nag-focus and then sinubukan kong imagine-in na naka-serious face siya instead of pouty lips, tapos teh, alam mo iyong feeling of enlightenment kapag nire-reveal na iyong culprit sa mga murder mysteries? Ganoon iyong feeling. As in mapapasinghap ka talaga!

"Siya iyan?" sabi ko pa rin, kahit pa nakita ko na ang resemblance.

"Oo nga. Gulat ka no?"

Paanong hindi ako magugulat e baklang-bakla siya sa picture gurl! Baka nga kung magtabi kami nitong version niya sa litrato, isipin ng mga taong ka-sis ko siya! Not someone as a love interest?

"Paanong nangyari?" sabi ko. "Baka naman niloloko mo ako ha? Baka photoshopped lang? Or dare lang? Or baka may identical twin pala siya?"

"Bakit, may nabanggit ba siya sa iyong may kakambal siya?"

"Wala."

"Oh, iyon naman pala?"

"Pero bakit ganito?"

I mean, kung hindi lang sila naka-toga, mai-imagine mo si Axel sa picture na parang drag queen. Ganoon. I'm not saying it's a bad thing, ha? Sadyang nakaka-surpresa lang dahil ilang buwan mo siyang nakilalang manly, tapos madi-discover mong kasing-lambot ko pala siya noon?

"Ang sabi raw, pabago-bago siya ng kaniyang gender expression," tuloy ni Marjori. "Mula noong first year hanggang third year college, masculine gay daw talaga iyang si Axel. Tapos hindi nila alam kung anong nangyari, basta bigla na lang siyang naging Barbie noong malapit na silang mag-graduate. Sikat nga siya noon sa twitter eh. Hindi mo natatandaan? @pterodaxl ang twitter handle niya no'n. Medyo obnoxious na baklang content creator?"

Nakangiwi lang ako. Hindi kasi ako mahilig sa social media kahit noon pa.

"Ayan kasi, puro ka kasi Bryan," sabi na lang ni Marjori. "Anyway, ayun. Sometime before pandemic parang nag-delete siya ng social media, then recently lang pala na naging @axellerate na siya, na back to being masculine gay na ulit siya."

Ang galing no? May ganoon pala? Kayang magpapalit-palit from being feminine to masculine kung gugustuhin? Parang si ano lang, Mystique ng X-Men? Shapeshifter?

So ano siya? Gender-expression shifter? Choz!

"Ano, crush mo pa rin ba?" sabi ni Marjori, na siyang binawian ko agad ng paniniko.

"Grabe ka naman?" sabi ko. "Na-shock lang, pero maging ano man siya, tanggap ko siya." Eme!

Ako naman itong hinampas ng bruha.

"Hindi ko naman alam na hindi mo pa pala alam iyong tungkol doon. Akala ko naman nai-kwento na niya iyan sa iyo, kasi nga 'di ba, nasabi mong madalas na kayong nagkukwentuhan?"

"Madalas, oo. Pero hindi pa ganoon ka-deep iyong mga usapan namin."

"Ahh. Well, ano nang plano mo ngayong may panibago kang nalaman sa kaniya?"

"Maybe ano... try to get him to talk little by little about sa past niya? Especially about sa pagiging gay niya kasi it's a shock for me talaga. I swear."

"Oo nga eh. Sa hitsura niya ngayon parang hindi mo kakikitaan ng ano mang bahid."

Naisip kong ikwento kay Marjori iyong tungkol sa part na may nangyari na sa pagitan namin ni Axel. Gusto ko siyang ilabas sa sistema ko, pero naisip ko bigla... for what? To make it seem like there's progress happening between us? Masasabi ba talagang progress ang sex when it comes to relationship? O baka dead-end?

Sa tagal kong mag-open ng topic, si Marjori na lang tuloy iyong umagaw ng spotlight, at gaya na rin ng inaasahan, kay Bryan na naman napunta ang usapan.

"Kinukulit ka pa rin ba niya?"

"Nagkakamustahan lang kami, pero wala nang anything weird na namamagitan sa amin. Promise."

Wala na nga ba?

Well, ilang linggo na rin naman na ang nakalipas mula nang may nangyari sa amin, saka hindi na rin naman talaga siya nangungulit after no'n. What's bothering me lang talaga ay iyong confidence niya na ano man ang mangyari, sa kaniya pa rin daw ako babalik.

Kung makaasta, akala mo, ex ako eh? Echosera.

"Basta, Em, ha? If ever mang ma-heartbroken ka riyan kay Axel, huwag ka kay Bryan unang pupunta. Sa akin ka na lang dumiretso. Okay? Kahit midnight call man iyan, o kahit bumisita ka sa bahay nang biglaan, kahit ilang oras kang umiyak sa akin, okay lang sa akin."

Napahawak ako sa dibdib ko mula sa sobrang pagka-touch. "Aww. So sweet naman."

"Swear to me."

"Of course. I promise."

Hindi ako nakatiis. Niyakap ko siya after.

May pagka-maldita lang talaga iyang si Marjori from the way niyang magsalita, pero out of all the people I know, siya talaga itong nagke-care sa akin. That's why I love her.

"At dahil diyan, libre mo ako ng crinkles," sabi niya.

"Ay. Ang daya, may suhol?" natatawa kong sabi.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon