Chika #53

100 3 0
                                    

Nakarating kay Bryan iyong balitang umuwi na ako sa Tanza. Akala ko naikwento ni Marjori, kasi kay Marjori ko muna unang sinabi, hindi pala, kay Mama raw niya nalaman. Every Saturday kasi ay umuuwi si Bryan sa bayan at nabanggit siguro ni Mama, e alam mo naman si Mama 'di ba? May pagka-chismosa?

So he's back on being that clingy best friend, na tipong maya't mayang nagtatanong kung okay lang ba ako. Hindi ko sure kung gaano karami ang naikwento ni Mama, pero kung nabanggit man talaga ni Mama iyong about sa amin ni Axel o hindi, it doesn't matter. Obvious namang may something wrong.

Hindi talaga ako nilubayan ni Bryan. Oo! Akala ko isa o dalawang araw lang niya ako kukulitin, pero dumating na ang weekdays at nandito pa rin siya sa Tanza, sige pa rin sa pagdalaw sa akin. I pointed this out to him. I even told him I'm fine, na he can go back to his business, pero lagi lang niyang ipinagpipilitan na hindi raw niya ako magawang iwan nang mag-isa.

Sabi ko sa isip-isip ko, OA naman nito? Hindi naman ako suicidal uy! Malungkot ako, pero hindi naman ako aabot sa puntong sasaktan ko ang sarili ko para lang matigil ang sakit.

Until it got to the point na napabisita siya sa bahay nang solo ko lang at nagparinig siya kung gusto ko raw bang makalimot nang mabilis? Like, ganoon ulit, dating gawi. Kant**an galore ulit para mai-direct ko naman sa iba ang atensyon ko.

Aaminin kong kinonsidera ko rin iyong option na iyon noon. I mean, why not? It's my habit. Our habit. Kung may isa man sa aming broken, automatic na io-offer ng isa ang katawan niya para humilom agad ang puso.

Pero ewan ko ba, on that day, I wasn't as thrilled at the idea as I was before. Siguro kasi na-reach ko na talaga iyong ending point? Iyong realization na, Ano? Ganito na lang ba lagi? Gamitan na lang lagi?

And it wasn't just that. Na-imagine ko kasi ang mararamdaman ni Axel sa oras na magpadala ako sa tuksong ito. Hindi ko man siya aktwal na nakitang nagselos noon sa fact na may nangyayari sa amin ng best friend ko, hindi ko pa rin gusto iyong mukha niyang nakikita ko sa imahinasyon ko.

Ewan ko. I have this sick feeling, this constant worry... that I might have hurt Axel, and that I don't want to hurt him further. Kaya sabi ko kay Bryan, "No. I'm sorry. We shouldn't."

Ang tanga ko no? Ako na nga itong nasaktan mula sa pagtataksil na ginawa ni Axel, pero ako pa rin itong nagwo-worry para sa kanya?

Jusko. May tama na nga talaga ata ako.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon