Di ba, ito na nga iyong unang pagkakataon (since we both graduated college) na nakasama ko si Bryan in like more than a half-day? Hindi ko alam kung bakit parang hirap kaming mag-usap nang matino.
Hapon na iyon. Nasa sala na kami. Nakaupo sa may sofa kaharap ang nakabukas na TV.
We looked normal—at first sight. Pero kung ia-analyze mong maigi, makikita mong ang layo ng distansya naming dalawa. Kung makaasta nga e akala mo Axel version 2.0 lang.
But it's not just that. I know, in between this eerie silence, we're both trying hard to think of something we could talk about. Maybe what's making it so hard was the urge not to ask something Axel-related, kasi puro Axel na lang din ang bukang bibig namin, eh. Like, girl, wala na bang iba? What happened to the times that we could talk literally about anything? Noon kasi talaga, mag-isip ka lang ng kahit anong word—let's say, tae—magiging one-hour discussion na na tungkol lang sa bagay na iyon! Make-kwento niya na iyong mga times na ang sarap daw sa feeling na magpakawala ng malaking tae, mga iba't ibang kulay ng tae niya, even iyong embarassing moment na nagdala siya ng stool sample na ga-bote na iyong naibigay niya sa dami! What happened to that version of him?
Or maybe it wasn't just him who changed? Maybe ako rin? Ako rin kasi ang madalas magtanong sa kaniya, pero anong nangyari? Nakatutok lang ako ngayon sa TV habang kausap kita sa isip ko gurl. Oo, alam kong mas maiging mag-open up ako ng convo with Bryan now kaysa makipag-tsismisan sa iyo, pero anong magagawa ko? E medyo malamig na rin kami—kahit pa ba literal na kagagaling lang namin sa nag-aalab na sandali kani-kanina. Chour! Nag-aalab talaga?
Or maybe we were both affected by what happened earlier? Iyong blush moment while we're doing it?
Maybe Bryan was literally undergoing an identity crisis right now kaya ayaw niya akong kausapin?
Charot. Heto na naman ako sa pagiging delulu ko eh.
I know my younger self would already hold on to that tiny detail. Iisipin na agad no'n na, shet, baka may pag-asa pala talaga kami all this time? Baka ito na finally iyong moment na mare-realize niyang bakla rin pala siya at kami talaga ang para sa isa't isa?
Pero ngayon? Nah. Siguro gawa na rin ng ilang beses kong sakit na dinanas sa kaniya, kaya ganito, na parang ayoko nang umasa pa. Na kahit sabihin mo pang bestfriends kayo ng author ng buhay ko? Jusko. Believe me, gurl. Wala na akong energy for it.
Kasi, gurl naman, masakit talaga! Gaganto-ganto lang ako, na parang loka-loka, na parang heeey, it's nothing, I'm fine! Pero deep inside, rejection hurts! It hurts. Ilang beses ko nang kinwestyon ang sarili ko kung ano bang mali sa akin. Kung pisikal na katangian ba, ugali ba, datung ba? Ang dami kong questions!
Kaya heto, kahit na nakakita ako ng katiting na sign, iniisip ko na lang agad na, 'Ah, baka ano lang, mahiyaing tao lang talaga siya, ganern.'
Ang worry ko na lang talaga ngayon ay kung nagsisimula nang magka-feelings sa akin itong si Bryan, like for realz, baka wala na, it's too late na.
Not because of Axel, ha? Asa naman tayo roon.
But because, ano, nasanay na akong hindi siya mafo-fall sa akin.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...