Wala mang gaanong mga bisita si Axel, pero madalas ang mga nagdo-doorbell sa bahay niya. Usually taga-deliver ng tubig, mga regalong natatanggap niya from fans, o kahit mga fitness products na gustong ipa-try sa kaniya tapos gagawan niya ng review. Iyong iba rin, galing sa akin, mula sa mga nambubudol sa akin sa online shops. Pero this one ang pinaka-unexpected. Remember my best friend, Bryan? Siya iyong nag-doorbell!
Well, syempre, confused ang lola mo.
"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko.
Tapos sabi niya, "Wala, gusto lang kitang makita."
Hoy! Parang tunguh!
Tapos inusisa niya iyong lugar. Nakasakay pa siya sa motor niya no'n. Suot-suot pa niya iyong uniform niya sa small business niya.
"Ayos pala rito ah? Presko, tahimik, malawak. Kaya pala hindi ka na bigla nagparamdam."
"July 17 pa lang ngayon oy," sabi ko. "Parang two weeks ago pa lang mula nung huli tayong magkita ah? Grabe naman iyang pagka-miss mo?"
"Eh kung hindi pa ako dumalaw sa inyo, hindi ko pa malalaman na umalis ka na?"
"Sorry na. Akala ko kasi busy ka sa business mo, so hindi na ako nag-abalang magsabi."
"Busy naman talaga ako. Pero lagi naman akong may time sa iyo."
Napahinga na lang ako nang malalim. Inisip ko na lang na, 'Ganyan lang talaga siya. Hindi siya romantically in love sa iyo. Best friends lang kayo.'
So sabi ko na lang, "Ano nga? Bakit ka napadalaw?"
"Nasabi ko na 'di ba? Gusto lang kitang makita."
"Okay...?"
"Hindi mo talaga ako patutuluyin?"
"Bry, ano ka ba? Hindi ko ito bahay!" Natatawa na lang talaga ako sa kalokohan niya. "Saglit lang, tanungin ko si boss kung pwede ba akong umalis muna for 30 minutes. Kape tayo somewhere."
"Kape lang? Walang quickie?" tanong niya nang may halong puppy eyes. "May nadaanan akong motel diyan sa malapit."
Susko naman itong lalaking ito, oo. Parang buwan-buwan na lang ganiyan.
"Oo na, sige na. Pero itatanong ko pa ha? Huwag kang umasa."
Pero ayun. Pinayagan naman ako. At ayun, nag-quickie nga kami.
Naisip ko, okay na rin iyon. At least, pansamantala kong nakalimutan iyong kay Axel.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
Lãng mạnDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...