Chika #31

156 3 0
                                    

Gagi!

I seriously thought na-reply-an ko si Bryan kahapon. Napansin ko na kasi iyong bati niya sa notif. Tapos tinanong niya ako, mga tanghali, kung tuloy ba kami. Alam kong hindi ko pa siya ma-reply-an noon kasi hindi ko rin sure kung anong oras matatapos date namin ni Axel.

E noong napansin kong gagabihin na kami ng uwi, naisip kong reply-an siya na sa ibang araw na lang kasi wala akong time. And I seriously believe na nagawa ko talaga. Aba, girl, pagka-check ko ng phone ko, wala pala akong reply! As in sa imagination ko lang pala nangyari iyong pag-chat ko sa kaniya!

So panic mode tuloy ako ngayon! Nag-isip ako ng magandang alibi. Sinabi ko na lang na, 'Hala! Hindi pala nag-send iyong chat ko sa iyo kahapon. I'm so sorry, Bry. And thanks sa pagbati. Next Sunday na lang tayo magkita.'

After an hour, nakita kong na-seen niya na... kaso wala siyang reply!

Noong una, naisip kong baka busy lang? Alam mo na, lunes na lunes, so malamang punuan ang coffee shop niya now.

Noong tanghali, doon ko in-expect na magre-reply na siya since lunch break eh, pero gurl, wala pa rin!

I waited until night, wala. Hanggang sa nakatulog na nga ako sa kakaabang, wala talaga.

Oh my God. He's mad!

I might be OA, I know. But gurl kasi, bihira niya lang akong i-seen. Sini-seen niya lang ako kapag talagang nagkatampuhan kami. So isa lang talaga ang ibig sabihin nito. Opo.

So sinubukan ko na siyang tawagan sa phone. Nakaabot din ako sa limang attempt, hindi niya talaga pini-pickup. Nag-try din akong mag-text. Gosh. Ayaw din niyang mag-reply!

Hindi ako mapakali. Hindi rin ako maka-concentrate sa mga ginagawa ko kasi iniisip ko siya. Kasi what if hindi pala siya nagtatampo no? What if naaksidente na pala siya? Or worse, what if nawawala siya at ako lang talaga itong nag-aalala sa kaniya?

No choice ako kundi kontakin iyong isa niyang friend na alam kong kasama niya lagi, si Pat (short for Patrick), highschool classmate naming pareho iyon ni Bryan, at barista mismo sa coffee shop nila.

"Si Boss? Oo andito. Bakit?" sagot ni Pat nung tinanong ko kung nasaan si Bryan.

Iyong kaba sa dibdib ko talaga, teh, dahan-dahang humupa.

"Wala lang. Okay lang naman siya?"

"Bakit sa akin mo tinatanong? Nag-away na naman ba kayo?"

Ito ang ayaw ko rito sa lalaking ito eh. Ang daming satsat. Hindi na lang sagutin nang direkta iyong tanong ko.

"'Di bale na nga," sabi ko sabay putol na ng tawag.

Well, at least, that crosses out my worry about Bryan being kidnapped.

Malamang dahil nga ito roon sa hindi ko pag-reply sa chat niya, saka sa hindi ko pagtupad ng promise kong magkita kami sa birthday ko, kaya siya nagkakaganito.

And of course, I know he's already thinking na may nangyari sa amin ni Axel—which is meron naman talaga—pero kasi, ang OA na rin niya sa kaka-ganiyan. Lakas magselos pero wala naman akong balak seryosohin! Parang tanga lang eh.

I like that he's overprotective of me but may times talaga na naiisip ko na lang na sobra na.

I decided na lang na hayaan muna siyang magtampo. Tutal nag-sorry naman na ako sa chat, nakailang tawag na rin ako sa kaniya. Okay na muna siguro iyon.

Puntahan ko na lang siya sa kanila sa next dayoff ko.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon