Beh, you won't believe this. Taray! English!
But you won't talaga.
Kasi ito. Remember, parang lumalayo o nagtatago ako kay Axel lately 'di ba?
Hoy! Napapansin niya pala iyon!
Kinonfront niya ako one time. Like bago pa ako makapag-attempt na umiba ng daan—kalalabas lang niya ng kwarto habang ako ay papunta sana sa hagdan—hinila na naman niya ang braso ko. Gosh! Trip niya talaga ang braso ko eh. Jusko.
Sabi niya, "Emerson."
Ugh. I hate hearing my full name. Nare-remind ako na lalaki ako.
"May problema ba?" dagdag pa niya.
Ako naman, si tanga, hindi makatingin nang diretso sa kaniya. Ni katawan nga niya hindi ko magawang tingnan kasi kinakabahan na naman ako na baka naka-brief na naman siya at baka maakit na naman ako.
Malamang tuloy niyan, iisipin niyang meron kaming problema kahit pa ang inosente ng pagkakasagot ko na, "Wala naman po."
"Pansin ko lang kasi na parang iniiwasan mo ako. May nagawa ba ako?"
"Wala po."
"Be honest. I know there's something wrong. Tell me."
Hoy, in fairness ha? Ang pogi niya nung time na iyan. Lakas maka-leading man ang dating. Kala mo nasa teleserye kami eh?
"This is about that night, right? Iyong nabasag mo iyong coffee jar?"
Yumuko na lang ako nun. Not to confirm but to hide my embarrassment.
"Hindi ko maalala kung nataasan ba kita ng boses. But if I had, I'm sorry."
"No, Sir. It wasn't that."
Oh! Pak! Feeling ko talaga wattpad character ako nung time na iyon eh. Mga linyahan pa lang. Kaloka!
So I told him what was really bothering me so much. How I deeply regret making him feel uncomfortable noong hindi ko sinasadyang mapatagal ang titig ko sa ano niya. Boom! Nasabi ko rin sa wakas!
"Ah, iyon ba?"
Tapos alam mo, natawa na lang siya pagkatapos. Parang baliw nga eh. Kabadong-kabado ako sa ginawa kong confession sa kaniya ha? Tapos tatawanan lang ako? Parang timang.
"Sa totoo lang ako iyong nahiya noon. Bigla na lang kasi akong bumaba nang hindi man lang nag-shorts. Napansin ko na lang na naka-underwear lang ako nung napatingin ka sa akin kaya ako napatakip. But not because your looking made me uncomfortable. Nahiya lang ako sa sarili ko noon."
Tapos alam mo ang sabi ko next?
"Nahiya ka pa Sir sa lagay na iyan? E masiyado ka ngang pinagpala?"
Shocks!
Oo gurl!
Nakakahiya! Pasmado talaga bibig ko minsan basta usapin tungkol sa katawan.
Alam mo, buti na lang hindi siya na-offend nun. Natawa lang siya na nangiti.
Naku, kung hindi ganoon ang naging reaksiyon niya, I swear, magre-resign na agad ako kinabukasan, kasi hinding-hindi ko na siya kaya pang titigan sa mukha after.
Tapos, ito pa. May paliwanag pa talaga siyang ginawa!
Sabi niya, "Kaya lang naman iyon ganoon kasi nasa gitna ako noon ng pag--" Hindi man niya tinuloy, pero dinemo naman niya with his hands! AAAAHHHH!
I mean, iyong action lang ha? Hindi niya nilabas! Ano ba!? Tapos ayun tinapat niya iyong kamay niya sa ano niya, saka kunwari naglaro-laro. Ugh! Such a tease!
So ako naman iyong natawa next. Ang hinhin nga ng tawa ko noon eh. My gosh.
"Ano, okay na? Wala na tayong problema? Hindi mo na ako iiwasan?"
"Opo, Sir."
"Good."
Tapos ngumiti na lang siya at bumaba na ng hagdanan.
Beh, feeling ko talaga we're getting along na.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomansaDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...