Chika #26

202 6 0
                                    

So, August 27 na gurl. Alam mo kung anong meron? Birthday syempre ng lola mo!

Plano ko na sanang umuwi sa lugar namin sa Tanza, pero ba naman, alas-sais pa lang ng umaga, binati ako ni Axel at sabi, "Labas tayo ngayon?"

So syempre, dai, aayaw pa ba ang ate mo? Labas daw kami! As in kaming dalawa lang! Alam mo na siyempre ang sinagot ko!

Naku. Lahat talaga ng mga plano ko for that day, kinalimutan ko, maka-date lang siya.

Napaisip din ako actually kung paano niya nalamang birthday ko. Ini-stalk ba niya ako? Ehe! Well, kung oo man, parang hindi naman niya basta-basta malalaman. Hindi naman kasi naka-public ang birthday ko. Kahit nga sa mga friends ko, naka-private iyon eh, para alam ko talaga kung sino ang mga nakakaalala. Sure naman akong hindi ko nababanggit sa kaniya. Ang weird naman kasi kung sabihin kong, "Uy, Axel, birthday ko sa August 27." Oh, tapos? Anong gusto mong mangyari?

Saka ko na-realize na nagpasa nga pala ako ng biodata sa kaniya, so malamang, doon niya nakita iyong birthday ko. Pero in fairness ha? Either naalala niya or sinave talaga niya sa calendar! So winner pa rin tayo roon!

I wasn't sure kung saan kami pupunta. Ang sabi lang niya kasi labas kami. Walang specifics. Malay mo kasi magsisimba lang pala kami no? Tapos luluhod siya... tapos maglalabas ng singsing. CHARENG!

Mga alas-diyes na rin ng umaga kami umalis ng bahay. First time ito ever na magla-lock kami ng pintuan, pati ng gate, kasi never pa talaga kaming umalis nang sabay. As in laging may naiiwan sa bahay, either ako o siya. So nakakapanibago lang for me.

"Anong mga trip mong pagkain?" tanong niya habang nagmamaneho. "Maaalat ba? Matamis? Japanese? Korean?"

Balak ko na sanang sabihing, 'Kahit ano' pero teh, na-realize kong pangit na sagot iyon. I want to be different. I want to be better.

"Thai food," sagot ko, which is true. Nakailang beses na rin kasi akong order ng ganoon sa foodpanda. "Favorite ko iyong Pad Thai saka Tom Yum."

So sa Thai restaurant niya talaga ako dinala.

Medyo malapit lang din. Parang mga fifteen minutes lang ang tinagal ng biyahe namin at nakahanap na agad siya ng mapagkakainan.

Aware na akong ang daming followers ni Axel sa ig at tiktok pero dito ko lang na-realize na sikat nga talaga siya! As in on the way namin papunta sa restaurant, naka-dalawang beses nang may nagpa-picture sa kaniya. Siyempre umaalis agad ako sa tuwing nangyayari iyon. Mamaya isiping jowaerz ako. Issue pa. Or worse, isiping alila? Mananampal talaga ako teh kapag may nag-akalang alila ako.

Nung nakaupo na kami, na-mention ko iyong about doon.

Sagot ba naman niya, "Doesn't feel like I earned it. Dumami lang naman iyon bigla nang minsan akong mag-post ng shirtless."

"Uy, not everyone can make that happen ha? Kapag ako ba, nag-post ng shirtless, tingin mo dadagsain ako ng mga followers? No way. Baka nga awayin agad ako ni Mama eh."

Nangiti siya no'n. "But still, I want to be known from something I want to be proud of. Tulad nga nung sinabi kong game na gusto kong i-develop."

"Kumusta na pala iyon?"

Actually hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung ano ba iyon exactly. Parang ayaw din niyang i-specify pa. Ayaw ko rin naman siyang kulitin. Mamaya, kapag nainis iyan, ako bigla ang pagbayarin sa lahat ng mga in-order namin.

"Drafts pa rin."

"Ohh. Well, sabi nga nila, progress is progress, no matter how small."

Maybe I should ask him about it some time. Ngayon kasi, iba ang mas gusto kong malaman sa kaniya.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon