Gosh, beh! Nanggigigil talaga ako. Feeling ko pinagtitripan ako ng guardian angel ko eh.
Well, maraming nangyari. May part naman na nabaliw-baliw ako sa kilig, as always. Pero teh, mas nangibabaw ang worry eh.
Ganito kasi...
Ala-una na ng madaling araw. Tulog na si Axel nun kasi nadaanan ko kaninang mga alas-dose y media na patay na ang ilaw ng kwarto niya. Well, ako, gising pa. Katatapos ko lang mag-asikaso nung mga lintik na revisions na iyan, kaya ayun, puyat na naman ang prinsesa.
Ito pa ang malala. Nagke-crave ako ng kape! Jusme. Nasa kalaliman na ng gabi niyan ha? Pero kape pa rin talaga ang nais ng dugo at panlasa ko. Tinry kong isnabin pero ayaw talaga niya akong tantanan! Argh. Parang sabi ng mga braincells ko, hindi kita patutulugin hangga't hindi mo sinasatisfy ang cravings namin!
So ayun na nga. Naging alipin ang loka sa sarili niyang katawan! Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. May one goal in mind lang ako sa mission na ito: ang makapagtimpla ng kape at makabalik ng kwarto ko nang walang nagagambala.
Putcha, beh! May ipis!
Pero wait lang. Matino pa naman siya nung umpisa. Palakad-lakad lang sa pader, feeling security guard, ganern.
Tapos ako naman, pa-tiptoe-tiptoe papunta sa electric kettle. Tapos nung papakuha na ako nung bote nung decaf, juskolord, iyong ipis, parang in-assassinate ako! Talagang timing pang lumipad papunta sa akin. So siyempre napatili ako. At hindi lang iyon! Dumulas pa ang babasaging bote sa kamay ko. Ang granules nung decaf, nag-spread out!
Kung minamalas ka nga naman.
Hiniling ko na lang sa guardian angel ko sa sandaling iyon na sana hindi iyon narinig ni boss, pero itong guardian angel ko rin, nakuuu, ginigigil ako, feeling ko sinasabotahe ako. Parang siya pa nga ata itong unang nagsumbong! Bwiset.
Dinig kong may nagkandali-daling bumaba ng hagdan. At sino pa nga ba iyon, eh dadalawa lang kami sa bahay?
Anino pa lang niya ang nakikita ko, kuntodo sorry na agad ako.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Dumulas po sa kamay ko iyong bote ng kape. May lumipad po kasing ipis."
"Ipis? Asan?"
"Ayun po," turo ko naman, na bigla rin agad na napatili kasi papalipad naman na agad kay Axel.
Dinampot agad ni Axel ang suot niyang tsinelas at one hit lang, aba, iyong ipis na feeling butterfly ay patay na!
Wow ha? Astig.
Pero hindi lang sa bagay na iyon ako na-amaze. Feeling ko hindi nga lang sa ipis na papunta kay Axel ako napatili eh. May isang bagay kasing late na nag-register sa utak ko (gawana rin siguro ng takot ko sa kapalpakan ko) naka-ano siya... naka-brief lang siya na itim.
Oo beh, kailangan kong maging specific kahit sa kulay ng underwear niya, kasi nakaka-hot talaga ng dating ang itim na brief! Idagdag mo pa iyong fact na ang gwapo niya na nga, ang macho niya pa, ang cool pa niya nung hinampas niya iyong bwisit na ipis na iyon!
At ito pa ang nakakabaliw, beh. It's alive! Bumubukol!
Patawarin na po agad ako sa mga lumalabas sa aking bibig, pero kasi, kailangan ko itong ilabas sa aking sistema! Wala kasi akong mapag-share-an ng kilig sa bahay na iyon!
Sigurado akong hindi iyon ganoon normally. Kasi, remember, nakailang pics na siya sa instagram na pinaglawayan ko? So I know how it looked like nang tulog. Pero at that moment, I swear, agaw-atensiyon. Like mag-side view lang siya, iyon ang nangunguna.
Baka morning wood? Pero kung ganoon, ang aga naman ng morning wood niya ha? Hatinggabi talaga?
Ah, baka nasa kalagitnaan ng... ano. Omg.
As much as I wanted to brag na nabusog ang mata ko nung time na iyon, nahiya rin ako sa naging reaksiyon ko.
Napansin kasi niya na nakatitig ako sa ano niya. Tapos iyong kamay niya, dahan-dahang napatakip doon.
God, I hate myself.
I swear, ang bigat ng dibdib ko right after that moment. Nung tinakpan niya ang junk niya.
I had made him uncomfortable, and I might have unintentionally painted myself as trash.
If only I had looked away a bit sooner, or if I even managed to resist the temptation to stare, maybe okay pa kami. Pero wala eh. No matter how many times I replay it in my mind, I know deep inside myself that my eyes would be glued to it. I mean, who wouldn't? Kahit nga siguro straight na lalaki mapapatingin din.
Bakit kaya ganoon no? Kapag bakla ang nalagay sa ganoong sitwasyon, makaasta ang mga lalaki na parang minanyak na sila nang sobra.
Anyway, maybe it was just me overthinking things?
Pagkatapos kasing mapatay iyong ipis, nagtulong-tulong naman kaming pareho sa paglinis nung kalat. Nag-sorry ulit ako noong paakyat na kaming pareho ng hagdan. At tinanggap naman niya ang sorry ko. Sabi pa nga niya, "Basta kapag may nakita kang ipis na palipad-lipad, tawagin mo na lang agad ako." Iyon lang tapos sinara na niya pintuan niya.
Baka okay lang naman kami at OA lang talaga akong mag-react?
Ewan. Hindi ko alam.
Basta ang sure lang ako, something changed since that night.
I just don't know what exactly.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
Любовные романыDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...