Chika #25

182 5 0
                                    

Feeling ko, iyong part about kay Bryan ang naging susi kung bakit ang dalas na naming magkwentuhan ni Axel. Wala man siyang ino-open up pa na personal, pero I have this feeling na naka-relate siya sa akin in some way kaya siguro ang dami niyang tanong sa akin lately.

Ilan sa mga tanong niya ay kung nagkagusto rin daw ba ako sa ibang lalaki, which is of course naman! Sa landi kong ito, paanong hindi? Kapal-mukha ko pa ngang ni-name drop iyong mga high school and college crushes ko sa kaniya kahit pa ba alam ko namang hindi niya kilala.

Tinanong din niya kung straight daw ba talaga si Bryan, baka raw kasi bi or pan tapos hindi pa lang nare-realize. Sabi ko straight talaga iyon. Mga porn nga no'n sa search history, more on straight porn. Bukambibig din sa akin mga body parts ng babae. Memorize niya ang mga cup size ng bra! So doon pa lang, alam mo nang lalaki iyon. Pero kahit na mukha siyang breast-type, more of booty-type siya. Inamin na rin kasi niya iyon sa akin one time. Halata ko rin dahil hilig niyang himas-himasin pwet ko tuwing nagmo-motel kami.

Hindi ko sinabi kay Axel iyong last part ha? Pero ito ang tanong niya next, "Nag-sex na kayo?"

Kung may iniinom lang ako that time, for sure naibuga ko na, kasi ganun na ganun ang naging reaction ko. So kahit na mag-deny ako, wala na. Kita na rin mismo sa mukha niya na alam niya na ang katotohanan.

"Ayos ah, kahit straight, nakikipag-sex sa kapwa niya lalaki?"

"Pure sex lang naman kasi iyon," sabi ko. "Wala namang feelings involved doon."

"Ohh, okay." Then sabi niya, "Wala, na-amaze lang ako kasi posible pala iyon."

Nasa may laundry room kami that morning. Tinutulungan niya ako sa pag-abot nung mga labahan, habang ako naman iyong taga-maniobra nung washing machine. Ilang sandali rin kaming natahimik. Pero alam kong iyong usapan namin ay hindi pa tapos.

"Actually, posible nga ring ma-fall ang isang straight to anyone in the gender-spectrum," sabi ko. "Straightness is just how you view yourself but it's not a rule. You can fall in love naman with anyone regardless of gender. Hindi mo man ma-imagine iyon na magkatotoo para sa sarili mo. But it is possible."

"So that means may pag-asa rin pala kayo?"

"After being rejected six times? Highly unlikely. Kapag nagpumilit pa talaga ako after that many times, aba'y ang tanga ko na no'n."

"Ano palang reason niya bakit ka niya nire-reject?"

"Gusto raw niyang magpamilya. Gusto niyang magka-sariling anak. And, I don't know, I think, iyong future na nae-envision niya sa sarili niya, wala ata ako roon. Alam mo iyon? I mean, hindi naman siguro totally wala, as in wala talaga, ha? Pero baka on the side lang ako. Like, sa labas ng bahay. But not with him on the inside."

"Pwede naman iyon."

"Ang alin? Me, on the inside of his house and his family? Pwede kung iha-hire niya ako as katulong or... kung kabit niya ako. Chour!"

Natawa siya roon.

Nanggigil nga eh, napahampas pa sa braso ko with the back of his hand.

"Pero pwede nga," sabi niya. "Hindi lang siguro with him. But you and someone else in a house together? Posible iyong future na iyon."

I don't know ha? Pero after niyang sabihin iyon, feeling ko may hangin na dumaan sa paligid at may mga nagfa-flutter na keneme around us.

Kaso bawal tayong kiligin agad huy! Dito iyon nagsisimula eh. Iyong delulu moments ko. Natuto na ako kay Bryan. So far may napulot naman akong lessons sa mga heartbreaks ko with him.

So sabi ko na lang, with a smile na hindiobvious ang kilig, "Of course."

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon