Naloka ako sa mga kaganapan nang mag-Friday na!
Ganito kasi. Aware na ako na aalis si Axel. Nagpaalam na rin kasi siya na may team building sila somewhere in Laguna. Two days, one night. So solo ko ang bahay mula Friday hanggang Saturday ng hapon siguro.
Iyon ang akala ko... na solo ko.
Aba'y pagkababa ko ng sala, gulat ako sa nakita ko. Andito si Bryan!
Napakurap pa nga ako ng ilang beses, baka kasi namamalikmata lang eh, pero beh, real na real!
Ready na sana akong palayasin siya nun ha? Kasi akala ko manggugulo na naman siya, pero noong napansin ni Axel si Bryan sa may pintuan, lumapit si Axel, tapos sabi ba naman, "Buti naman, andyan ka na."
Like, woah.
Beh, anong nangyayari?
Alam mo iyong parang na-set aside na lang akong bigla? As in, nasa may tabi lang ako ng pinto, pinapanood sila habang nag-uusap. Tinatanong ni Axel kung kumusta raw biyahe ni Bryan, tapos ito namang si Bryan, na parang tangang binabalewala lang iyong tingin ko, pa-casual na sumasagot pabalik kay Axel na akala mo hindi niya minsang binad-mouth. Oo, kaloka! Akala mo mabuting magkaibigan sila eh.
Tapos noong nakahanap ako ng tyempo, sumingit na talaga ako. I was like, 'Excuse me, mga beh. This is giving... disrespectful. Paki-explain sa akin ang mga nangyayari.'
Tapos ayun na nga, in-explain na sa akin ni Axel na may kinalaman daw ito sa pag-alis niya.
"Medyo matagal din akong mawawala. Ayoko namang solo ka lang dito ng ilang araw, kaya naman pinakiusapan ko itong kaibigan mo kung pwede kang samahan. Ayun. Buti na lang pumayag."
May pag-akbay pang ginawa si Axel sa may tagiliran ni Bryan. Hindi ko alam kung magseselos ba ako. At ito pa ang malala, hindi ko alam kung kanino ako magseselos, kay Bryan ba o kay Axel! Jusko!
"May bayad kasi kaya tinanggap ko agad," sabi naman ni Bryan sa akin, parang way of explaining naman niya kung bakit siya nandito.
"Maliit lang naman," natatawang sabi ni Axel.
"Oo. Maliit. 10K."
Nanginig ang buong sistema ko. 10K? Para lang may kasama ako? Susme. Eh kahit nga walang bayad, alam kong papatusin naman iyon ni Bryan, dahil nako, iyan pa? For a chance na masolo ako? Gagawin niyan lahat!
So ayun na nga, it's official, solo namin ni Bryan ang malaking bahay for one and a half day. Kaloka ha? Wala siyang ibang kailangang gawin kundi samahan lang ako rito sa loob, pero may sampung libong piso agad siya!
And of course, with Bryan around, alone with me, nararamdaman ko na iyong pupwedeng mangyari. Hindi man siya magsalita. Kahit huminga nga lang siya malapit sa akin, nafi-feel ko talaga iyong kagustuhan niyang may mangyari. Hindi lang niya sinisimulan agad dahil siguro gusto pa niyang mag-usap muna kaming dalawa.
Naging interrogation pa nga eh. Inaalam niya mostly kung paano ba iyong normal day ko working with Axel. E alam mo naman 'di ba kung paano interaction namin ni Axel? So kinwento ko, mostly generalizing lang. Ayoko nang ikwento iyong mga landian namin ni Axel dahil alam kong sa oras na marinig ni Bryan iyon, magiging wild na naman iyan mamaya kapag magse-sex na kami.
At para hindi naman puro tungkol sa akin iyong tanong, siya naman din ang tinanong ko. Nasa third floor kami noong sandaling iyon. Ginamit namin iyong nananahimik na billiards ni Axel.
"Sinong unang nag-chat sa inyo?" tanong ko habang nag-e-aim sa number two na bola.
"Malamang, siya," sagot ni Bryan.

BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...