Chika #37

135 2 1
                                    

Okay. So ito na. I think this time, ready na ako.

So alam na nating out siya no? Ano kayang magandang i-next? Pwede ko naman na sigurong tanungin kung kailan niya na-realize na bakla siya no?

Kasi, 'di ba? Ang sabi lang niya last time, out na siya noong elementary days pa niya? So ibig sabihin, maaga-aga pa lang ay alam na niyang bakla siya! Gaano kaaga kaya? Since birth ba? Eme!

Or better siguro kung itanong ko na lang kung ano iyong tingin niyang nag-cause ng kaniyang gay awakening 'no? Sa akin kasi talaga, I swear, si Toya Kinomoto—iyong gwapong kuya ni Card Captor Sakura? Iyon. I mean ever since na may nakita akong kalandiang namamagitan sa kanila ni Yukito? Boom. Alam kong bading na agad ako.

Sabi ko pa sa isip ko noon, "Ano ito? Bakit may ganito? I love it."

So in-open up ko iyon one day kay Axel. Wala na akong pake kung mapansin man niyang puro about sa kabaklaan niya iyong mga tanong ko. E sadyang nakaka-curious eh.

Tapos ayun, tinanong ko siya kung ano ba iyong gay awakening niya. Sabi niya, si Mitsui raw ng Slam Dunk.

Oh no! Karibal ko pala siya kay Mitsui?! Bakit?

"Bakit si Mitsui? Huwag na iyon. Iba na lang. Ayaw mo kay Boy Labo? Feeling ko iyon ang mas type mo eh. O kaya si... 'Iche-check ko iyan!'"

"Sinagot ko lang naman iyong tanong mo," nangingiti niyang sagot. "Bakit, crush mo rin si Mitsui? Hindi ko naman aagawin sa iyo iyon. Crush ko lang naman. Saka matagal na rin iyon, ano ka ba?"

"Ito naman, nagjo-joke lang eh? Sineryoso mo naman."

Uy, pero kaloka ha? Same pala kami ng type! Akala ko talaga sa mga tipo niyang manly, ang pipiliin niya ay iyong mga nerdy introvert type. Hindi pala?!

"So, tama ba? Mga type mo ay bad boy, ganern?"

"Hindi ko rin alam eh. Minsan oo, minsan iba."

"That's kinda interesting. Hmm... ano ba usually ang mga hanap mo sa isang guy? Ayun na lang."

"Teka nga, pansin ko mula noong inamin ko sa iyong bakla ako, bigla kang na-curious sa akin ha?"

"Hoy! Huwag kang assuming! Akala nito. Curious lang ako, no? Kung ayaw mo palang sagutin iyong tanong ko, edi huwag."

"Biro lang. Ito naman. Ano... siguro iyong confidence?"

"Confidence?"

"The way i-handle ng isang tao ang sarili niya. The way na totoo siya sa sarili niya, hindi siya trying hard to be someone else, hindi siya trying hard to impress. That person is the most attractive to me. Kaya siguro paiba-iba sa akin, kasi it could be someone athletic or it could be someone smart."

Naks. So hindi pala siya bumabase sa mukha, kundi sa personality pala.

May tao palang ganoon no? Akala ko fictional lang sila eh. Eme!

Parang gusto kong matuwa na parang hindi... kasi... may laban ba ang personality ko? Mukha ba akong confident? Hala shet. Mukhang talo na agad ako. Ako pa naman iyong tipong mahiyain sa umpisa.

Gosh. Parang need ko na talagang mag-move on.

"...kagaya mo," sabi na lang niya bigla. "Confident ka on being gay. Ni minsan hindi kita nakitang itinago mo iyon kanino man. That's one of the things I like about you."

Teka.

Hoy! Teka!

Narinig mo iyon?

Tama naman iyong narinig natin 'no?

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

Parang ewan talaga itong si Axel. Nakakagigil. Bigla-bigla na lang kung bumanat, jusko.

So kagat-labi na naman ang lola mo! Napalihis agad ng tingin habang pilit na tinatago ang kilig.

Sabi ko na lang, "Ewan ko sa iyo! Parang tanga."

Tapos ayun, um-exit na ako, kaysa lalo pa akong ipahiya ng kalandian ko.

Lord, ano ba talaga? Should I move on or should I not?

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon