Chika #32

162 4 0
                                    

Pumunta ako roon, beh, sa coffee shop ni Bryan nang worried much ako. Ine-expect ko kasing isa-silent treatment na naman niya ako gaya na lang ng isang linggong pang-i-snob niya sa akin sa phone. Pero noong nandoon na ako, alam mo... something's not right. He's acting like nothing happened. Binati pa nga niya ako eh nung lumabas siya sa office niya. "Oh, Em, musta?"

I was like, 'Wait, hindi ba't may tampuhan kami?' O guni-guni ko lang ba iyon?

"Hindi ka nagsabi na pupunta ka pala?" sabi niya.

Pinagsasabi nito? E kahit nga mag-chat ako, hindi naman siya nagre-reply?

Pero hindi ko sinabi iyon. Ang sabi ko na lang, "Bawal na ba ako rito?"

Pabiro ko iyong sinabi. Aware din naman kasi ako sa presensya ng dalawang barista niya. Si Pat, na halata sa pagmumukhang nakaka-sense ng wrong vibes sa amin ni Bryan. At isang babaeng barista na cute, parang ako. Hindi ko kilala. Bagong hire ata.

"Sus, grabe ka naman. Welcome na welcome ka rito, syempre. Ikaw pa, e best friend kita."

Hmm... Ano sa tingin mo gurl? May something no? It's like he's putting up a face.

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko sa kaniya.

"Nag-uusap na tayo."

"I mean, nang tayong dalawa lang."

"Kung ano man iyang sasabihin mo, okay lang naman kahit marinig namin lahat iyan. Magkakaibigan naman tayo lahat rito, no?" sabi niya nang sinasama si Pat sa usapan.

"Lah, par, huwag mo akong idamay diyan," sabi naman ni Pat na gusto agad kumuwala sa akbay ni Bryan. Si ate gurl na barista naman ay napalingon lang sa amin at napangiti lang saglit bago bumalik sa ginagawa.

Mas prefer ko man na masolo si Bryan sa ganitong klaseng usapin, pero kung gusto niyang ipilit itong act na ito sa akin today then so be it.

"Gusto ko lang mag-sorry. About last Sunday."

Hindi siya nagsalita. Tiningnan lang niya ako, na parang hinihintay iyong ano mang kasunod.

"I seriously thought na nag-reply ako sa iyo at saka ko lang na-realize na hindi ko pala iyon nagawa. It was an honest mistake. I'm sorry."

"Okay."

"Okay?"

Alam mo iyong tono ko na, 'So that's it?'

"Hm-hmm. Actually, it's nothing. Iyon lang ba ang sadya mo, Em?" nakangiti na parang nang-aasar niyang sabi. "Chinat mo na lang sana ako."

Naasar talaga ako gurl that time. Feeling ko talaga inaaway niya ako indirectly. Passive-aggressive ba iyong tawag doon? Basta iyon. Iyong alam mong may issue sa iyo iyong tao, pero laging pahapyaw lang niya iyon pinaparating?

It wasn't the first time this had happened to us. But it was the first time na gusto kong maiyak nang dahil lang sa ganiyan ang pagtrato niya sa akin.

Nilabanan ko talaga luha ko gurl. Tapos sabi ko na lang, "Okay, sorry. Will note that next time." At para naman hindi ako mukhang kawawa na aalis na lang after makausap si Bryan, hinarap ko si Pat tapos nag-order na lang ako ng cappuccino. Saka para hindi rin nila isiping pumunta lang ako roon para magpa-aircon.

Hindi ko na lang siya pinansin noon after kong magsabi ng order. Pumunta na lang ako sa spot na hindi niya ako kita. Iyong sa pwestuhan ng mga single? Iyong dikit mismo sa glass wall? Tapos uupo ka pa roon sa lintik na pagkataas-taas na upuan? Doon. Para ang tanaw ko talaga ay iyong traffic sa labas, hindi iyong nakakabwisit niyang pagmumukha.

Kakagigil lang eh. Parang last time lang, adik na adik sa akin. Akala mo iyong mga possessive na mafia lord sa wattpad? Iyong mga mahilig sa linyahang, 'Kanino ka lang?'

Tapos ngayon, kung makatrato sa akin, akala mo pinagsawaang laruan lang eh?

"In-order mo rin sana ito," sabi ng isang boses sa tabi ko. Pagkasilip ko, isang slice ng lemon pie ang inaabot sa akin. "Paborito mo iyan, 'di ba?"

Si Bryan iyon. Iyong boses niya ay ibang-iba na kumpara sa kanina. May konting lambing na.

"Akala ko ubos na eh," sabi ko nang nakatingin sa malayo. Ayoko nga siyang tingnan. Akala niya ha? Matapos niya akong away-awayin? "Ano ba, libre ba iyan?"

"Oo naman."

"Okay. Thanks."

Dahan-dahan kong hinila papunta sa harapan ko iyong libre niya.

"Sorry kanina. Gawa lang ng tampo kaya ganoon."

"Okay lang. Sanay naman na ako."

Basta talaga kapag kinomfront ko siya nang kasama ang mga kakilala o ibang kaibigan niya, gusto niya akong ganunin. Iyong hindi naman lantarang pangbu-bully, ha? Iyong tipong simpleng panggi-guilt trip ba? Iyong bang gusto niyang makitang ma-feel bad ka. Ganoon.

Tapos, kapag tapos na, saka siya manunuyo. Tulad na lang din nito.

Parang... alam mo iyon? Iyon ang way niya para makaganti. Pisting iyan.

"Well, at least, hindi siya kasinglala ng na-imagine kong mangyayari," sabi ko.

"Ano bang nasa isip mong mangyayari?" nakangiting sabi niya.

"Akala ko hihilahin mo ako at ikukulong diyan sa office mo, tapos uulitin mo iyong ginawa mo sa akin nung last Sunday. Akala ko ganoon."

"Malala ba iyon? Hindi ba't parang exciting naman iyon?"

"As if namang tototohanin mo talaga no?"

"Hinahamon mo ba ako?"

Tinitigan ko siya nang matagal, hanggang sa napasabi na lang ako ng, "Umayos ka nga. Para kang tanga."

"Kinilig ka naman?"

"Wala ka talagang pakialam kahit may mag-isip sa atin 'no? Pinaghihinalaan na kaya tayo ni Pat."

"Hayaan mo sila."

Well, sabagay, ano namang kailangan niyang ikatakot? E wala naman talagang kami?

"So...? Nag-date kayo?" tanong niya. Kahit hindi na niya linawin kung sino ang tinutukoy niya, alam ko namang about agad ito kay Axel.

"Parang ganoon? Pero hindi niya nilinaw sa akin kung date ba iyon o hindi."

"Pero lumabas kayo nang kayong dalawa lang?"

"Oo."

"Kumain kayo sa mamahaling resto? Pinasyal ka niya sa park?"

Bakit niya alam? Ini-stalk niya ba kami?

"Oo," sagot ko na lang sa tanong niya.

"Edi date nga iyon."

"Friendly date."

"Sus. Kunwari pa."

"Nagseselos ka pa rin ba?"

"Nagseselos man o hindi, hindi na iyon mahalaga. Alam ko namang kung hindi kayo magkatuluyan, sa akin pa rin naman ang balik mo niyan eh. Kaya bakit pa ako magpapaka-stress?"

"Grabe ka naman sa akin? Hindi ba pwedeng i-wish mo na lang din iyong happiness ko?"

Tumayo na siya no'n. Pero bago siya umalis, bumulong siya sa akin. "Tanggapin mo na kasi ang katotohanang... nakatali na tayo sa isa't isa."

Ay, wow. May paganon pa talaga?

Kung naguguluhan ka sa kaniya beh, aba'y mas lalo ako.

Pero at least, bati naman na kami no? I thinkmission accomplished pa rin naman. Iyon naman din kasi ang sadya ko.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon