Mga ilang linggo rin bago muling nagparamdam si Bryan. October 1. Nag-aya siya na lumabas kaming dalawa, tapos alam mo na... kahit hindi na niya sabihin kung anong gagawin after, matic na kung ano iyong gagawin namin.
Actually, hindi na nga rin kami nagkape eh. Um-order na lang kami ng fastfood saka nag-motor papunta sa motel na rin naming pinuntahan.
Pero, heto, aminin ko lang na medyo nagdadalawang-isip na rin ako na makipag-sex kay Bryan gawa na nga ng parang may namumuo na rin talaga sa amin ni Axel. Para kasing ito na iyong time na I should take this seriously, na kung tatahakin ko na talaga iyong daan papunta sa puso ni Axel, kailangang sa kaniya ko na ialay ang kabuuhan ko, like wala na talaga dapat iyong ganitong paminsan-minsan naming pagkikita ni Bryan.
But actually... parang wala ring sense na mag-worry ako, kasi parang wala rin ngang pake si Axel kahit may times na nagse-sex kami ni Bryan. Kanina nga, noong nagpaalam akong aalis ako, alam niya na agad na si Bryan ang kasama ko, at halata na rin sa mata niya na alam niya iyong mangyayari, and it looked as if he didn't care! Alam mo kung ano lang sinabi niya? "Basta huwag lang kayo magpapagabi, ha? Magpahatid ka na lang din sa kaniya pauwi."
May times din tuloy na parang gusto kong sabihing, 'Aba, magselos ka rin naman, Axel!'
Pero siguro kaya lang din ako pumapayag sa ganito ay dahil alam ko na rin ang magiging reaksiyon niya. Like, wala rin naman kasing consequence.
Gulatin ko kaya siya minsan no? Sabihin ko, "Axel, labas lang ako. Mag-sex lang kami ni Bryan diyan sa malapit."
Ano kayang magiging reaction niya kapag sinabi ko iyon, no?
Knowing him, alam kong tatawa lang siya eh. Baka nga ito pa ang sabihin niya, "Bakit hindi niyo na lang dito gawin? Lalayo pa kayo?"
Feeling ko mapipikon lang ako kapag iyon ang sinabi niya pabalik. Iyong tipong kahit boss ko siya, susungitan ko pa rin siya, gano'n.
"Huy, ang tahimik mo riyan," sabi ni Bryan. Mga sampung minuto na rin ang nakalipas mula nang magchukchukan kaming dalawa. Kumakain na lang kami sa may ulohan ng kama ng in-order naming burger. "Hindi ka ba nag-enjoy?"
"Uy, grabe. Hindi sa ganoon. May iniisip lang."
"Si Axel ba?"
Ang bilis mabasa ng mukha ko e no?
Well, sabagay, sino ba naman ang lagi kong nakakasama sa pang-araw araw?
"Kayo na ba?" tanong ni Bryan, na siyang agad kong hinampas sa braso.
"Parang tanga 'to. Makikipag-sex ba ako sa iyo kung kami na?"
"Malay ko ba? E nag-threesome nga tayo nung last time, so baka okay lang din iyong ganito kahit kayo."
Hinampas ko siya ulit. "Wala ngang kami."
"Pero may tyansa ba?"
"Hindi ko alam."
"Mahal mo na siya no?"
"Ano bang klaseng mga tanungan iyan?"
"Seryoso ako."
Natahimik ako nung nasabi niya iyon, so naisip kong ito na siguro iyong perfect time to bring it up. Gusto ko na rin kasing ilabas sa sistema ko iyong mga bumabagabag sa isip ko, alam mo iyon? Para naman hindi na lang laging sa iyo ko nakukwento. Para saan pa iyong pagiging mag-best friend naming dalawa kung hindi niya alam iyong mga problema ko 'di ba?
So I told him. I told him na parang nafo-fall na talaga ako. Like nasa 60% na. Konting tulak na lang talaga at magiging inlababu na ako kay Axel. Sinabi ko na lang din iyong about sa feeling ko na parang may pumipigil sa akin, like iyong fear of rejection, iyong crazy thought na baka magsawa rin siya sa akin after some time, iyong worry ko na baka wala akong maio-offer sa kaniya pabalik. Mga ganoon lang. Hindi ko na binanggit pa iyong about kay Bryan mismo, na isa rin siya sa mga factor kung bakit hindi ko natutuloy iyong pagkahulog ko kay Axel, mamaya kasi maidawit ko pa siya sa problema ko. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganoon, 'di ba?
Pero alam mo, kahit hindi ko pala sabihin, parang nahagip niya rin iyong about doon, kasi ito iyong sinabi niya sunod, "Gusto mo na bang itigil itong pagkikita natin?"
Tatawa na sana ako, hilig ko kasing tumawa kapag kinakabahan—pero nang makita ko kung gaano kaseryoso si Bryan sa nasabi niyang iyon, natigilan ako.
Gusto kong sabihing oo pero ang komplikado! Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba iyong sagot ko. Hindi ko rin alam kung pagsisisihan ko ba iyong isasagot ko. Paano na lang kasi kung pumayag akong itigil na ito, tapos talagang ito na iyong last na last naming paggamit sa katawan namin? Hindi ako ready! Baka ma-miss ko siya!
"Okay lang naman sa akin," dagdag ni Bryan. "Hindi dahil sa sawa na ako, ha? Pero kung para sa ikaliligaya mo, handa akong iparaya ito."
Grabe ang epekto sa akin gurl nung nasabi niya! As in, na-feel ko talaga agad ang sarili ko na maluluha.
Pero ito ang pinaka-hindi ko inaasahan! Siya iyong naluha! As in bago siya lumihis ng tingin, kita ko kung paanong nangilid iyong luha sa mata niya. Lumihis na lang siya ng tingin para siguro itago iyon sa akin.
Ako naman si tanga, hindi marunong mag-comfort. Hinihila-hila ko na lang siya sa braso habang paulit-ulit sa pagsabi ng, "Huuuy, huwag kang ganiyan. Grabe ito. Huwag kang umiyak."
Tuloy iyong seryosong pag-iyak ni Bryan, may times na natatawa siya in between. Ngingiti siya saglit habang tuloy sa pagpunas ng luha sa pisngi niya—in a manly way pa talaga. Kaasar.
Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak, pero feeling ko ito iyong unang beses na nakita ko siyang umiyak nang dahil sa akin. Kaya ang sama sa dibdib. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa rin bang i-pursue si Axel o huwag na lang ba dahil ikinasasama ito ng loob ni Bryan?
Charot. I don't think that should be a good reason. And besides, it's not like he pleaded with me not to fall in love with Axel. Parang baliktad pa nga eh. Parang unang beses pa nga ito na gusto niya akong hayaang magkagusto sa taong gusto ko. Hindi na rin niya ipinapakita iyong seloso niyang side.
Naiyak na rin ako afterwards. Halo-halong rason. Nalungkot ako sa realization na ito na pala iyong last na gabing malalasap ko ang pagromansa niya sa akin. Andoon din iyong sadness from seeing Bryan cry because of me. Isama mo na rin iyong pagka-touch ko sa ginawa niyang pagpapalaya sa akin.
Taray no? Akala mo magjowa kaming naghiwalay? E ang binid lang namin ng farewell ay itong kant**an session namin from time to time. Mag-best friends pa rin naman kami.
Pero alam mo, a while ago, I was actually waiting for him to say something—some words I longed for to come out of his mouth.
Feeling ko kung narinig ko iyon on that moment, I would have changed my mind.
Pero wala, until that moment wala talaga.
So iyong remaining na pag-aasam ko kay Bryan? Iyong mga 5-10% na lowkey feelings I set aside for him, on that moment, parang wala na talaga.
Hindi ko lubos-akalaing magiging blessing in disguise pala itong meetup namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/350418663-288-k580874.jpg)
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...