Chika #18

275 7 0
                                        

Binabawi ko na ang mga nasabi ko about workout beh. Ayoko na.

Nagkasakit kasi ako. Jusko!

Nakakahiya! Nataon pa kasing weekday ako nagkasakit.

I was the one who's supposed to take care of everything in the house, pero ang ending, iyong boss ko pa ang nag-alaga sa akin. Nakakahiya talaga! Shet!

Hindi ko na nga alam kung nakailang beses akong nag-sorry. Pero sorry pa rin ako nang sorry.

Umaga pa lang, naramdaman ko na na hindi ako okay. So ininuman ko na lang ng paracetamol. Tutal, mukhang sinat lang naman. Nakapagluto pa ako ng almusal no'n. Pero nang maghuhugas na sana ako ng mga plato, bigla na lang akong nag-pass out.

Next thing I know, nasa kwarto na ako. Nakahiga sa kama.

Alas-diyes no'n. May pasok si Axel. I expected him to be in his room, pero grabe, nasa tabi siya ng kama ko!

After ng makailan kong sorry, sinabihan ko siya na kaya ko na ang sarili ko, na bumalik na siya sa work. Kaso alam mo sabi niya, "Okay lang. Nag-emergency leave na lang ako. Ako nang bahala sa iyo."

Hala, grabe ang hiya ko nun, beh. Isipin mo, boss mo iyong mag-aalaga sa iyo? Ano ka, special character?

Pero kahit ano talagang pilit ko sa kaniyang iwanan ako, hindi siya nakinig.

Ipinagluto pa nga niya ako ng lugaw eh.

"Dinalawa ko na ang itlog para bumalik agad ang lakas mo," sabi niya.

Ang sweet.

Alam mo iyong gusto kong kiligin that time? Pero mas nangingibabaw ang hiya?

Lalo lang tuloy nangangasim ang tiyan ko sa magkasalungat na mga emosyon haha!

"Grabe naman kayo, Sir. Nag-emergency leave pa talaga kayo para lang sa akin. Eh hindi naman po ako emergency. Ni hindi niyo nga ako kaano-ano."

"Don't say that. Any bad thing that happens to you... is an emergency for me."

HOY! Natameme ako roon!

As in ramdam ko ang peslak kong namula!

Ano ba talaga? May something na ba sa amin? O ganito lang talaga siya?

Sabi pa niya, "Hayaan mo lang akong alagaan ka ngayon. Tutal ikaw naman lagi ang nag-aalaga sa akin, so isipin mo na lang na pagtanaw ko ito ng utang na loob."

Maybe ganiyan nga lang talaga siya. Nagagawa niya kasing sabihin ang mga bagay na iyan with a straight face. And he really is sincere with his words.

Binabawi ko na ang sinabi ko about being sick. Maybe it was a good thing after all? Kung hindi kasi ito nangyari, hindi ko makikita ang ganitong side niya.

At hindi talaga siya umalis beh. The whole day, sinamahan lang niya ako sa kwarto ko. Aalis lang siya kapag magsi-CR o kaya kapag may tao sa labas. Not sure kung sino iyon. Iyong nagde-deliver ata ng tubig.

Mula noong nakakain ako ng lugaw, hinayaan niya muna akong makatulog. Nang mga alas-dos ng hapon, ginising niya ako para sa pananghalian at gamot. Nang mga alas-kwatro ng hapon, naririnig ko siya sa tabi kong naglalaro ng mobile games. Call of Duty. Hindi ko iyon nilalaro. Alam ko lang iyon dahil madalas din iyong laruin ni Bryan.

"Hindi naman po kayo nalulungkot?" tanong ko randomly.

Sumilip lang siya sa akin saglit, bago muling tinuon ang atensiyon sa laro. Wrong timing ata. Dapat ata naghintay muna akong matapos iyong game niya.

Pero matapos ng ilang segundo, sumagot siya. "Hindi. Bakit naman ako malulungkot?" Tapos sige pa rin sa kapipindot sa phone.

"I mean, ito po ba iyong ideal life niyo, Sir?"

"Tawagin mo na lang akong Axel. Huwag na Sir. Saka kahit huwag ka na ring mag-po. Okay lang sa akin."

Hooooy! Achievement!

Pero ang tanga-tanga mong friend, napasabi agad ng, "Okay po." So nag-wait ako ilang saglit, bago nag-take two. "Okay."

Hindi man siya nag-approve verbally. Kita ko naman iyon doon sa paghinto niya saglit sa kapipindot sa games niya.

And then moments later, nagsalita siya ulit, naalala niya pala iyong tanong ko. "Yup. Ito iyong ideal life ko. Boring no?"

"Hindi naman sa boring. Actually parehas nga po tayo ng dream life eh. Sa bahay lang lagi. Kahit iyong work, sa bahay lang din."

Late kong na-realize na napa-po na naman pala ako. Buti parang hindi niya napansin. O kung napansin man niya, he's too busy gaming to even care.

"Solo ka na talaga rito, ever since?" tanong ko.

"Ever since what? Noong nabili ko itong bahay? Oo. Pero kung tinutukoy mo noong mga early days, nakikitira pa naman ako sa family ko hanggang mag-20 ako. 26 years-old ako noong nabili ko ito."

What? Twenty-six? So sa ganoong edad may millions of pesoses na siya para makapagpatayo nito? Kahit sabihin nating posibleng hulugan, aba, need mo pa rin ng malaking halaga pang-down ha? Grabe. E samantalang ako, twenty-three, ang greatest achievement ko pa lang ay iyong nakabili ako ng pentab ko.

Well, sabagay, ang gastos ko rin naman kasi, kaya hindi ako nakakapag-ipon. Hehehe.

"Amazing," sabi ko na lang.

A few moments later, tinawag niya ako.

"Emerson."

Kinabahan agad ako. Bakit biglang may pagtawag? May atraso ba ako? Sesante na ba agad ako porket nagkasakit ako?

Binitawan niya na ang phone niya, saka lumingon sa akin. "Thank you pala ha?"

That was so random na literal na na-blanko ako for about a minute.

"About saan po?"

"For being here. For your presence. Back then, I wasn't so sure about having someone else in the house. Kontento na talaga ako noon na solo ko lang. But with you around, I realized na okay naman din pala? That's why, thank you."

Wala akong masabi kundi, "Oh." So para naman hindi underwhelming ng reply ko, dinagdagan ko na lang ng, "You're welcome, Axel."

"After ng contract mo, mag-renew ka ulit, ha?"

"Of course."

Hoy! In fairness ha? Na-touch ako roon.

Hindi ko alam na ganoon pala ang epekto ko sa kaniya.

Eme!

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon