Chika #8

282 8 0
                                    

Ever since na nagka-ayos kami ni Axel, ewan ko, feeling ko, madalas na siyang nakikipag-interact sa akin.

Naakit ba siya ng kagandahan ko? Choz! Mukhang hindi naman.

Basta the night after, kita ko na lang siya sa sala, naglalaro ng console game. Ako ay kagagaling lang sa kusina, katatapos lang maghugas ng mga pinggan. Lol. Mga. Kala mo naman talaga ang dami naming kumakain sa pamamahay eh, haha!

Nung nakita niya ako, in-invite niya agad ako.

"Emerson, halika. Try mo nga ito."

Actually, beh, hindi ako gamer. Ang mga alam ko lang laruin ay mga Diner Dash, Lemonade Tycoon, Fruit Ninja, mga ganoon! Wala ka talagang aasahan sa akin kapag console games!

Pero in fairness din dito kay Axel ha? Mukhang expected na niyang tatanga-tanga ako sa mga ganito kaya in-explain niya sa akin iyong controls. Parang fantasy chenes siya. Knight in shining armor iyong character ko tapos sige lang ako sa pagwasiwas ng espada ko sa mga monsters. Enjoyable naman. Though mukhang nabasag ko yata tainga niya sa katitili ko. Ba naman kasi itong si Axel, pinalaro pa ako ng ganito?!

"Iyan iyong dine-develop namin ngayon," bigla niyang sabi. "Ano, kumusta naman?"

Jusko, beh! Gusto kong sabihin, 'Sana sinabi mo agad!'  Edi sana nakapagpa-cute pa-cute ako, hindi iyong puro mura at tili lang ang ambag ko!

Pero actually, sincere naman ang enjoyment ko noon, I think. I remember napapangiti naman ako kapag may napapatay akong malalaking monsters, at pansin ko rin namang tinititigan niya ako habang naglalaro, so I'm sure, he knew I wasn't lying when I said that I enjoyed playing it. May times lang talaga na nangapa ako sa umpisa. Sabi ko, it would be better if may additional tips pa ganyarn-ganyarn, which I noticed na ni-note talaga niya. May dala talaga siyang maliit na notepad at ballpen sa tabi niya.

So since it's the first time na rin na nagkasama kami sa sala nang walang ibang ginagawa, sinamantala ko iyong pagkakataon gurl. Tinanong ko siya, "So, Sir, why game dev?"

Walang amok-amok siya sa pagsabi ng, "Alam mo na, malaki ang pera."

Well, oo nga naman. Hindi ko maitatanggi ang bagay na iyon. Kung ako lang may ganiyang skills? Aba, matagal ko nang nilayasan iyang mga nagpapa-art commission sa akin.

"But on a serious note, may matagal na akong hinahanap na game, na hindi ko mahanap. So iyong goal ko is to be the first one to develop it."

"At iyan iyon, Sir?" tanong ko, but with a tone na, 'Really? Iyan iyon? Parang ang dami na kayang katulad niyang fighting fantasy game.'

Nahagip niya ata iyong punto ko kaya napasabi siya ng, "Hindi naman akin iyan. Product iyan ng pinagtatrabahuan ko. Gusto kong gawin iyong game na gusto ko. Iyong ako mismo ang may gawa."

Sabi ko sa isip ko, Ahh, gets. Tapos humirit ako ng, "Eh, ano naman pong klaseng game iyon, Sir?"

Sumandal siya noon, tapos tumingala sa kisame, tapos nung tumingin siya sa akin, alam mo iyong point na parang gusto niyang ikwento pero parang nahiya na lang bigla, kaya sabi niya na lang, "Secret. Baka unahan mo ako eh."

Parang tanga no?

Well, siguro nga hindi pa ako ganoon ka-trustworthy. Sabagay, isang buwan pa lang naman kaming magkasama. Ito pa nga lang iyong unang pagkakataon na nakausap ko siya nang matino eh, iyong tipong about personal kemerut? So it's normal for him to hold back. I'd respect that.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon