Chika #2

609 15 1
                                    

Update: Na-stalk ko na siya at may good news and bad news ako.

Good news: oo, confirmed, single siya.

Bad news: ang dami kong kaagaw! Bwiset.

Iniisip ko na lang, well, at least, may proximity advantage ako. Literal na ilang metro lang ang layo niya sa akin every minute of every day! Ha! Ano kayo ngayon?

Pero kung advantage man talagang matatawag iyon, hindi ko alam kung gumagana ba. Parang mas marami pa ang interaction niya sa mga ka-workmates niya online kaysa sa akin eh. Every mealtime, inaakyat ko lang ang pagkain niya sa kuwarto niya. Hindi naman naka-lock at pwede naman akong pumasok basta kumatok lang daw ako. Nadadatnan ko siya laging nakatutok lang sa kaniyang computer at busy sa pag-type sa keyboard. Kahit lunchtime ha? Doon lang talaga siya sa kwarto niya. Palibhasa may sariling bathroom sa kwarto kaya kahit hindi na talaga lumabas para mag-CR. May times na magte-thank you siya sa luto ko, pero kadalasan talaga, parang hindi niya nafi-feel ang presensiya ko. Robot lang ata tingin niya sa akin eh?

Nakikita ko lang siyang nakalabas ng kuwarto niya kapag mga alas-siyete na ng gabi, kung saan ay nasa third floor na siya, sa sarili niyang gym. Pero kahit doon ay hindi ko siya nakaka-interact kasi sa phone camera naman siya nakatutok. Nagva-vlog. Naririnig ko nga siya minsan na nagsasabi kung anong dos and don'ts sa pag-squat, pero hindi ko na pinakinggan pa kasi wala naman akong hilig sa exercise.

Gaya nga ng sabi niya, parang na-obliga na rin siyang mag-create ng content. Kaya ayun, after work as game dev, work naman as online creator.

Kung tutuusin, same lang dapat kami eh. Dalawa rin naman ang trabaho ko. Katulong saka graphic artist. Pero kasi, madalas ko nang gawin iyong mga iyon. Sawang-sawa na ako. Gusto ko namang makaranas ng ibang gawain. Like, ano, mag-massage ng maskels niya. Emsz!

Speaking of maskels, lab na lab ko talaga siyang i-stalk sa ig. Jusko, kada scroll ko, busog na busog talaga ang mata ko, mhie! Kahit in real life din naman. Pero sa ig ko lang kasi siya nakikitang naghuhubad, as in brief lang iyong tirang suot niya? Gosh, ito pa. Halatang daks siya bhe! Na-feel ko na iyon sa umpisa pa lang, kung paanong parang may nagba-bounce kada kibot niya. Pero noong nakita ko na iyong post niyang naka-black brief lang siya, sinasabi ko sa iyo, kung hindi lang talaga ako mahiyain, baka nag-volunteer na agad akong lumuhod sa harapan niya, this time, right away, for sure.

Nakaka-sad lang talaga na hindi ako makaisip ng way for us to know each other well. As in aside from the generic niyang, "Okay ka lang naman dito?" at iyong usual kong tango... gusto ko naman maging, "Ah, ganito ka pala? Ah, napanood mo rin iyong ano? Ganito-ganiyan." Ganoon!

Nakaka-miss tuloy iyong mga beshikels ko back in Tanza. Sila talaga iyong nakakausap ko nang ganoon! As in any minute, may mapag-uusapan. Walang dead air. Good vibes lagi.

Ay, wow. Kala mo naman talaga kaytagal nawalay sa kaibigan e no? E kung tutuusin limang araw pa lang naman ang nakalipas mula nung nag-work ako as katulong. Ni wala pa nga sa kanilang nakakaalam na maid na ako eh? Saka ko na sila chikahin kapag may ganap na talaga sa pagitan namin ni Axel, like, kung nag-propose na ba siya sa akin. Ganern. Eme lang!

So beh, ano nang gagawin ko para mapansin niya ako? Nakakainis nga eh. Sa ganda kong ito, binabalewala lang niya ako? Kaimbyerna ha?

Alangan namang mag-start na ako in my fitness kemerut?

Actually na-imagine ko na iyon eh. Kunwari, curious ako on how to improve my body, to gain some muscles ganiyan-ganiyan, tapos siyempre, tuturuan niya ako on how to do the right things. Kapag magta-try na akong magbuhat ng dumbbell, nasa likuran niya ako, nakaalalay, tapos pasimple kong iuumpog iyong—ehe!—ko sa ano niya, tapos mapapatanong siya sa sarili, mate-tempt siya ganern, tapos malalaman mo na lang na buntis na ako kinabukasan.

Ang harot ko roon!

Pero Lord naman kasi, bakit ba ako hindi ipinanganak na may muscles? Dumbbell na nga lang na 8 pounds, parang matinding pagsubok na sa akin. Feeling ko nga sa oras na gawin ko iyon? Iyong imagined scenario ko? Baka ang sabihin lang niya sa akin, "Huwag na. Wala nang pag-asa sa iyo." Susko, beh, iiyak talaga ako kapag sinabihan niya ako ng ganoon.

What do you think? Huwag na muna no?

You're right. Saka parang ayoko rin. Parang halatang may agenda ako kapag ginawa ko iyon. Dapat iyong subtle lang.

Alam ko na. Since he's interested in fitness, and he has given me the power on his meals... lagyan ko ng gayuma!

Charot!

Gawan ko siya ng mga healthy foods!

Sabagay, mga pinakain ko lang kasi sa kaniya nitong nakaraan ay mga pangkaraniwan lang. Tapsilog na may slices ng apple at kape for breakfast, mechado, kanin, saging, saka orange juice nung tanghalian, tapos daing na bangus na may adobong kangkong nung hapunan. Actually, healthy na rin naman iyong maituturing, pero I think, need kong i-level up. Iyong tipong may steamed broccoli, may brown rice, at mixed fruits ganern.

Tama. Ganun na lang.

Sabi nga nila 'di ba, the quickest way to a man's heart is through his stomach. Pasayahin ko iyang stomach mo, Axel. Tingnan natin kung hindi mo pa ako mapansin.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon