Ewan ko ba sa sarili ko gurl pero parang dinibdib ko iyong ang late kong na-realize na bakla pala si Axel. Parang ilang araw din akong natulala. Napatanong pa nga ako sa sarili ko kung bakla nga ba talaga ako, kasi kung oo, bakit hindi ako marunong kumilatis ng kapwa?
Kung tutuusin, hindi lang ito iyong first time na nangyari sa akin. Noong college din. Sabi ako nang sabi na, "Hindi, straight talaga iyang si ganito-ganiyan," tapos malalaman na lang namin after a few months na may kani-kaniya nang boyfriend iyong mga todo-defend ako.
Is there something wrong with me?
Eme!
Pero in fairness with Axel ha? Hindi talaga halata na bakla rin siya. As in, with the way he moves? Walang senyales. Iyong mga pinapanood naman niya sa TV, walang sign ng kabaklaan. Kapag naaabutan ko siyang nanonood ng K-Drama, humahalakhak lang siya sa mga kilig na eksena, habang ako naman ay todo-irit pa (kahit pa nakikinood lang talaga ako).
Pero baka may ganoong klaseng bading lang din talaga ano? Like, akala mo, lalaking-lalaki, pero sa lalaki rin pala nagkakagusto? Akala ko kasi sa fantasies ko lang siya meron. Pero meron din pala in the real world? At hindi lang iyon beh, kasama ko pa sa bahay!
As much as I wanted to jump in joy knowing that he's also gay, that's not to say agad na may big chance agad between us, no?
Oo! Alam kong may pagka-delulu ako, beh, pero kapag ano lang iyon, kapag sure akong unattainable iyong guy—like artista sa ibang bansa, model na ang daming fans, o fictional character. Kapag mga ganitong bagay na, na may chance na kahit katiting lang, nag-iingat na ako. Kasi puso ko na ang nakataya rito, no!
Remember, nagkwento siya about sa naka-sex niyang femme gay no? Na after ng sex, kinlarify niya agad na sex lang iyon? What if ganoon lang din pala iyong something between us? Sex lang din? Femme gay din pa naman ako.
Hindi mo naman pwedeng sabihin na, "E hindi rin naman niya sinabing sex lang iyong namagitan sa inyo, so baka may chance?"
No! Masasaktan lang tayo gurl!
Saka ito pa ang worry ko, if ever man kasing magkagustuhan kaming dalawa, ano naman kaya ang maio-offer ko sa kaniya, ano?
Wala naman akong pera. Jusko, kalahati pa nga lang ng kinikita ko, sa kaniya nanggagaling?
Looks? Wala ako nun! Cuteness lang ang maio-offer ko. Sapat na ba iyon?
And worse, I'm not even sure if love could exist between us.
You know, I have opened up to him several times na rin. Hindi naman siya mahirap pakisamahan. Pakainin mo nga lang siya at samahan kapag nanonood, mukhang masaya na siya.
But try to imagine five years or ten years from now (Taray no? Akala mo job interview lang) doing only that kind of domestic stuff, hindi ba't parang may tendency na ma-bored siya sa akin?
You know... that kind of love that holds people together, na kapag bigla kayong nagkahiwalay eh parang kalahati ng sarili mo ang nawala... posible kaya iyon sa aming dalawa?
I would like to wish for that to happen.
But I don't know what it takes for that to bloom.
Ano bang ginagawa ng mga happily married couple? Anong sikreto? Jusko, gusto kong malaman!
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
DragosteDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...