Wuy beh, dinamdam ni Bryan iyong naging tugon ko!
Grabe. I really thought na tatahimik lang siya o kaya'y magpapaalam na umalis muna, pero gurl, hindi! Nag-stay talaga siya sa park with matching todo-todong pagluha!
I mean, hindi naman iyong parang OA, ha? Hindi iyong mga katulad sa teleserye na may mga cheesy lines na, Ikamamatay ko kung hindi maging tayo. Hindi ganoon. More like, hindi lang niya makontrol iyong pag-iyak niya.
Umabot pa sa puntong napasabi siya ng, "Baka naman ginagawa mo lang ito para makabawi sa dami ng beses kong pangre-reject sa iyo? Fine. You won. But Em, please. I love you. Ito na iyong matagal mo na ring hinihiling sa akin 'di ba? Ang mahalin kita? Ang maging tayo?"
This is stressing me out.
Hindi ko alam ang gagawin ko para hindi siya maging ganito.
Ang sakit din sa loob na makita ang isa sa pinakamahalagang tao sa iyo na umiiyak nang dahil sa iyo.
Ganito ba iyong nararamdaman mo noon, Bryan? Noong ako naman itong baliw na baliw sa iyo?
Pero seriously, hindi ko ito ginagawa para lang makabawi. Ano ako, bata? Sadya lang talagang ganoon. Na umabot ako sa puntong natanggap ko na, na hindi magiging kami. Kaya noong nangyaring siya naman itong nahulog sa akin, wala na, na-padlock na iyong ganoong thinking sa utak ko. Hindi ko na basta-basta mababawi.
Napapaisip tuloy ako kung sakali mang nabigyan ko siya ng false hopes? Lately ay hindi naman 'di ba? Tinanggihan ko pa nga siya noong in-offer niya ang sarili niya sa akin. The way I act around him naman is very-best-friendly lang naman. Noong time lang ba talaga na may something sa amin ni Axel? Iyong time ba na nahuli ko siyang nag-blush habang nakikipag-sex sa akin? Iyon na ba iyong start nito?
I don't know. And I think I shouldn't bother knowing. Ano pa bang sense, e, nagbigay na ako ng sagot sa kaniya?
In-assure ko na lang siya na makaka-move on din siya sa akin, just like how I was also able to move on from him. Kung duda siya, aba'y alalahanin na lang niya kung ilang taon akong baliw na baliw sa kaniya, pero katakatakang hindi na ako ganoon sa ngayon. So there's a proof. There's a concrete possibility.
I told him na lang na it would be a good idea for us not to see each other for a long time.
Tinapik-tapik ko siya. "Kaya mo iyan, beh. Ikaw pa."
Ngumiti kami sa isa't isa afterwards.
Hindi ko man siya nasabihan directly ng, "Uy, best friends pa rin tayo nito, ha?" Alam ko na, sa way pa ng ngiti niya, na iyong toxic part lang ng relationship namin ang tinapos namin.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
Lãng mạnDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...