So ginawa ko nga, at heto gurl! I got his attention! AAAAAHHHH!
First of all, I just wanna say, na ang talino ko roon! Grabe. I can't with myself. I'm oozing with katalinuhan talaga. Like, feeling ko reincarnation ako ni Jose Rizal. Eme!
Remember iyong sinabi kong bubusugin ko siya ng healthy foods? Nag-research talaga ako nun beh! Nagpuyat pa ako nun hanggang alas-dos ng madaling-araw. Nakilala ko iyong mga out of this world na words like kale, arugula, asparagus. Alam mo ba ang mga iyon? Hindi no? Ang mga alam lang kasi natin ay kangkong saka talbos ng kamote. Haha!
Tapos nakinig pa ako sa mga cooking shows. Nauta na nga ako sa boses ni Juday kakapanood ng vlog niya.
Pero in fairness ha? May natututunan naman akong mga bago. Tulad ng sibuyas pala dapat ang mauna kapag naggigisa bago ang bawang. Mabilis daw kasing masunog iyong bawang, so kung iyon ang inuuna mo, sunog na agad iyon bago pa maluto iyong sibuyas. So sibuyas muna.
Tapos nalaman ko rin na pwedeng maging substitute ng meat ang mushroom! Naloka nga ako roon sa isang vlog, ginawa niyang parang fried chicken iyong oyster mushroom! Saka iyong ending? Mukha talaga siyang fried chicken pagkaluto.
Aba'y tinry ko syempre! Tapos nung pina-try ko na kay Boss Axel, nilinaw ko muna na mushroom iyon. Baka kasi mag-expect. Baka ma-betray ko pa, mahirap na. E gusto ko ngang ma-gain ang trust niya, 'di ba?
Alam mo ang sabi niya, "Wow! Ayos ah? Marunong ka pala sa mga ganito?"
Kilig to the bones ang ate mo gurl!
Pero syempre, hindi ako papayag na hanggang doon lang iyon. It's the perfect opportunity to open a conversation!
Sabi ko, "Napansin ko po kasi na may pagka-health conscious po kayo. Kita ko po sa instagram ninyo."
May pagka-stalkerish ang dating ko roon, I know, pero may bawi namang maganda. I used the information to serve him better! And it worked. He finally looked at me in the face!
Hindi mo alam kung gaano kahalaga nun sa akin, gurl. Ang laki na kasi ng tampong nararamdaman ko ever since tumira ako sa bahay niya. The last time kasi na tiningnan niya ako sa mukha ay noong pinatuloy niya ako sa gate. Siguro para lang malaman kung masama ba akong tao o hindi. Tapos noong nalaman niyang mukha akong malambot, mukhang isang sipa lang, tumba na agad, ayun, hindi na niya ako pinapansin, ever.
I mean, kinakausap pa naman niya ako minsan. 'Di ba nga na-kuwento ko last time na tinatanong niya ako kung okay naman ba ako? Pero hindi kasi siya natingin sa akin sa mata. It's like he just did those things to maybe make himself feel good. Like a task. 'Ah, I need to talk to him, to make me feel na hindi ko siya binabalewala.' It's never, 'Ah, I need to talk to him, to get to know him better.'
"You saw pala my insta," sabi niya. May pagka-conyo siya na cool. Iyong hindi pilit. Iyong alam mong lumaki talagang mayaman? Ganoon. "This looks nice. Thanks sa effort!"
"You're welcome po," nakangiti kong sabi na may pagpigil ng kilig. Eh! "I'll do my best to make more meals like this po."
After saying that, papatalikod na ako para umalis. Pero gurl, ito iyong best part.
Bale, ginanon niya ako. Hinila niya braso ko. Softly ha? Like, wait, don't leave yet.
Tapos sabi niya, "Actually, sabay na lang kaya tayong kumain."
Oh, pak! Better than gayuma!
"Okay po," pabebe kong sabi.
Tapos ayun, sabay kaming nag-lunch, tapos kwentuhan kami about healthy living! Kahit pa ba ilang gabi pa lang akong nagsimulang mag-research tungkol doon, pero gorabels! Act like you know everything gurl! Impress your man!
We had fun. Ang satisfying sa feeling. Usap-usap lang iyon ha? Pero parang ang laki na ng na-accomplish ko sa buhay!
Na-realize ko, ang galing ko pala sa ganito no? Pagkakitaan ko kaya? Gawa ako ng vlog. Char!

BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomansaDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...