Chika #17

205 6 0
                                    

At one point, I even considered working out just to get him to talk to me.

Hindi naman sa makikisabay ako kapag workout time niya ha? More like I wanna do it secretly tapos magugulat na lang siya sa progress ko.

Kasi if we only keep on talking about Netflix shows and healthy foods, baka maubusan na ako ng ipang-topic. Aba'y lalong magda-die down ang connection namin niyan. Ayokong mangyari iyon, beh. Plano kong magkatuluyan kami, as in I want to see him in the future to bend on one knee and say, 'Will you marry me?'

So I did try working out.

Mga alas-kuwatro y medya nga lang ng madaling araw para hindi talaga niya malaman kasi alam kong tulog pa siya no'n. Alas-sais iyan lagi nagigising. Madalas on-the-dot pa. Kala mo robot eh.

So syempre sa sariling gym niya ako nag-attempt mag-build ng muscle.

Ang daming equipment! As in konti na lang pwede niya na itong i-open sa public para pagkakitaan. Pero syempre, dahil nasa sariling pamamahay, parang hindi recommendable. Mamaya, may makapasok na masamang tao? Or worse, baka may ibang taong makaagaw kay Axel. Ako na nga lang itong closest candidate para sa puso niya tapos magpapatuloy pa ako ng karibal? Ha! No way.

Isa rin palang reason why I wanna do this ay dahil nakakahiya na sa kaniya na lang ako laging nagpapatulong na magpabuhat at magpapalit ng galon sa water dispenser, when it should have been my responsibility, kasi nga, ako itong katulong! Jusko.

Naalala ko, sabi niya, "Okay lang. Konting exercise na rin ito para sa akin sa gitna ng trabaho."

I wasn't really sure if that should cheer me up or let me down even more.

Nagwarm-up warm-up muna ako, of course. Stretching, stretching. Goal ko ring makarami ng squat para talagang ma-emphasize lalo ang peach butt ko. Asset ko kasi iyan!

Tapos sunod ay iyong dumbbells. Nagsimula muna ako sa five pounds. Bend arms dito, bend arms diyan. Pagkalingon ko ng orasan, five minutes pa lang pala ang nakalipas! Kaloka. Feels like one hour na. Pero go pa rin. Tinry ko rin iyong isang equipment niya. I wasn't sure what it was called. Basta iyong hinihila galing itaas? Tinry kong hilahin, pero jusko naka-set ata ito sa pinakamabigat? Hindi ko alam kung paano galawin, saka kung galawin ko man, baka maghinala siyang nanggaling ako roon. Baka mapaisip siya, "Bakit naka-set ito sa pinakamagaan?" Kaya nilayasan ko na lang.

Nagsayaw-sayaw na lang ako sa K-Pop pagkatapos ng pagda-dumbbell. Huwag ka gurl, memorized ko dance steps ng Pink Venom at Shut Down ng BlackPink. Hindi ko lang vini-video-han sarili ko kasi baka ma-discover ako, mahirap na.

So after ng sayaw-sayaw, pagod na ako niyan. I feel like mga 30 minutes ko ring pinahirapan ang sarili ko. Consistent iyan every day ha? Parang naka-five days na nga ako in a row eh. At huwag ka! Parang may progress na agad! Feel ko iyong pwet kong mas matambok lately. At talagang nakumpirma kong may progress nga ako kasi one time, napa-second look na lang sa akin bigla si Axel, tapos sabi niya, "Blooming ka ngayon ah?"

Hm! Ganda ko roon, gurl! Ingat ka, matapakan mo hair ko.

Sabi ko, "Hala, si Sir. Talaga po ba?"

"Oo. Ano bang meron?"

"Wala naman po. Baka po kasi malapit na ulit akong sumahod." Akinse na kasi next week, Tuesday.

Natawa siya. Ehe! Ang sarap lagi sa feeling kapag napapatawa ko siya. Parang ang laking achievement from someone like him na mukhang masungit.

So ayun lang. At least, may evidence na gumagana ang aking paandar.

Matutulog na namang masaya ang lola mo.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon