Chika #5

268 9 0
                                    

May problema na naman ako, teh. I'm so sorry na. Alam kong utang-uta ka na sa mga dilemma ek-ek ko. But this time, it's more on me, myself, and I.

Tungkol pa rin ito roon sa gabing bumaba si Axel nang naka-brief at kung paanong hindi ko maalis sa puso't isipan ko ang mga nasaksihan ng inosente kong mata.

Ewan ko ba, beh. Alam ko naman ang hitsura ng isang t*te. Of course, may sarili akong t*te. Sa Human Anatomy na subject, may t*te. Sa twitter, ang daming t*te. Saka nakakita na rin naman na ako ng t*te ng iba nang close-up. Jusko, si Bryan, iyong boy bestfriend ko, hilig no'ng magpakita ng kaniya. Kung tutuusin nga, dapat sa edad kong ito, sawa na ako roon eh. Pero bakit biglang ganito? Bakit parang balik na naman ako sa excitement?

Isang linggo na rin ang nakalipas. Hupa na rin iyong self-pity phase ko, heto na nga at napalitan na ng kalibugan phase.

Nakaka-distract! Tuwing napapadaan ako sa kusina, kahit wala siya sa paligid, klarong-klaro ko pa rin siyang nakikita nang nakahubad. Kapag magdo-drawing ako sa tablet, mas naibubuhos ko iyong effort ko sa pag-scribble nung details na natatandaan ko sa katawan niya. At sa tuwing nagkakasalubong kami, aba, talagang matic na titibok si junjun, teh! Kaya agad na lang akong napapabilis ng lakad o ng pag-iba ng direksiyon para lang hindi kami mag-usap.

Gurl, ano na? Hindi ko na alam ang gagawin! Help me.

Iyong energy ko kasi parang gustong mag-focus sa pag-imagine kung ano bang hitsura nun. And I know, the two ways I could do were: either I get to see it for real or to not see him for a long time—which, as you know, are impossible! Jusko, alangan namang tanungin ko siya ng, "Pwedeng pasilip? Nai-stress na kasi ako kaka-imagine eh." Edi sinisante ako niyan? Edi lagot ako kay Mama niyan? Iyong last option naman ay hindi ko rin kayang gawin dahil hello, naka-kontrata ako sa kaniya ng anim na buwan! Mag-iisang buwan pa lang ako sa pamamahay niya, teh!

Alam ko na. Ipag-pray mo na lang ako. Mabuti pa.

For sure, lilipas din ito.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon