Chika #14

266 5 0
                                    

Hindi na kaya ng konsensya ko, gurl. Inamin ko sa kaniya na may nangyari. But not nangyari as in nangyari ha?

Dinner iyon. Nasa sala kaming dalawa. Hilig kasi niyang kumain sa may couch katapat ang TV, so doon na lang talaga kami kumakain.

Anyway, ito na nga. Hindi na siya nanonood. Mostly soundtrip na lang ang naka-play sa TV, iyong lo-fi lang, alam mo ba iyon? Iyong mostly background chill music na walang lyrics?

Some of the time nagkukwento siya. Mainly about doon sa friend niya na kasal na, tapos iyong girl, lately lang daw na-diskubre na may past pala sa pagitan ng asawa niya saka iyong isang friend niya! Oo! Ang juicy nga ng chika eh. Kahit hindi ko naman kilala itong mga taong ito, masiyado akong na-hook!

Dinibdib daw nung girl. Ba naman, nakilala niya iyong guy (iyong asawa niya) since high school, same as with the other girl, tapos lately lang niya malalaman na may namagitan pala sa kanila? Kahit pa ba sabihing past is past, the girl at least deserves to know. Kahit man lang ma-mention one time 'di ba? Hindi iyong parang sa ibang tao pa malalaman iyong about doon. Ergh. It's giving... mistrustful.

In defense of the guy naman, it's not like he cheated. Maybe he just forgot to mention or was just afraid to bring it up kasi for sure pag-uugatan iyon ng away sa pagitan nila.

Anyway, mas kampi pa rin ako sa girl. Ikaw, kanino ka kampi? Sa guy? Luh.

Then Axel went on saying, "Iyon iyong masaklap e no? Pinakasalan mo iyong tao having thought na kilala mo na siya nang buong-buo, tapos masusurpresa ka na lang na may mga bagay pa pala siyang tinatago sa iyo?"

And then it hit me.

Somehow may konek din pala iyon sa amin. Oh my God.

Apat na araw pa lang ang nakalilipas mula nung gabing iyon. Medyo nakalimutan ko lang dahil sa chikahan ko with friends. But now that it's coming back, it's driving me insane again.

Alam mo iyong feeling na nag-promise ka na mag-review early para sa exam, tapos hindi mo nagawa, tapos mare-realize mo na lang na exam na pala agad maya-maya? Ganoon iyong feeling gurl!

But since it feels like there's no other perfect timing than this, I brought it up.

"Sir, may aaminin lang ako..."

Taray ko roon. Akala mo magko-confess na agad ng pag-ibig eh.

When I looked at him, he obviously looked kind of worried and confused, he just tried to hide it langs.

"That night po na nadatnan kitang lasing sa sofa, something happened po."

Iyong eyes niya beh, alam mo iyong sa anime, na parang lumiliit ang mata nila sa sobrang pagka-shock, parang literal na ganoon ang nangyari.

"Oh God. Have I done something to you?"

Well, I'd like to say yes, pero parang hindi pa matched ang understanding namin sa something na iyon. Hindi ko naman kasi nababasa ang isip niya. Malay mo, iyong something na iyon, ang ibig sabihin pala sa kaniya ay nanakit physically? Or worse na agad, like sexual intercourse na agad?

So I responded by retelling the story from the start. Ni-left out ko na siyempre iyong mga lewd thoughts ko nung nakita ko ang burat niyang halos bumulwak na sa boxer shorts niya. Kinwento ko lang iyong part na tinawag niya ako, tapos pinatabi niya ako sa sofa, tapos iyong ano na... iyong spicy part na.

"Shit," sabi niya. "I'm so sorry."

Hearing those words from him made me, I don't know, feel bad? Kaya siguro biglaan na lang din akong naiyak?

"No, Sir. Ako dapat po itong mag-sorry. I should have tried harder to resist. Pero wala, hinayaan ko lang po ang nangyari, kaya ganoon. I'm sorry po kung nabastos ko po kayo."

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon