Chika #19

207 6 0
                                    

At dahil magaling na akez, back to regular programming na po tayo, opo. Magsisipag-sipagan na po ulit ang inyong lingkod for today's vidyow. Charet!

Joke lang. Huwag daw muna. Baka mabinat, sabi ni Axel. So since masunurin ang lola mo, chillax na pagtatrabaho muna tayo ngayon. After magluto ng breakfast, pahinga muna, then hugas pinggan, tapos pahinga ulit. Hindi nga muna ako gagalaw ng art commissions ngayon eh. Sarado muna ang tindahan ngayon.

Naku, huwag mo akong inaasar-asar ngayon, teh. Inspired ako ngayon. Ever since na nag-express ng gratitude ang Dzaddy Axel natin, I feel even more loved and appreciated. Kaya talaga eager akong magpakitang-gilas sa kaniya ngayon. Iyong carrots kanina sa side dish niya, inukit ko pa talaga in a heart-shaped manner! Ha!

Nang mag-alas nuwebe na ng umaga, at natapos ko na mostly ang household chores, parang bigla akong nagkaroon ng existential crisis. Since kinancel ko ang paggawa ng art, bigla tuloy akong nagkaroon ng maraming free time! Kaloka.

Pwede akong maghanap ng ibang gagawin, pero ano naman kaya? E kaunti lang naman ang gamit ni Axel sa bahay, so walang masiyadong kalat. Ang linis-linis nga bawat sulok eh, gawa na rin ng kasipagan ko from last week.

Naisip kong mag-Facebook na lang. Makibalita sa mga friends, especially kay Bryan, na mukhang napatagal na ang hindi ko pagpaparamdam. Last August 1 pa pala ako nag-check online? Jusko. Ang dami na niyang na-send na messages na now ko lang talaga nabasa.

Naisip ko nang ituloy iyong balak kong pag-invite sa kaniyang magkape. Siya lang. Si Marjori kasi, alam kong kapag nagkwento ako roon tungkol kay Axel, uutusan lang niya ulit akong mag-move on na agad. Saka ko na siya kausapin kapag heartbroken na ulit ako. At least, alam kong doon ko siya kailangan. Si Bryan, alam kong tutol din naman iyan kay Axel—well, kailan ba iyan pumabor sa iba kong mga crushies?—but, at least, it'd be fun watching his reaction. Alam kong magseselos na naman iyan.

So chinat ko si Bryan. Nag-sorry muna ako syempre sa hindi ko pag-reply sa mga chat niya nitong nakaraan. Sabi ko na lang, masiyado akong busy na ngayon lang ako nakapag-online.

Mga after five minutes, nabasa niya na agad ang chat ko.

Ito reply niya, 'Okay lang. Buti nga, naalala mo pa pala ako.'

Aba! Ang drama!

Kala mo, hindi niya ako binasted ng makailang ulit eh?

'Sorry na nga kasi,'  reply ko. 'Para makabawi, okay lang bang kape tayo this Sunday? Free ka ba?'

'Motmot tayo after?'

Somehow, I knew he'd say that. Basta talaga wala siyang current girlfriend o nililigawan, lagi siyang game sa ganiyan.

'Oo na,'  reply ko. 'Basta ba ikaw ang may sagot doon ha? Ako na sa kape.'

'Okay. See you! Miss you!'

Before ako pumayag, sumagi muna sa isip ko si Axel. But realizing how there really wasn't going on between us, I thought it's fine if I go out with Bryan.

Hoy! You're judging me. Huwag ka nga!

Wala na akong any romantic feelings kay Bryan, no?

I swear!

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon