Chika #45

109 4 0
                                    

Beh, first time mag-take ng real interest ni Axel sa art ko. Siguro gawa na rin no'ng nalaman niyang uma-attend ako sa mga expo hindi bilang buyer kundi seller. Tumindi siguro iyong attraction niya sa akin noong nalaman niya iyon. Eme!

Dati kasi, more on asking general questions lang iyong binabato niya, like anong klaseng graphic art? Illustration, sabi ko. And in terms of specific category, pictorial illustrations. Mga everyday scenes translated into digital art, ganern ganern.

Ngayon, gusto talaga niyang makita ang mga recent na gawa ko. So syempre, dahil mapilit ang dzaddy, pagbibigyan natin ang dzaddy. Malay natin no? Lalo siyang ma-fall sa akin, choz!

So pinakita ko. May ilan na galing sa mga self-published authors na nagpapa-commission ng book cover illustration, may ilan namang mga bagets na gusto lang makita ang mukha nila in a digital art form, na siyang ipangpo-profile pic lang naman nila, may ilan ding OCs ko (o original characters), sina Mimay at Favio—actually fictionalized version ko lang iyang si Mimay, habang si Favio naman ay hitsura lang ng isang ideal man ko: matangkad, pogi, malaki ang tite.

"Hindi ba't parang tayong dalawa lang iyan?" sabi bigla ni Axel.

"Hoy! Feeling ka ha? Hindi no! Matagal ko na kayang characters iyang mga iyan. Mga isa o dalawang taon na rin bago pa kita makilala."

"O bakit parang defensive ka?" natatawa niyang sabi. "Pinoint out ko lang na parang tayong dalawa iyon."

"Ikaw eh. Parang pinapalabas mong..." Hindi ko lang masabi kasi nakakahiya pakinggan.

Pero ito kasi, parang pinapalabas niyang fina-fantasize ko kami together as a couple—which is true naman, ikaw ang saksi—pero hindi in the form of Mimay and Favio ha? Kaloka siya.

"So kung may magpagawa sa iyo ng character design ng OC nila, kaya mo?"

"Oo naman. Basta may reference at basta hindi rushed." Kasabay no'n ay nagpakita rin ako ng ibang mga samples ko. Naalala kong may kinuha na rin akong ganoong project dati eh. Ang laki nga ng kinita ko roon kasi apat na character designs, full body pa. Ang laki pa ng tip.

"Oh, so baka pwede rin kitang kunin as illustrator ng mga characters ko sa game?" sabi niya. "Remember iyong balak kong i-develop na game?"

Nanlaki mata ko nun, girl. Naisip ko kasing more chances iyon for us to be closer. Ehe!

"Sige ba. Pero hindi ngayon ha? Full pa ang commissions ko now eh. Hayaan mo, kapag ramdam kong malapit na akong matapos sa mga ginagawa ko, ikaw agad ang una kong sabihan, para ikaw agad ang una sa pila."

"Nice. Sige. Sabi mo iyan ha?"

"Oo naman! Promise! I-padlock pa natin sabaytapon susi."

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon