At dahil na rin nabanggit niya iyong about sa game na dream niyang i-develop, iyon na rin ang binring-up kong topic sa mga sumunod na araw. Naisip ko, siguro naman iyong level of closeness namin ay sapat na para i-open up niya sa akin iyon.
Which he did! Omg. Heto...
More on dating sim lang daw. Pero may twist! Lahat ng mga characters doon sa story, as in kahit anong gender, kahit hindi mo ka-age bracket (pero more on legal age ha? So mga 18 years old and above), may chance na maka-develop-an mo sa story!
"Kasi, 'di ba, sa mga dating sims, usually bibigyan ka na agad ng mga option kung sino roon iyong pwedeng makatuluyan ng character mo? E what if sa side character ka nagkagusto? Wala na bang chance for their love to bloom?"
Napa-ooohhh ako nang matagal no'n kasi na-realize kong may point siya!
Hindi man ako gamer pero kilala ko kasi si Cloud Strife, doon sa minsang nilaro ni Bryan na video game. Final Fantasy ba iyon? Oo iyon. May isa siyang ka-buddy roon eh. Zack ata ang name? Throughout the game, wini-wish kong sila ang magkatuluyan, kaso wala, hindi naman romance ang story. Kaloka.
Ang point is: we have the same sentiments. Bet ko iyang idea ni Axel.
"Bakit mo pala naisip ito?" tanong ko. "I mean, anong nag-inspire sa iyo?"
Sabi niya noong umpisa, "Wala lang." Pero alam mo iyong sa hitsura niya na halatang may dahilan, hindi lang niya masabi agad. So I waited. Hanggang sa ma-open up niya na may naka-MU daw siyang teacher noong college. Tapos noong nag-confess siya, na-reject siya agad kasi nga bawal daw iyong student-teacher na romantic relationship.
"Sus. Mahina iyang teacher mo. Sa amin nga, lantaran iyong panglalandi nung isang lalaking teacher sa classmate naming babae eh. Saka lang namin nalaman, noong graduation, na sila pala talaga this whole time! Jusko. Pero nabalitaan ko lately na nag-break din daw sila. Wala na kasi atang kailangan si gurl kay professor kasi graduate na eh."
"Grabe naman... Hindi naman lahat ng mga nagkakagusto sa kanilang teacher e dahil may kailangan silang academics related."
"Hoooy, wala akong sinasabi. Ikaw nagsabi niyan."
"De, nilinaw ko lang din na hindi lahat ganoon. Iyong sa amin ni Arthur, genuine attraction iyon."
Taray... Arthur...
Whoever you are, wherever you are, thank you sa pag-reject kay Axel. Dahil diyan, nagkaroon kami ng chance. Charet!
Oh, wait, now ko lang na-realize... bakit Arthur lang? Wala man lang pagtawag ng Sir? Ganoon na ba talaga kapag naka-graduate na? E samantalang iyong nambagsak sa akin sa math, tuwing nakakasalubong ko sa palengke sa amin, binabati ko pa rin ng Sir? O baka sadya lang talaga akong magalang?
"Ngayon pala, bakit hindi niyo sinubukan? Hindi ka na estudyante 'di ba?"
"Hindi na rin pwede. Pamilyado na iyong tao."
"Ayy. Ganoon?" For a moment, nahagip ko iyong similarity with someone from his past. "Ang saklap naman, parang same-same lang sa nangyari with your best friend? Umamin ka, na-reject, tapos nagkapamilya iyong person."
Saka siya biglang natawa, ewan ko nga, parang tanga lang eh. May mali ba akong nasabi?
"That's because we're talking about the same person. Si Arthur, iyong teacher kong nagustuhan ko noong college, siya rin iyong best friend ko."
Wait, what?
H-how?
Doon niya in-explain na naging teacher niya muna si Arthur bago sila maging mag-best friends.
Napa-oooh ako. So, does this mean, matandang tao iyong best friend niya? Ibang klase rin pala itong si Axel, mga older than him pala ang kino-close?
Hindi naman daw sa ganoon. Tatlong taon lang naman daw ang pagitan nila.
Na-confuse akong lalo. Like, you know, the math ain't mathing.
"Naging teacher ko siya noong third-year college ako. Siya naman ay fresh graduate. Kaya naging ka-close ko rin kasi halong magka-edad lang din kami."
"Don't you have a best friend before him?"
"Meron din. But out of all the people I considered a best friend, si Arthur lang talaga iyong matatawag kong the best friend."
Well, halata naman eh. Hindi mo na nga tinatawag na Sir eh.
"Pero gaya nga ng nabanggit ko last time, hindi na kami gaanong magka-close ngayon. Mga limang beses na lang kami magkita sa isang taon. Mga topic nga niya lagi, tungkol sa problema niya sa pamilya niya."
I don't know what got into me, but I just threw this one out, "May feelings ka pa rin sa kaniya?"
Hala, si bakla! Haha!
I know, beh. Kahit ako nga rin, nagulat din sa ikinilos ko! Like, somehow, the thing about Arthur made me insecure. Pero wala na, naitanong ko na eh. Saka curious din naman ako sa isasagot niya.
Umiling siya. Tapos sabi niya, "Wala na."
Part of me was relieved on the spot.
Pero alam mo iyong kahit iyong millisecond lang na pag-iisip niya, pati iyong pagkabigla niya sa tinanong ko, those subtle reactions tell me otherwise.
I feel like kahit sabihin niyang wala na, may part pa rin sa kaniyang umaasa?
Alam mo kung paano ko nasabi?
Hello? Ganoon ako with Bryan for a long time, no? So I know.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...