Chika #58

212 7 0
                                    

Dalawang araw din akong nag-stay sa bahay niya na para bang balik muli ako sa pagiging katulong niya, kahit pa ba pagkukusa lang naman itong ginagawa ko, at temporary lamang ito. But at least, after nga no'ng dalawang araw na iyon, I was glad to see him having fully recovered. Nakakatayo na siya ulit at tuwid na rin ang paglakad, hindi na iyong tulad nitong nakaraan na halos tutumba na siya sa bigat ng ulo niya.

"Thank you," sabi niya one time habang nakasandal sa pintuan ng dating kwarto ko.

Nagliligpit na ako ng mga gamit that time kasi balak ko na ring umalis, naghihintay lang talaga ako ng tamang tyempo. Siya naman ay tila nag-aalinlangan kung patutuluyin niya ba nang tuluyan ang sarili sa kwarto, e kung tutuusin pamamahay naman niya ito, lol.

"You're welcome," sabi ko.

At ayun, awkward na ulit.

It's like we lost the ability to speak like we normally do.

At that moment, I swear I could have just stand up and walk away. Nagawa ko na rin naman na ang tungkulin ko eh. Napagaling ko na siya. Iyong susi at keycard niya na isinauli ko na sana ay iniregalo na lang niya sa akin. Ewan ko ba sa kanya kung bakit may paganito pa, pero sige na, hayaan ko na, kaysa humaba pa ang usapan tungkol sa susi.

But still, I couldn't make myself move. Like, I was waiting for something.

A miracle siguro.

"Bakit hindi ka pala naghanap ng panibagong katulong mo?" sabi ko bigla.

"I was waiting for you."

Taray. Waiting for me. Parang linyahan lang sa mga romance movies.

I would have believed it if only I hadn't saw him with another guy. Feeling ko nga, lahat ng pag-attempt niyang i-win ang heart ko, ready agad ang utak kong itampal ang kataksilan niyang ginawa sa akin.

"And what if I didn't come back?"

"Kahit gaano pa iyon katagal, Em. Okay lang sa akin. Basta ikaw."

Doon na nagparamdam sa akin iyong guilt.

I wasn't sure if he's aware already. Pwede naman kasi siyang magpa-background check, pwede rin naman niyang interogahin iyong mga friends o kakilala ko tungkol doon sa nasabi ko sa kaniya before. But he's so hard to read. Sa hitsura kasi niya, it's either he already knew the truth or he's willing to accept whatever alibi I had to say.

"I lied to you, Axel."

There. I said it.

"Hindi totoong may kamag-anak akong nagkasakit na kailangan kong alagaan. Dahilan ko lang iyon para makaalis sa iyo, para... maka-move on sa iyo."

The fact that he looked quite surprised meant this was news to him. Naghintay ako ng looks of betrayal, pero wala, it's more like he's concerned why.

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya.

"It's not—" I was ready to explain at first, but then napalitan ng pagkabwisit kasi parang ang clueless talaga niya!

Hindi ko na alam kung nagmamaang-maangan ba siya o kung gini-guilt trip lang niya ako ngayon para lang lalo akong magsisi kung bakit ako umalis.

"I saw you with a guy!" sabi ko na lang bigla para matapos na. Feeling ko kasi ito lang din ang habol ko kung bakit ako napapunta rito. Gusto kong ilinaw sa kaniya kung bakit ako umalis. Gusto kong pagsisihan niya iyong ginawa niya. "Weeks after I confessed to you, I saw you kissing another guy. Sa likod ng mall. Sa may parkingan."

"Oh."

Okay. At least hindi niya dine-deny. At least hindi ako nagkamali sa nakita ko.

Nakahawak na ako nang mahigpit sa bag ko that time. It's like I was milliseconds na rin from deciding on leaving when he talked again.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon